Baha.. at Hirap na Manggagawang Pilipino

 

Ginawa ko ang blog na last year pa.. inilipat ko lang ito mula sa isa ko pang blog.. yung www.sinelas.blogpsot.com, nagkaka-problema kase ako sa layout at sa pag-edit ng laman..
————————————— 
posted on www. sinelas.blogspot.com
09 October 2009
Yung mga nakaraang araw eh grabe ang hirap na dinanas ng Pilipino, mayaman o mahirap. Pero aminin natin, ang mga mahihirap ang mas higit na tinamaan ng labis sa nakaraang kalamidad.

Ang mga mayayaman eh malulugi pero hindi maghihirap, pero ang ordinaryong Pilipino lalong maghihirap, at me mamamatay din dahil sa hirap.

Ang totoo nyan, maraming uring manggagawng Pilipino ang lalong humirap ang kalagayan dahil sa dinanas nating mga sakuna.

Hindi naman sa binibigyan ko ng higit na pansin ang manggagawang Pilipino, pero grabe na ang dinaranas natin noon pa. Pero lalong nadag-dagan ang hirap.

Isa-isahin ko lang..

Trapik. Dahil sa baha, maraming sasakyan ang naiba ang dinaraan sa biyahe nila papasok ng trabaho. Dahil dito ay nadoble o higit pa ang trapik sa mga pangunahing lansangan. Kailangan ngayong gumising ng mas maaga ng mga mangagawang Pilipnio para lang makarating ng nasa oras sa kaniyang trabaho. Katumbas ng trapik sa umaga ey yung trapik sa gabi. Huli na nakakauwi ang pinoy/pinay na uring manggagawa, pero kailangang gumising ng mas maaga. Kulang sa pahinga pero labis sa trabaho.

Mas mahal na pamasahe. Sa Pasig, Pinagbuhatan. Kung araw-araw kang aalis at papasok sa trabaho ay maglalakbay ka muna sa mahigit 3 kilometrong baha na hanggang tuhod ang taas. Nakakapagod. Kung hindi mo naman kayang maglakad ng ganoon kalayo eh magbabayad sa mga nagbabangka ng hindi bababa sa P100 para lang makarating sa lugar na makakasakay ka ng karaniwang sasakyan (jeep at tricycle). Tapos ang sahod ng ordinaryong manggagawang Pilipino ay P380+ lang.

Mataas na halaga ng bilihin. Dahil sa bagyo. Natural na tumaas ang halaga ng mga bilihin. Lalo na ang isda at gulay. Mga bilihin na karaniwang binibili ng ordinaryong Pilipino. Halagang lalong nagpapahirap dahil di naman kalian tumaas ang “halag” ng kinikita ng ordinaryong manggagawa.

Mga gamit na nasira. Dahil sa baha at ulan. Maraming gamit ang hindi na ulit magagamit. Ito yung mga simpleng kagamitan lang. Hindi natin pinag-uusapan ang mga HDTV o kotse. Ito yung mga aparador, lamesa, simpleng TV, refrigerator, plantsa. Mga simpleng gamit pero kailangan. Maaring tatanungin nyo bakit kasama ang TV. Sa ordinaryong pilipinong manggagawa, ang tanging nakakapag-bigay na alng nga aliw minsan ay sama-samang panonood ng palabas sa TV. Kababawan mang tingnan, ay hindi na kaya yung mamasyal o manood man lang sine.

Bahay na nasira. Maraming pinoy ang nasira talaga ang bahay. Hindi naman pwedeng walang tirahan.

Maraming ordinaryong Pilipino rin ang namatayan ng mga kamag-anak. Dobleng pasakit. Dahil wala ka ng gamit. Nawalan ka pa ng mahal sa buhay.

Maraming Pilipino rin ang nawalan o mawawalan ng trabaho. Maraming kumpanya ngayon ang hind tumatakbo ng maayos dahil nakalubog sa baha ang lugar nila. Maraming empleyeado nila ang hindi ngayon kumikita.

————–

Kung minsan iniisip ko kung anong nagawa natin, at bakit natin dinadanas ang ganitong klaseng sakuna. Tapos mababalitaan natin na gumagastos ang “gobyerno” ng Pilipinas sa isang upuang kain ng halosa isang milyong piso. Habang ang mga uring manggagawang Pilipino na tatanggapin pa lang ang sweldo ay bawas na yung tax o buwis ay masaya ng umuuwi sa bahay na may mainit na kanin at simpleng ulam.
Putang-ina nilang lahat!

Tapos, sa simpleng rubber boat, magmamakaawa tayo sa Amerika. Tapos sa simpleng motor ng bangka, magmamakaawa tayo sa mga bansa malapit sa atin, tapos sa simpleng tubig inumin magmamakaawa tayo sa Red Cross, tapos sa simpleng de lata ng sardinas magmamakaawa tayo sa UN. Putang-inang gobyerno yan!

————–

Pag mga ganitong panahon parang masarap makakita ng mga 10 kongresista (kontratista) o 5 mayor (na mahigit 20 taon ng nakaupo sa puwesto ang pamilya) o kahit presidente (na nagsabing I am Sorry) na binibitay sa plasa.

Radikal na ba ko. Minsan kase magalit naman kayo. Minsan kase murahin nyo naman ang gobyerno. Minsan murahin nyo ang mga dahilan. Karapatan nyo rin yan! Mga manggagawa tayo! Tayo ang nagbabayad ng buwis na kinakalkal nila. Puitang-Ina nilang lahat!

Ngayon, higit kalian masarap magmura!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: