Bida ka ba o Kontrabida.. wala lang pagod lang siguro ko..

Hindi na scholarly ang blogsite kong ito.. dati rati ay mga essay ko sa masters ko ang nilalagay ko dito..

Bakit nga ba me kontrabida lagi..  At bakit meron ding bida..  Me eksplanasyon ang pilosopiya sa tema ng buhay na yan.

Ang tawag ng pilosopiya sa bida at kontrabida na tema ng mga palabas, at ng totoong buhay ay.. “Binary Opposition” Maraming gamit ang konsepto ng binary opposition.. Sa advertisement, o mga komersyal na palabas sa TV, sa radyo.. o kahit saang media ay palasak ang temang binary opposition.. Halimbawa.. “Alin ang pipiliin mo, ang bareta X o bareta Y, (halatang-halata namang Tide at Surf yung piangkukumpara dahil sa kulay)” ang sistema ng pagkumapra sa dalawang may magkaibang katangian ay pumapasok na sa binary opposition.

Malimit dalawang magkaibang bagay ang pinag-pipilian natin. hindi pwedeng magpareha dahil wala ng binary opposition sa tema. Hindi pwedeng angHindi natin napapansin pero napapaligiran tayo ng konsepto ng bibary opposition..

Babae o lalake..(maging ang pagkakalikha ng mundo ay umiikot sa tema ng binary opposition). bagamat kokontra ang mga bakla.. dahil sasabihin nila ay me “pusong babae” o babaeng nakabihag sa katawan ng lalake.. mga ganung bagay..

Langit at Lupa. Basa at tuyo. Payat o Mataba. Maganda at pangit. Matangkad  o pandak. Mapakla o Matamis. Paraiso o Impyerno. Diyos at Dimonyo. Mabuti o masama. Itim o puti. Malawak o masikip. Eagles o America. Lakers o Celtics. ISM o BSM. Mac o IBM compatibles. Honda o Yamaha. Pancit o Spaghetti. Kulangot o muta… Utot o baktol.. ibat-iba pang bagay.. o mga ganyang bagay..

Araw-araw ay me interaksyon tayo sa temang binary opposition.. dalawang katangian na naglalaban. dalawang katangian na pagpipilian. dalawang personalidad na magkaiba. Kaya dapat masanay tayo na me kontrabida sa paligid natin. dahil ibig sabihin tayo ang bida.. karaniwan parang nagwawagi ang kontrabida sa una ngunit ang bida naman ay laging bumabawi sa huli.

3 comments

  1. Marjorie Fucanan

    nde kc maganda ang isang kwento pag walang kontrabida… kaya malaki ang utang ng loob ng bida sa mga kontrabida…. anyway, in the end, the good will always prevail naman….:))

  2. hello, tsinelas… maganda ang post na ito. binary opposition, yes. young vs. old, yes versus no, being versus nothing. pag become na, ano na ang i-a-aspire? to be nothing? ayon… ^_^ cheers!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: