Mas malungkot na ang mundo ngayon..
Isa na namang miyembro ng Bee Gee(s) ang yumao. Si Robin Gibb, di pa nagtatagal ng yumao si Maurice. Sa pagkamatay ni Maurice, sabi ng dalawang magkapatid na natira ay hindi na sila Bee Gee(s) kundi Gibb Brothers na ang dapat itawag sa team up nila.
Ang grupong Bee Gee(s) ang isa sa pinaka-popular na singing group sa kontemporaryong panahon. Hindi nila naranasan ang pagkakahiwalay ng grupo nila dahil maari sa pagkakaugnay nila bilang magkakapatid.
—-
Si Robin Gibb ang boses mula sa kanta ng grupo na ‘I started a Joke‘ at ‘I’ve Gotta Get a Message.’ Para sa akin, si Robin Gibb ang may pinakamagandang boses sa grupo, ilan lang sa kanta ng grupo ang siya ang lead singer. Madalas ay si Barry Gibb ang lead singer at 2nd voice si Maurice at Robin.
Kung gusto nyong pakinggan ang pagkanta ni Robin ng ‘I’ve Gotta Get a Meesage’ at I Started s Joke,’ mula sa concert ng magkakapatid at buksan lamang ang mga link sa baba.
I Started A Joke
http://www.youtube.com/watch?feature=endscreen&NR=1&v=KSxuvNGSrmc
I’ve Gotta Get a Message
http://www.youtube.com/watch?v=10_REPqPlP0
—-
Salamat Robin sa mayamang musika.

hello, Cocoy,
ahaha, gusto ko ang bagong theme, may menu na mas madaling silipin. ayos! regards… :)