bagyo, antenna at kalbong bundok

posted on www.sinelas.blogspot.com 06 October, 2009

—————————-

Lahat tayo ay me karanasan na kapag ang pag-uussapan ay bagyo. Sa mahigit 20 bagyo na dumadaan sa Pilipinas taun-taon, eh siguradong merong isa o dalawang bagyo bawat taon ang talagang sumalanta sa Pilipinas. Noon, sa mga batang nag-aaral na may mababaw pang pang-unawa sa kalamidad, eh katumbas lang ng tuluy-tuloy na ulan at malalakas na hangin, at “walang pasok” ang pagdaaan ng bagyo.

Dahil sa ang palabas sa TV noon ay hindi ganuon kadetlaye pagdating sa mga kalamidad. Dahil sa paglago ng komersiyalisasyon, maging ang pagpapalabas ng mga anunsyo tungkol sa kalamidad ay komersyalisado. Ngayon ang mga bata ay malalim na ang konsepto ng bagyo at kalamidad. Dahil sa walang tigil na pagpapalabas ng mga video at picture ng mga nasalanta ng bagyo. Noon ay sa oras lamang ng balita makikita ang mga picture at detalye ng pangyayari. Sigurado Si Edelyn, Tine, at Achie ay maalala ang tungkol sa bagay na yon, dahil mga 30+ o higit pa ang edad nila

Di ko malimutan noon na pinatibay ng tatay yung bahay sa pamamgitan ng pagtali ng mga pamakuan ng kisami at paghakot ng aming mga gamit paakyat ng bahay dahil pumasok na ang tubig sa bahay naming. Minsan ding umakyat ang tatay sa bubong at ibinaba yung antenna ng tv dahil ang padating na bagyo ay malakas ang hangin.

Ginawa ko rin na umakyat minsan sa bubong ng bahay nitong mga nakaraang taon lang dahil ang taya ng PAGASA sa padating na bagyo non ay malakas din ang hangin. Kinabukasan ay halos lahat ng kapitbahay ko ay naghahanap sa mga malalapit na bahay kung saan napadpad yung kanilang TV antenna. Iyon yung bagyo na nagpalipad ng maraming billboard sa EDSA Guadalupe at sa maraming parte ng metro manila. Yung araw din yon na tapos na ang bagyo at nilipad ang mga antenna ng kapitbahay namin eh isa ang bahay naming sa may matinong antenna, dahil inalis ko ito nung padating pa lagn ang bagyo at naibalik ko rin nung lumipas na ang hangin. Minsan magandang manahin yung mga simpleng bagay mula sa magulang.

Kakaiba si Ondoy, dahil siya ang may pinakamaraming dalang tubig ulan sa kasaysayan ng bagyo sa Pilipinas. Napaka-hinang bagyo na may hangin na 65-80 kph lamang, ngunit sinalanta ang buong NCR at maging ang Central Luzon. Sa panahong ito na ang pinoproblema ng mga mauunlad na bansa ay ang pagtatayo ng MC Donald sa buwan at pagtatanim ng marijuana sa Mars eh nandito tayo sa Pilipinas, pinoproblema ang mga simpleng bagyo na dapat ay dumaan lamang sa atin kung maayos lamang an gating mga daanan ng tubig. Ako at Ikaw ay may kontribusyon sa problema natin. Malaki a ng responsiblidad ng lokal at nasyonal na gobyerno sa nangyari nakaraan.

Yung mga informal settler sa paligid ng floodway sa Pasig, Taytay at Cainta ay hindi masasalanta kung hindi nila ginusto na tumira doon. Hindi sila dadami doon kung hindi dila pinayagan ng gobyerno (mayor, gobernador), di rin mananatili yung mga mayor na walang alam kung hindi natin pinayagan bilang mamamayan. Yung pagsulputan ng mga residential na lugar sa (subdivisions) sa Marikina-Rizal Valley ay hindi dapat napayagan dahil yung lugar na yon (Eastern Pasig, Lower Marikina, Taytay, at Taguig) ay taunang dinadaanan ng tubig mula sa mga bagyong dumadaan sa bansa. Ang tubig na mula sa matataas na parte ng Rizal (Marikina Heights, San Mateo, Montalban, Antipolo) ay natural na dumadaan sa lambak (valley) ng Marikina-Rizal, na dati ay mga natural na taniman ng mga palay.

Kung pinayagan ang pagtatayo ng mga kabahayan at mga industriyal na imprastruktura sa lambak ng Marikina-Rizal ay dapat na ekstensibo ang ginawang daanan ng tubig.” Dahil ang tubig na mula sa matataas na lugar ng Rizal ay natural na maghahanap ng madadaanan. At kung me haharang ay talagang babahain, katulad ng nangyayari ngayon sa Pasig at Cainta at sa loob ng bahay namin.

Yung pagkakalbo ng mga bundok sa atin ay minana pa natin sa mga batas na napirmahan noong mga panahon pa ng preseidente Manuel Roxas, at Elipidio Qurino. Dahil nabigyan ang mga dayuhang kompanaya ng pahintulot na magputol ng mga puno at ilabas ito ng bansa. Ang bansang Hapon at Esatdos Unido ang kliyente natin ng mga putol na puno. Nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo, ay nakasama ako na pumunta sa Tanay Rizal, sa parte ng Tanay na may makapal pa na Gubat. Doon ay may mga puno na mahigit 40 taon na ang edad. Isipin mo kung gaano kalaki ang troso ng puno na hindi kayang yapusin ng apat na malalaking tao na magkakahawak ang kamay. Merong mga puno na ganon kalaki. Sana lang ay nandoon pa yung mga puno na yon.

One comment

  1. hello, Cocoy… salamat sa dalaw, sa pagbabasa at sa pagsasalin ng tula. ay, ka-romantic at sweet ng ‘yong translation for our friend, Ren. you’re a hopeless one, kapatid, hehe. maswerte ang misis mo. :) hamo, isang araw, i’ll translate the same din sa Tagalog. ikaw na ang poetic. gawa ka kaya ng post? hehe. have a good week! ;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: