Edad yan Franco, edad yan

Sabi ni Hesus, sa Mark 9:37

Whosoever shall receive one of such children in my name, receiveth me: and whosoever shall receive me, receiveth not me, but him that sent me.

Susubukan kong pag-usapan ang isang parte ng Bibliya na ito na napakahalaga sa panahon natin, dahil magpa-pasko.

Kung kukunin natin sa konteksto ang mensahe ni Hesus sa parte ng Bibliya na ito ay maraming mensaheng gustong sabihin ang Panginoon sa kanyang mga desipulo noong oras na yon. Isa lamang ang mensahe ng Marko 9:37 sa konsteksto.

Kababaan ng loob. Humility

Ang katangian ng bata ay inihalintulad ni Hesus sa pagtanggap sa kanya. Ang katangian ng mga bata na mababang loob ay inihalintulad ni Hesus sa pagkilala sa kanya, sa kanyang kaharian, at sa kanyang Ama na nagpadala sa kanya. Wala naman kasing-tulad ang mga bata sa kababaan ng loob dahil sa inosente nilang pag-iisip.

Sa mga librong debosyon na nabasa ko, ang pagiging humble o mababang loob daw ang isa sa pinakamisteryosong katangian ni Hesus, kasama ng pag-ibig nya sa tao, ay isa ito sa pinakamahirap kuning katangian ng Panginoon. Ang kabaligtaran nito kung tutuusin ang nagsadlak sa tao sa kasalanan, the “pride of Adam.”

Ang sarap kasign isipin noon na “sana ay lumaki na tayo” para maranasan natin yung magdesisyon, maglakbay, mabuhay ng sarili, matuto sa lahat ng kayang pag-aralan, at iba pa. Ngunit ang kapalit ng lahat ng ito ay ang pagkawala ng inosente nating pananaw sa buhay, na lahat ng ito ay dumadaan lang sa atin. Ni wala ka ngang bibitbitin kahit katawan mo. Sa pag-edad natin nakakalimutan natin na hindi pala permanente ang mundo, inaakala din nating lahat ay magtatagal at maari nating makuha ang lahat ng naisin natin. Nakakalimutan na natin na lahat ng nasa paligid natin ay pansamantala lang na kailangang alagaan, pansamanatala lang pala na kailangang mahalin, intindihin, patawarin, at patawarin paulit-ulit.

Minsang nag-uusap si Hesus at Pedro, ang tanong ni Pedro kay Hesus. Panginoon “ilang ulit ko po ba dapat patawarin ang kapaitd kong nagkasala sa akin. Pitum (7) beses po ba?” Ang sabi ni Hesus ay “hindi lang pitum (7) beses, ngunit pitum pot pito (77).” Na ang ibig sabihin ay wala dapat limitasyon. (Mateo 18:20,21). Hindi naman dahil pinatawad mo na siya ay hahayaan mo lang ding gawin ng paulit-ulit iyon sa iyo.

Ang paglimot sa inosenteng pananaw sa buhay ay tinatawag ng Bibliya na “Pride” o Pagmamalaki.

Ang daling sabihing mahal natin ang kapwa. Pero kaya ba nating tumanggap ng sampal mula sa kanya katuald ni Hesus. Ang daling sabihing pinatawad ko na sya pero yung puso natin ang nakatanim ay puro kasaysayan ng dami ng ginawang kasalanan ng tao na yon sa atin. At hindi yung mas maraming pinagsamahang mabubuti. Maraming beses guilty ako sa bagay na to. Kaya ko nga sinusulat ito. Kinausap ko yung isang nakababatang kaibigan ko, dahil napapansin kong naguguluhan siya sa nangyari sa paligid nya. Siya kase yung pinakabata sa grupo nila. Dami nyang tanong. Wala akong naisagot na diretso sa tanong nya. Sabi ko lang sa kanya, ay manatili kang masaya, at sensitibo sa gawi ng tao sa paligid mo.

Kung maari lang sana na kahit nag-edad na tayo ay yung kababaan ng loob ng mga bata ay nasa atin pa rin. Wala sanang masyadong problema ang tao. Mas madali nating matatanggap ang nangyayari. Mas madali nating mauunawan si Hesus.

Sa mga taong me atraso ko noon. Sana lang napatawad nyo na ko. Sa biyaya ng Diyos anumang maaring pagkakamali ng kahit sinuman sa akin ay kinalimutan ko na o ginagawa ko ng kalimutan.

Isang mapagpalayang araw sa inyo.

4 comments

  1. Tsinelas

    Reblogged this on 12 Tsinelas ni Cocoy and commented:

    Ayaw ko munang magsualt ng bagong post.. i-reblog ko lang itong dati ko ng post.. Isang mapagpalayang araw sa lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: