Minsan Isang Sabado

Naniniwala ba kayo na walang aksidente.. na lahat ng nangyayari ay mangyayari kahit gustuhin o ayaw man natin.

At lahat ay may kinalaman sa mga desisyon natin at ng mga taong nakapaligid sa atin. Sa maraming desisyon na ginawa natin sa buhay, sa reaksyon natin sa mga sitwasyon sa paligid natin noon at ngayon. Na kahit kahit kailan ay konektado ka sa mga taong mayroon o walang kinalaman sa yo.

Minsan isang Sabado..

Kasama ko misis ko sa sasakyan, papunta ko sa FEU at siya naman sa trabaho din nya sa Caloocan. Ibababa ko siya sa Crossing/EDSA para doon na sya sumakay ng papunta ng Caloocan.

Alam ko inis na naman misis ko sa akin kase medyo nahuli na kami ng alis, tapos dumaan pa kami ng panaderya para bumili ng pandesal. Na lalong nagpatagal sa amin dahil me konting pila sa panaderya.

Sabi ko sa kanya, wag ka na mainis.. alam ko medyo nahuli na naman tayo ng alis. Tapos na yon..

Sabado naman yon, OT lang sa kanya yon. Ang totoo nyan ako dapat ang maatubili dahil di dapat ako mahuli ng dating dahil mag-aantay mga estudyante ko. Ayaw na ayaw kong nag-aantay sila. Nagbayad sila ng tuition fee na maayos, tapos pag-aantayin lang. Bagamat me pagkakataon ding nahuhuli ako minsan. Pero bihira yon.

Naghiwalay kami sa crossing, kasama din nga pala namin ang tatay nya na papasyal ng Ospital, sa East ave Medical center daw. Sabay sila bumaba.

Ang karaniwang daan ko papuntang FEU ay Shaw Blvd, tapos Ramon Magsaysay Ave, Legarda at Recto.. then Morayta. – FEU na. Parang malapit pero mga 16 kilometro mahigit yon. May kakaibang nangyari sa biyahe ko noon. Me banggaan sa Shaw Blvd. Isang kotse at jeep. Medyo di maganda yung eksens, ang aga-aga tapos me malaking aksidente sa kalye. Kay medyo traffic. Tinanong ko yung lalaki sa kalye, kung anong oras nangyari. Sabi nung lalakiay mga 5 to 10 minutes pa lang. Kay medyo sariwa yung eksena, kokonti pa yung miron.

Nanlamig ako. Naisip ko kung hindi ako bimili ng pandesal at naatraso ng konti sa panaderya, sa ganoong kagatal ding minuto (5-10 minuto) ay ako siguro ang nasa kotse at duguang binangga ng jeep. O kaya ay nagmadali ako sa pagmamaneho dahil mahuhuli na kami. Malaking posibilidad ako yung naipit sa harapan ng kotse. Hahaha.. nasirang Kokoy na ko.

Sabi ni Paul Coehlo. Ang buong universe daw  ay may kinalaman sa bawat nagyayari sa atin. The Universe conspires to help us achieve what we want.

Naalala ko rin yung aksidenteng nangyari sa akin nakaraan. Ang ginagamit kong helmet dati ay yung mumurahin na helmet, ginawa ko lang bumili ng maayos na helmet. Rekomendado ni Jun. Para mas safe daw. Nung aksidente ko, talagang tumama ang ulo ko. Malaki nga noon ang pasa ko sa mukha, parang black-eye na sakop kalahating mukha ko. Kung hindi ako sinabihan ni Jun, kung wala akong pambili ng maayos na helmet, at kung hindi ako bumili ng maayos na helmet. malaki rin ang posibilidad na basag ang bungo ko dahil sa mumurahing helmet.

Maraming pangyayari o bagay na pinagsisisihan natin. Na kung ganito o ganon.

Sabi nga ng isang kakilala kong nag-Saudi dati. “Ano nga kaya kung hindi ako niloko nung dati kong nobya nung nasa Saudi pa ko. Maaring nakasal kami, at maayos buhay namin.” Pero sabi niya, “maaring di nga nya ko niloko noong nasa Saudi ko. Tapos nakasal kami, tapos saka siya magloloko. At papatol sa ibang lalake. Sigurado napatay ko siya. Kawawa mga anak namin. Dahil don, di ko rin nakilala yung misis ko ngayon na biyaya ng Diyos, at wala rin yung dalawang anak namin na blessing araw-araw. At maaring nagsa-Saudi pa rin ako.”

Hindi na kase siya nagsa-Saudi, me maayos na trabaho na rin siya kahit sa Pinas lang.

Minsan isang Sabado..

3 comments

  1. pie

    yes, sabi nga nila, things happen for a reason…kaya sakay lng sa agos ng buhay :)

  2. ang buhay ay may kanya kanyang orasan.

  3. Marjorie Fucanan

    at dapat din maging laging handa sa mga darating na pangyayari sa ating buhay… masaya man o malungkot….
    lagi dapat may tiwala sa Diyos….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: