Pangako by Cueshe’

Bihira akong magkagusto sa mga kanta ng mga sikat na Pinoy band ngayon. Siguro ay trap (bihag) ako sa panahon ng Eraserheads, Teeth, at iba pang kasabayan nilang banda na medyo alternatibo ang dating. Karamihan ay mga banyagang banda ang nagugustuhan ko, katulad ng Coldplay, Vertical Horizon, at Maroon 5.

Sasabihin ni Achie, sigurado me ibig sabihin yan kung bakit di nya magustuhan ang mga bagong banda. Si Franco pa, lagi naman me ibig sabihin yan. Si Ana naman, “edad yan, me kinalaman yan sa edad nya.”[i] Ang dalawang kasama ko sa trabaho na to ay tag-team sa pang-alaska sa akin.

Pero minsan ko lang napakinggan ang kanta na ito ng isang banda na sikat ngayon sa mga kabataan. Narinig ko to sa MP3 player ng isa kong estudyante. Hinahayaan ko kase silang makinig ng kanta kapag nag-do-drawing na sila. Inspirasyon daw. Ang banda ay “Cueshe.” Pangalan pa lang ng banda ay hindi ko na magugustuhan. Mala-bakla, malambot, at pa-sosyal epek. Pero maganda ang kanta nila na ito.

“Pangako” ang titulo ng kanta ng banda na yon. Corny na naman. Lahat naman kase ng pangako ay napapako. Pero maganda ang rhythm ng kanta, sinimulan ang kanta sa bagsak ng drums na sinusundan ng bagsak ng distorted na tunog ng gitara.. Isa sa mga pinakikinggan ko kase sa kanta ay yung rhythm. Kapag swabe at hindi magaspang ay ok na yung kanta.. kahit nagiging distorted pa ang pagtugtog ng ilang instrument. Isa pa na kinaganda ng kanta ay maiksi siya. Di nagpilit yung sumulat ng kanta na pahabain yung kanta sa walang kwentang titik.

Eto ang lyrics ng kanta..

Pangako

Kislap ng ‘yong mga mata
Ako’y iyong nadadala
Parang angel ang ‘yong ganda
Di maiwasan hahanap-hanapin ka

O kay tamis ng ‘yong mga ngiti
Ako’y iyong naaakit
Tulad ng rosas nakakaaliw
Di mapigilan mabighani sayo

At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin
At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa’yo

Pag sapit ng gabi
Sa isip ay ikaw pa rin
Mga larawan mo sa aking tabi
Na laging nakamasid

Kung gusto nyong pakinggan at mapanood yung Video nila ay click nyo yung link sa baba:

http://www.youtube.com/watch?v=cJHa4_sFs-A

Isang mapagpalayang araw sa inyo!


1. Si Achie at Ana ay mga kasama ko sa trabaho sa British School Manila. Si Achie yung Intsik na taga-finance (di ba mga intsik magaling sa pera, esakto sa trabaho nya) ay malapit ng mag-40 kaya panahon din nya yung Eraserheads. Si Ana naman yung bata na inutusan ng nanay nya na bumili ng suka, pero nakarating sa BSM, at nakapagtrabaho. Mukha lang syang 14 anyos kahit saan tingnan. 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: