Akyat.. Tatay akyat!

Pagkauwi ko noong Lunes (13 December 2010) galing ng Sta. Lucia East ay sinalubong ako ng dalawa kong anak.. Si Sofia (alaskador) at Luisa (ang inaalaska).. nilantakan agad nila yung dala kong donut, Minsan nga mas naalala nila yung pasalubong kesa don sa nagdala.. mga bata..! Habang pumaparada ako ay napansin ko yung punong mangga malapit sa bahay. Me bunga, wala sa panahon dahil Disyembre at karaniwan ay Marso, Abril o Mayo namumunga ang mga punong mangga.

Ilang araw ko ng pinaplanong akyatin yung punong mangga na yon.. Di ko na napigil ang sarili ko noong hapon na yon. Bagamat madalas kumikirot ang kamay ko dahil sa bale na tinamo ko ng maaksidente sa motor, ay inakyat ko yung ilang bunga na dapat ng pitasin. Malilim nung hapon na yon, kaya ang kalaban ko lang eh yung kamay ko na masakit, at ilang pulang langgam na baka mag-rebolusyon sa pag-aakalang sinakop na sila ng Allied Forces.

Paakyat pa lang ako, ng biglang umiyak si Sofia. Ayaw nya akong paakyatin, at baka daw di ako makababa. Iyak ng iyak si Sofia. Sabi ko sa panganay ko ay “ano ka ba Soap, ang arte mo..” Di ko pa kase na-kwento sa mga anak ko na maraming puno na akong inakyat. Di pa kasama yung ilang bahay na inakyat ko rin.. hihihihihi.. – para kunin yung sumapid na saranggola. Wag marumi isip..

Yung namang bunso ko (Luis) ay tumatawa habang nasa taas ako ng puno.. Sabi ni Luis.. “Tatay.. taas puno… hihihihi, (tapos medyo nanlalaki mga mata nya.. – mana sa Nanay..)”

Inakyat ko yung punong-mangga. Buwenas dahil yung mga pulang langgam ay nakabase lang sa bandang ibaba ng puno, doon lang sa may pader na katabi ng puno. Medyo nag-rebolusyon nga sila pero ginawa kong iwasan dahil talo ko sa kagat nila. Isa pa, di mo pwedeng patulan ang mga langgam. (Mga survivor kase sila mula pa noong panahon ng mga dinosaur, at ice-age, cretaceous period at kung anu-anung period.. Yun yung mga panahon na ang langgam eh kasing-laki pa ng mga aso at pusa. Na kapag nakagat ka ng isa lamang sa kanila eh maga buo mong katawan, pati buhok..)

Pitong mangga lang ang nakuha ko. Yun ilan piraso kase ay nasa dulo ng mga sanga, di n akayang abutin dahil maliliit na yung mga sanga at posibleng mabali.

——————–

Di katulad nung bata pa ko, maliit at magaang, kahit maliit na lang ang tutung-tungan ko ay ginagawa ko pa rin tumuloy abutin yung mangga, aratiles, santol, kaimito, atbp na may bunga. Yun kase ang libangan ng mga bata noon. Yun yung panahon na wala pang video games. Kung meron man ay di pa umaabot sa lugar namin, at kung meron man ay mga me perang tao lang ang nakakalaro.

Dahil sa bata pa ko noon, at malakas ang loob na umakyat ng puno ay di lang isang beses akong nahulog sa puno. Yung isang beses pa nga ay umuwi akong nama-maga ang kanang paa ko dahil nahulog ako at masama yung bagsak ng paa ko. Nahulog din ako minsan sa puno ng aratiles, masama ang bagsak ko, dahil tumama ang balikat at tagiliran ko sa isang sanga bago ako bumagsak. Dahil doon ay ilang araw akong di nagpapakita sa nanay na ang soot ko ay sando lang.. lagi akong naka t-shirt. Para kaseng na-hazing yung tagiliran at balikat ko, ika nga ng mga nabugbog.. black ang blue..

Di ko rin nakalimutan yung puno ng aratiles sa harap ng isang pabrika sa lugar namin. Kakaiba yung puno na yon dahil me nagbabantay na sintu-sinto o sira-ulong lalaki. Tawag namin noon sa lalaki na yon ay si “tarzan”. Me panahon na binabantayan nya yung puno ng aratiles, hawak-hawak ang isang tirador. Tinitirador ang mga batang umaakyat. (Ang aratiles kase ay prime commodity sa mga batang akyat-puno sa mga siudad, habang sa probinsya eh di pinapansin masyado ang bunga nito). (Si Tarzan eh yung tinatawag natin ngayong “taong-grasa”).

Sa pag-unlad ng buhay, at pagsulong ng panahon, at pag-iba ng kapaligiran ay maraming gawain ang mga bata noon na hindi na ginagawa ngayon. Bihira na akong makakita ng mga batang naglalaro ng jolen (marbles), patintero, sipa-bol, at tumbang preso kada-hapon pagkauwian mula sa eskwelahan. Dati rati kase ay iyon ang libangan namin. Bagamat hindi ako star player sa mga larong iyon ay sumasali din ako. Meron kaseng mga batang ang galing sa takbuhan, malakas sumipa ng bola, sintado sa jolen, at maliksi. Sila yung pinag-aagwan ng isang team kapag naghahatian pa lang ng mga kakampi.

Bihira na dahil, ang mga bata ngayon nasa bahay na lang, nakahawak sa PS4, yon ang kasama sa laro niya. O kaya ay nasa loob ng isang computer shop na puro network games ang binibigay.

Yung pagbabago sa kapaligiran ay may malaki ring impluwensya. Konti na lang yung mga punong pedeng akyatin. Maliban sa mga lugar na medyo probinsya pa. Wala ng kwenta sa mga bata yung punong aratiles. Iba na rin ang ugali ng mga tao. Meron isang lugar sa amin noon na merong puno ng kaimito (star apple), mabait yung matanda. Kada me makikitang bata na nangungursunada sa bunga ng kaimito sa harap ng bahay nila ay pinababayaan ang mga bata na kumuha ng kaya nila. Itong mga nakalipas na panahon, lumaon ay wala na yung matanda (maaring kinuha na ni Lord), napansin ko na kapag me mga batang natatapat sa puno nila ay pinagagalitan ng nakatira sa bahay na yon. Hindi pa man umaakyat yung bata sa puno, tinatanaw pa lang yung bunga ay sinisigawan na nung malaking lalaking na kamukha ni Voldemort.

Ilang panahon pa ay maari ko ng makalaro ang mga anak ko sa pagpapalipad ng saranggola. Isasama ko sila. Para lang me alam sila sa mga laro dati. Minsan din magpapatintero kami, at tumbang preso.. siguro maglalaro din kami ng computer pero susubukan kong limitahan.. mga babae naman anak ko.. Mas madalas, lalake ang nahihilig sa mga computer games.

Sigurado pag kalaro ko na si Sofia at Luisa ng saranggola, sasabihin nila.. “Tatay, punta kayo dooooooon sa dulo tapos ihagis po ninyo”.. – para lumipad yung saranggola.

Pero ngayon, ang binabanggit siguro nila sa isip nila eh “Akyat.. Tatay akyat!”

Isang mapagpalayang araw sa inyo..

3 comments

  1. ganda ng kwento, aliw… hala, ay sino ang nahulog mula sa aratiles? maninipis kaya ang sanga ng aratiles, susmaryosep… ;) kumusta, kokoy?

    btw, walang bagong post? busy pa rin ang tatay nina Soap at Luisa? naman… ;)

    • Tsinelas

      Salamat..
      Ako yung nahulog.. Hahaha.. Masaya ang kabataan ko. Minsan nga pag kinukuwento ko kay Soap at Luis nanlalaki mga mata nila. :)

      Ganun pa din.. Ikaw nman umaariba ang posts mo.. Post lng.. :)
      Stay pretty..

      • yun nga, ba’t nga di mo tuos na maninipis ang sanga ng aratiles? naman… kahit pa patpating bata, di kaya ng marurupok na sanga, kainaman…

        hala, oo, kapatid. pag ang mga bata ang kinukwentuhan ng buhay dati, feeling yata nila, kwentong sa libro, ahaha… parang ang layo ay dalawa o tatlong dekada lang naman ang pagitan… ^^

        hello sa ‘yo at sa pamilya…

        mag-post ka, oyyy… ;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: