Reply ni Obet kay Cocoy

posted on www.sinelas.blogspot.com  August 2009

—————————–

From: Obet
To: Cocoy
Sent: Sunday, August 16, 2009 1:15:01 AM
Subject: Re:

napa punta tuloy ako sa banyo ng nabasa ko ang maamoy mong saloobin… dun ko naintindihan na kahit anong pusisyon mo nakatayo naka higa nakatuwad kahit anong emosyon mo nakasimangot nakngiti nakatulala pag naramdaman mo na pala yung pakiramdam na yun … yun kahit di maabot ng mata mo ang banyo, ay naririnig mo yung bulong nya… halikana ako parin ang maka pangyarihan sayo… kumain ka man ng pera… ako parin ang boss… buhahahahahaaaaaaaah!

isang magandang umaga cocoy, sarap na ng pakiramdam ko… inamin ko na sa kanya kanina, sya ang boss ko, eto magaan na pakiramdam ko, parang bagong ligo ang pakiramdam!

coy di naman ako mayabang…
nararamdaman ko rin yung nangyayari… kaya lang kulang yung emosyon… siguro dahil hiwalay ang buhay ng mga pinoy dito… malaki yung comunidad ng pinoy, pero di mo maramdaman yung pag harap sa mga sitwasyong pang bayan… kadalasan naka pokus sila sa sitwasyong pamilya, di ko alam kung epekto eto na ang mga pinoy ngayon ay isinuko na niya yung pakikihalubilo nya sa nangyayari sa kanyang bayan at sadyang binuhos na lang niya ang kanya pagmamahal sa kanya pamilya na marami sa kanilay matagal ng tinalikuran ng gobyerno…

maari din naman na dahil sa kultura ng kanyang ginagalawan ngayon, tulad dito sa aming kinalalagyan na alam kong naramdaman mo rin noon… ang taoy gigising magaalmusal papasok sa trabaho, lalakbay ang oras, uuwi, kakain, kakamustahin ang pamilya na nahiwalay sa kanya… matutulog.

walang konsepto ng pakikipag baka sa kagutuman kurapsyon kawalang pagasa…

kase nararamdan nila yung gobyerno bukod sa kanilang pananampalataya…

ilang bese na akong naluha kaharap ang tfc the filipino channel minsan pati sa wowowie pag nakikita ko yung hirap ng mga tao na sumasali dun, wala na sillang pagasa… minsan sabi nila si willy na lang yung pag asa nila… tama ba yun?…

tapos mag ngingitian mag sasayawan mag lalaro tapos uuwi sa kanilang bahay na may ngiti kahit alam niya na kulang parin yung bigas nila pang hapunan… tama ba yon?

naiyak talaga ako sa isang programa ni karen davila, ipinakita yung isang silid sa isang paaralan na ang nilalaman ay mahigit isang daan bata sa isang klase. kailangan nilang humakbang sa mga lamesa para makarating sa black board at isulat ang sagot, tama ba yon?

pero di ko talagng mapapigilan yung iyak ko at galit ng ipakilala nila ang isang bata na estudyante sa umaga, basurero sa gabi pero ang masaklap dito sa basurahan sya kumakain, papag-pag yung tiratirang manok sa mga sikat na fastfood chains… kukuha pa tapos bago pumasok sa eskwelahan ilalagay yung manok sa baunan tapos kakainin nya yun sa recess, putang ina tama bayon?…

kita ko rin yung pamilya ko naluluha… magagalit sa sitwasyon, papahiran ang luha… papasok sa kanya kanyang kwarto magmumuni muni… matutulog… kinabukasan pumasok ako sa upisina dala parin yung mabigat na damdamin… mamamalayan ko ako, ako lang ang pinoy sa sa opisina, wala akong mapagkwentohan ayoko ikwento sa ibang lahi yung nakita ko…

ilang araw palang ang lumipas sa harap naman ako ng kumpyuter lumuluha… patay na si cory! kita ko yung mga tao, gutom sa pag kalinga ng mga tapat at mapagmahal na mga lider ng bayan, nandun sila upang ibagay ang respeto sa isang lider na nakitaan ng matayog na pagmamahal sa bayan… di maitanggi ang paghahanap ng mga bagong tutoong lider, naubus naba ang maaayos at tuwid na lider sa bayan… bitbit ang alala ng panahon na minsan ang mga pinoy ay sinaluduhan ng mga banyaga… pero matagal ng panahon iyon iba na ang tingin ngayon ng banyaga sa mga pinoy… patay na si cory…

nung martes nakabili ako ng macbook ang saya saya ko… nung nasa pinas ako di ako tumitingin ng laptop kase alam ko di ko kayang bumili… aminado ako noon wala akong kakayahan bumili baket ganun, bakit kailangn mo pang pumunta sa ibang lugar para makabili? bakit sila kaya nilang patakbuhin ang bayan nila na maayos …kagabi natawa ako sa sarili ko kase punas ako ng punas ng tissue sa mcbook… di naman ako mayabang, di rin naman ako mayaman, nagtratrabaho lang akong sa isang malit na upisina…

sabi ko sa sarili ko mga tatlong taon lang ako dito magiipon ako para pang negosyo, di ko paalam kung anong negosyo papasukin ko pero ang alam ko kahit na maliit lang yung negosyong yun ilalaban ko na yung kukunin kong empleyado ay di na nya kailang lumabas ng bansa para maging maayos yung buhay nya…

mahal ko ang pilipinas… tama iyon!

One comment

  1. ahaha, ang ganda nito. hello, Cocoy! :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: