Isang mapagpalayang araw sa iyo

Isang mapagpalayang araw sa iyo/inyo.

Yan ang karaniwang bati at pang-huling salita sa mga email ko. Minsan ay nakakatanggap ako ng kakaibang reaksyon sa maiksing salita na yan. Merong positibo, meron din reaksyong pang-alaska.  Kahit ano mang reaksyon.. isang mapagpalayang araw pa rin.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kataga kong iyan. Sigurado sasabihin ni Achie.. “me dahilan yan” si Franco pa. Si Ana naman, “edad yan, me koneksyon sa edad nya yan” 

Bagamat sigurado kong hindi ako ang orihinal na gumamit ng kataga kong iyon ay hindi ko kinuha ang kataga kong iyon sa kanino man. Kung may pag-kakahawig iyon sa kataga ng sinuman ay hindi ko sinasadya. Noong una kong narinig o nabasa iyon ay ginagamit ko na rin siya. Sabi ng ilang kakilala ko.. Katagang aktibista daw iyon. Tama sila, pero di ko iyon ginamit dahil narinig ko iyon sa mga aktibista. Bagamat maraming gawain ng mga aktibista ay sinusuportahan ko. Sabi din ng ilan.. Komunista daw ako.. dahil sa katagang iyon. Totoong maraming ideya at konsepto ng komunismo at sosyalismo ang pinaniniwalaan ko. Pero di rin iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ko ang katagang iyon. At mas gusto ko pang tawagin mo akong “sosyalista”.

Kalayaan ang nais ko sa bawat tao na kakilala ko. Kalayaang partikular sa bawat tao na nakakabasa ng maikling kataga kong iyon.

Kalayaan, dahil bawat isa saatin ay bihag. O nakakulong sa mga bagay, tao, sitwasyon na pinahahalagahan natin; o gusto nating kalimutan; o gusto nating makamit, o mga bagay na hawak natin, at marami pang iba.. Masakit mang isipin, ang total o kalayaan sa totoo at malinis na pakahulugan nya ay hindi natin makakamtan sa buhay na ito. Maging ang buhay kase na hawak natin ay isang uri ng pagkakabihag. Ang kahilingan ko ay yung mga munting kalayaan na magpapagaan ng buhay natin.

Sabi ng kakilala ko. anu-anong kalayaan ba ang sinasabi mo?

Kalayaan sa credit card, sa boyfriend na abusado, sa trabahong mababa ang sahod, sa partner na nagger, sa ka-partner na iresponsable, sa traffic, sa ugaling laging “huli”, sa FB, sa boss na madakdak, sa pagkaing puro taba, sa polusyon sa hangin, at marami pang iba na maaring di natin napapansin na nagbibihag sa atin.

Dati kase, pag pinag-usapan ang kalayaan, ay laging may kinalaman ito sa nasyonalismo at pakikibaka.  Ngayon, ang pakikibaka ay sa araw-araw na pakahulugan ng buhay, kalayaan sa paghihikahos, sa mahal na bigas, sa mga arabong kumokontrol ng presyo ng langis…

Sabi uli ng kakilala ko.. bakit merong katagang “isang…” at “araw”.

Dahil ang pakikibaka kahit gaano konektado sa hinaharap (future) ay hinaharap natin ito ng paisa-isang araw. Kahit na anong plano natin para sa susunod na linggo, buwan at taon, ay .. sigurado maraming mangyayaring di mo kontrolado. Isa-isa lang. Sabi sa pelikula ni Mel Gibson na Patriot “Aim small, miss small”. Minsan tamang sa kasalukuyna muna tayo tumingin. bagamat tama rin ang magplano. Isa-isa lang..

Nasaang sitwasyon ka man.. ano man ang pagkakabihag mo. PS4, Shawarma, kabet mo, mataas na presyo ng pa-facial, yung me crush sa yo nung 2nd year high school na di mo pinansin noon at nakita mong super sexy ngayon, yung celphone model na di mo mabili dahil mahal, credit card bill mo na umabot na 30K, anak mong naging adik, kapitbahay mong maingay, tae na naapakan mo kanina, chewing gum na dumikit sa sapatos mo, kasama mo sa trabaho na mabaho hininga, lapis mo na laging nababali, mga putang-inang arabo na manyak, takot sa mga pakistani na taxi driver na rapist, pagkabuwisit sa mga bangladeshi’ng kasama sa trabaho dahil parang itek magsalita, mga indiyanon gmaraming balakubak, sa blog na walang kwenta at minumura ang mga arabo, at marami pang buwist sa buhay…. Isang mapagpalayang araw sa iyo.

2 comments

  1. pie

    yes, i agree with your concept of kalayaan :) each day is a challenge and sometimes we can’t just get out of the trap that we are in…

    teka nga mag tagalog nga ako…tagalog pala ang usapan…minsan ang kalayaan ay nasa ating mga kamay na. pero ayaw natin piliin maging malaya…sa boss na makunat, sa bf na pasaway..sa fb at twitter…mas gusto natin manatili sa ganitong sitwasyon…dahil madami tayong takot na ayaw harapin.

    comment nga lng pala ito, hindi ko hahabaan…mag blog na lng din ako ha ha!

    teka, pano mo nalaman na manyank ang mga pakistani na yan? ;)

  2. ahaha, eto pala ‘yon, naipaliwanag na pala… hello, Cocoy!

    btw, isa ito sa pinakamagandang piyesang nabasa ko sa blog. simple pero malalim ang ibig sabihin. sabi ng thinker na si Montesquieu, man everywhere is in chains. parang gano’n…

    hmmn, sa pagkaalam ko, dalawa ang tipo ng tanikala ng tao – isa, ang tanikala ng lipunan (structured society) at ikalawa, ang tanikala niya sa kanyang sarili (needs and wants). dapat, pareho niya itong bakahin para makamit ang sinasabing kalayaan.

    sa panitikan, madalas tawagin ang struggle ng tao para lumaya bilang the human condition. sabi, the human condition is man’s attempts to unite with the world and to unite with himself, conflict and contradiction being the givens of human existence. and he does it with the limited time and space allocated to him. ayon naman… regards! :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: