Para sa Masa

Paano mo ba masasabi na kaisa ka ng masa.

Lahat kase ng pulitiko ay makamasa, sabi nila. Kung totoong tinatamaan ng kidlat ang mga nagsisinungaling sa panunumpa, e di lahat ng pulitiko kakulay ni Chris Bosh ng Miami Heat, o kaya ni Blak Dyak.

Ang alam ko sa ngayon, isang tao ang pinanganak noong panahon ng kastila sa bayan  natin na talagang masasabi nating makamasa. Namatay siya sa pinaglalaban niya. Namatay siya Para sa Masa.

Kung nakakalimutan na natin, kaya Holiday ngayon (kahapon walang pasok) di dahil birthday ng anak mo o kaya ay dineklara ni Noynoy, kundi kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ang totoong makamasa. Ang totoong Para sa Masa.

Maraming mali sa pagkakasulat ng kasaysayan ni Gat Andres. Ang totoo nyan maraming minali, dahil iyon ang gusto nilang ipaniwala sa atin. Mali na mangmang si Gat Andres. Matalino si Gat Andres, bagamat di nakapag-aral ng mataas na antas. Matatas siyang magsalita ng kastila, mas matatas pa kay Emilio Aguinaldo. Hindi lang, nakakapag-sulat din siya sa wikang kastila.

Hindi rin siya dukha, bagamat di rin naman siya ilustrado katulad nila Gat Jose Rizal.

Mali rin na mahina sa pamamahala si Gat Andres, sa mga librong kasaysayan na binasa ko (hindi Zaide ang nagsulat) ay sinabi pa na nakarating pa siya sa Bicol para pamhalaan ang rebolusyon, maging sa Nueva Ecija. Isang nakakatuwang eksena nga sa mga nabasa kong libro ay, pinagtawanan daw ni Gat Andres ang opisyal na bandila ng mga taga-Nueva Ecija dahil ito ay kulay itim at mag hugis ng bungo.

Si Gat Andres Bonifacio din ang nag-organisa na pag-isahin ang rebolusyon sa buong kapuluan.

Ang pag-organisa ng isang malaking rebolusyon, sa bayan ng katulad natin na iba-iba ang salita, hiwa-hiwalay na kapuluan, iba-ibang paniniwala, iba-ibang relihiyon ay hindi kahinaan. Kundi katalinuhang walang katumbas. Ipagpaumanhin nyo pero wala pang internet noon, walang text, walang email, walang GPS, walang telepono.

Hindi Pilipinas ang tawag niya noon sa bayan natin, kundi Republika ng Katagalugan. Bagamat kinakatawan nito ang buong kapuluan ng bayan natin. Ayaw nyang tawaging Pilipinas dahil, sa pagtawag ng Pilipinas ay nagpapasakop siya sa kastila.

_______________

Paano mo ba masasabi na kaisa ka ng masa. Paano mo ba makikilala na ang isang tao ay totoong makamasa. Kailangan ba mangmang ka para maging kaisa ng masa, kailangan ba mahirap ka?

Kailangan ba fans ka ni Imelda Papin, April Boy Regino, o ng mga juke box na kanta. Kailangan ba fans ka ng Baranggay Ginebra, para matawag ka na maka-masa. Kailangan ba me problem ka sa pera, kailangan ba Noranians, Vilmanians, o Sharonians ka. Kailangan ba marunong kang kumain ng kwek-kwek, isaw, inihaw ng bituka ng manok, fishball. Kailangan ba jologs ang japorms mo, o mahilig kang bumili sa ukay-ukay.

Paano masasabi na ikaw ay Para sa Masa. Isa lang ang alam kong paraan.

RESPETO.

Ang totoong Para sa Masa ay may respeto sa kapakanan ng mas nakararami, mas nangangailangan, at nahihirapan. May respeto siya sa sarili na hindi nya dudungisan ang pangalan niya para lang magtamasa ng maginhawang buhay habang naghihirap ang karamihan. Me respeto siya sa sarili na ang ipinapakain nya sa sarili ay hindi niya ninakaw sa mga taong nasasakupan niya. Me respeto siya sa sarili kaya nagsusumikap siya. At mga katagang katulad nyan….

“Sa lahat ng Masa, sa lahat ng fans ni Sharon Cuneta, sa lahat ng nilubog ng sistema, sa lahat ng mahilig sa love song at drama, sa lahat ng di marunong bumasa, sa lahat ng may problema sa skwela, sa lahat ng may problema sa pera.”

Iahon nyo sarili nyo, bigyan nyo ng respeto sarili nyo. Wag nyong hayaan ilubog tayo patuloy ng bulok na sistema ng lipunan natin. Yung mga politikong bulok, mamatay rin sila. Pero ang pag-ahon ng Pilipino ay magsisimula sa inyo.

P.S. yung ibang salita sa dulo ng blog na ito ay mula sa awit ng Eraserheads – Para sa Masa.

http://www.youtube.com/watch?v=dSHOF-Hewwo&feature=related

2 comments

  1. Marjorie Fucanan

    ganda nito.. napapanahon….
    sa panahon ng kahirapan at pagdurusa, ng lungkot
    at kawalan ng pag-asa para sa ting kinabukasan,
    meron pa ring bukas…. sisikat pa rin ang araw… para
    sa ating bayan…. at nawa’y dumating ang panahon na wala
    nang Pilipinong kelangang mangibang-bayan at iwan ang pamilya para sa kinabukasan… para sa mga pangarap….
    sana malapit na un……

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: