Galing nila!

Dalawang semester na akong humahawak ng photography sa Fine Arts. At enjoy kahit challenging ang kurso na to. Advantage lang eh “digital na kami”. Yung limitasyon ng film photography ey naiiwasan na namin.

Isa pa, magastos ang film photography.

Pag nagseryoso ang mga estudyante ko.. talaga nga naman. ang galing nila.. kasama sa blog na to ang ilan sa mga magagandang photo ng estudyante ko sa photography. pasensya na kung me makikita kayong mga wire sa mga building shots.. di na namin maiwasan. maliban kung ipapuputol nyo sa amin yung mga wires. at isa pa. hindi nila ginamitan ng photoshop yan..

Sinama ko rin yung ilang nude photos.. marami pang magagandang photos, pero wala akong masyadong oras para mag-upload.. Me mga comment din ako sa mga photos na ito pero ok lang, lahat tayo ay me limitasyon at pagkukulang. maaring sa kulay, contrast, o kaya ay cropping. Mga estudyante pa lang sila. At isa pa, 2nd year pa lang sila. Mababaw pa ang kanilang aesthetic sense. Palipasin natin ang 2 taon pa. Huh.. sigurado mas malalim at mas pulido na sila..

Hayaan nyo na lang akong ipagdiwang ang gawa ng mga estudyante ko.

Nagpaalam naman ako sa kanila na ipo-post ko ito sa blog ko.. ang mga photo na naisama ko ay galing kina Ena, Mara, Edwin, Daryl Baybay at Daryl Delos Santos, Fred, Aye, Lomell, Alphonse, Vince, Levi, at Jani. Pwede ko bang banggiitin kahit isang beses lang.. ako ang teacher nila.. hahaha.. yun lang isang beses lang. tama na. Pasensya na nga lang sa kanila dahil di ko na nalagyan ng watermark ang mga photos. wala na akong access sa photoshop dito.

Isang mapagpalayang araw sa inyo.

2 comments

  1. tnx prof for choosing ena’s photos as one of ur bests! this is sign of giving encouragement to students. bod blez!

    • Cocoy

      Hi Mrs. Ladera,

      Ena’s one of the best in class, if not the best. She deserves the recognition. I believe in them. And I believe one day, they’ll be there on top. At kahit sa sarili ko lang, ibubulong ko na “estudyante ko yon.”

      God bless din po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: