Mga Dating Kasama..

Naka-kamiss yung mga dating kasama sa trabaho. Lalo na kung maayos ang pinagsamahan nyo.

Ilang kumpanya na rin kase ang napuntahan ko pagkatapos kong mag-aral. Ilang tao na din ang nakasama ko sa hirap at ginhawa sa trabaho. Ang ilan pa sa kanila ay mga kumpare ko. Ang ilan pa sa kanila ay matatalik kong kaibigan, kahit ngayon. Bagamat di ko na sila lagi kasama.

 _____________________

Ang una kong trabaho pagkatapos mag-aral ay sa isang one-stop shop na gawaan ng mga simpleng printed materials, katulad ng calling cards, brochure, invitations at iba pa. Nasa loob iyon ng mall, kaya ang pakiramdam ko ay parang laging magulo at maingay. Bagamat tatlong buwan lang ako doon ay me kakilala ako doon noon na binabalik-balikan ko para kumustahin.

Ang sumunod ay tumagal ako ng mahigit sa 3 taon. Isang indoor at outdoor advertising supplier sa Makati, na lumaon ay nalipat ang department ng production sa Bicutan, sa service road ng South Super highway. Kaya kasama kaming lumipat sa Bicutan. Malaki ang natutunan ko sa mga kasama ko sa kumpanya na yon. Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa kami ng ilang dati kong kasama ko doon. Bagamat ilan sa kanila ay nasa ibang bansa na. Katulad nila Ed, Efren, atbp.

Doon ko rin nakilala sila Charlie, at Obet. Mga malalapit na kaibigan ko. Kapwa nasa Saudi na sila ngayon.

Ang sumunod na trabaho ko ang nagdala sa akin sa Saudi. Isang malaking publishing, printing, at packaging company sa Riyadh, Saudi Arabia. Malaki ang natutunan ko sa kumpanya na yon, tungkol sa technicalities ng printing, publishing, at packaging. Mababait, at matyagang magturo ang mga kasama ko doon. Hangang ngayon ay pinakikinabangan ko yung natutunan ko sa kanila tungkol sa pundamental ng printing.

Hanggang ngayon ay nagkakausap pa rin kami ng ilang kasama ko dati doon. Katulad ni Timmy, Bay Cris, Ding, Joel, at ilan pa. Iniisip ko nga kung kailan uli ako makakapunta kila Timmy sa Valenzuela. Dalawang bote lang Tim! Hahaha..

Ilang kumpanya pa ang pinanggalingan ko pagkagaling ko ng Riyadh, bago ako napadpad sa BSM.

 _____________________

Ilang oras pa lang nakakalipas, isang kaibigan ang nakausap ko.

Me kinuwento lang siya sa akin tungkol sa kasama niya sa trabaho na nag-resign na. Malungkot yung kaibigan ko kase nga aalis na yung kasama nya sa trabaho. Bagamat nararamdan nyang aalis yung kaibigan/kasama nya ay hindi rin naging dahilan yon para hindi malungkot ng sinabi na nito sa kanya na nag-file na ito ng resignation.

Eto yung ilang parte ng email sa kanya ng kasama nya sa trabaho..

“Mamimiz q kau. Maraming salamat sa lahat ng itinuro mo. Kung may dapat aq pasalamatan ikaw tlaga yun bonus q n lng kasi mabait ka sa pagtuturo sa akin hehehe, salamat

Hindi daw agad siya sumagot sa email. Gusto man nyang awatin noong una nyang nabalitaan iyon ay di nya magawa dahil kapayapaan ng isip ang kapalit ng pag-resign nito sa trabaho ngayon..

Ito ang ilan sa sinagot niya sa email:

Ganito pakiramdam ko nung nagsabi sa akin si Gina na magre-resign na siya.. (mahigit isang buwan ko lang siyang nakasama.. pero mabait kase siya.. at masaya kasama sa trabaho.. siya yung pinalitan ni May, na eventually pinalitan ni Georgina).. naninimbang.. nakatago yung pakiramdam.. pinipilit lang sumaya.. dahil mangyayari ang dapat mangyari..

Ang totoo nyan..nararamdaman ko na rin na mag-e-email ka ng ganito.. inaantay ko na lang.. kase me dahilan ka naman talaga.. Naiintindihan kita.. naiintindihan ka ng lahat ng kakilala mo dito.. at sigurado nami-miss mo yung di ka nangangambang baka me nagawa kang mali.. na kahit weekend na ay nawawala yung kapayapaan ng isip mo..  yun yung nagpapagaan ng pakiramdam ko kahit paano.. kase ilang panahon na lang.. babalik na ang ganong pakiramdam sa yo..

Kung meron kang dapat pasalamatan.. sarili mo yon..

Gusto kitang tulungan sa abot ng makakaya ko.. kaso madalas di ko magawa.. sana lang naparamdam ko sa yo talaga yon..

Madalas iniisip ko nga na baka naipahamak kita ng tanungin kita kung gusto mong subukan yung trabaho dyan..

Bata ka pa.. ang daming pedeng oportunidad sa paligid na akala lang ng iba e limitado.. pero mas maayos pa pala..

Mas mami-miss kita..

 _____________________

Malungkot pero totoo. Minsan dahil limitado ang isip natin sa kasiyahan na nangyayari sa paligid natin, ay iniisip natin na baka hind maging masaya yung kasama/kaibigan natin sa desisyon nya.

Ang totoo nyan. Binubuksan nya sarili nya sa oportunidad na di nya makuha sa kalagayan nya ngayon. At isa pa ang napatunayan ko, na talagang totoo, at lagi ko itong sinasabi sa taong ganito talaga ang pagkakakilala ko..

“Stay Good, nothing beats a good person.. In and out of life..”

_____________________

Kila Timmy, Bay Cris, Joel, Ding at iba pa na nakasama ko Obeikan.. Kila Obet at Charlie na nasa Jeddah. Isang mapagpalayang araw sa inyo.

One comment

  1. Marjorie Fucanan

    ngayon ko lang ito nabasa… touch naman ako…. pabasa ko ito kay Joel…. regards……

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: