Sayang..

Ayaw kong pagsisihang binoto ko sya pero parang malapit na.

Ang toto nyan, nagdesisyon akong iboboto ko siya noong oras na mismo na nasa voting precint ako. At malapit ko ng ihulog yung balota ko. Bumalik ako sa upuan ko, at minarkahan ko yung pangalan nya sa machine readable ballot. Wala talaga kong presidente, pero binoto ko sya kaya pangangatawan ko na president ko sya. Tsaka binoto siya ng karamihang tao kaya siya ang president natin.

Nagtaas ng pamasahe ang MRT, LRT, tumataas ang preyo ng bilihin (de-lata, gulary, atbp.) yung pandesal, di man tumaas ang presyo eh malapit ng maging mas magaang sa isang pirasong bond paper ang timbang, paliit ng paliit. Si GMA na lang ang hindi tumataas. Ang flag-down rate sa taxi tataas na, ang toll fee tumaas na, ang mga jeepney driver hihingi na rin ng pagtaas ng pamasahe, at kung anu-anong pag-taas. Tapos ni walang indikasyon na magtataas ng pasahod sa ordinaryong manggagawa.

____________________

TAPOS BIBILI KA NG PORSCHE, SASABIHIN MO SA AMIN PERA MO PINAMBILI MO. HAYAAN KA NAMIN SA KONTING LUHO MO, PARA MA-RELAX KA KAHIT PAANO. ISA PA BINATA KA NAMAN, WALANG RESPONSIBILIDAD NA KATULAD NG MGA PAMILYADONG TAO. TAPOS KAMI ANG BOSS MO.

E kung sabihin namin.. at ipamukha namin  na… BUWISIT ANG GOBYERNO NATIN, PWEDE BA  HUWAG KAMING SINGILIN NG TAX, KASE PINAGPAGURAN NAMAN NAMIN YON, MALINIS NA PERA YON. OVERTIME NAMIN YON. ISA PA YUNG IBA DON INUTANG PA NAMIN. PEDE BA WALA NG E-VAT SA BAWAT BINIBILI NAMIN, (NA KAGAGAWAN NG KAALYADO NYANG SI RECTO). PERA NAMIN YON. PINAGPAGURAN NAMIN YON. ISA PA, PAMILYADO KAMI, MARAMI KAMING RESPONSIBILIDAD DI KATULAD NG PRESIDENTE NAMING BINATA! AT HINDI NAMIN GAGAMITIN YON PARA SA KONTING LUHO, IBIBILI NAMIN YON NG PAGKAIN, PAMPAGAMOT NG KAPAMILYA NAMING ME SAKIT, IBIBILI NG GATAS NG ANAK NAMIN, PAMASAHE NAMIN SA PAGPUNTA AT PAUWI SA TRABAHO. PERA NAMIN YON. PWEDE BA!

HINDI RIN NAMAN NAAYOS ANG TRAPIK, MARAMI PA RING HOLDAPAN, MABAGAL PA RIN ANG SERBISYO NG GOBYERNO.. PWEDE BA TANTANAN MUNA KAMI NG TAX..

Ayaw kong pagsisihan na binoto ko yung presidente natin ngayon, pero malapit na.

6 comments

  1. A&I

    sna nga nung binata pa sya nag-luho, hindi ngaun na presidente na sya at nagsabay-sabay pa ang pagtaas ng kung anu-ano.. nakakalungkot :(

  2. Marjorie Fucanan

    nakakasama talaga ng loob ang nangyayari sa atin…. kaya nga ang mga OFW… ng mga bagong bayani, kahit hirap ayaw umuwi kc iniisip ang kapakanan ng pamilya….
    tapos makakarinig tayo ng ganyang balita…. na luho lang pala….
    hindi man sabihin, nararamdaman natin na wala naman talagang nagiging pagbabago sa atin… lalong naghihirap….
    kelan kaya tayo magkakaroon ng tunay na pagbabago? haayyy, sana naman abutan pa ito ng mga anak ng anak natin :(

  3. Ano ka ba men, kahit sino namang i-upo mong presidente hindi maiiwasan ang pagtaas.

    Sinong presidente ba ang hindi nagpataas ng bilihin?

    Btw, binata naman kasi si Pnoy ayos lang yun. kahit naman ako kung may pagkakataon gusto ko rin magkaganoon.

    maniwala tayo sa sinabi ni Sen. Mirriam :)

    share lang :)

    • Cocoy

      ok lang yon tol.. opinyon mo yon.. :)
      karapatan mo ring maniwala kay sen. miriam.. kinikilala ko yon..

      kaso sabi nya nasa daang matuwid siya..
      sana lang..

      pag nagka-pamilya ka.. malalaman mo yung implikasyon ng pagtaas ng halaga ng bawat bagay sa paligid mo..

    • Cocoy

      maraming salamat sa pag-like at pagbasa… :)

  4. Pingback: TOP Wordpress Blog Post as of January 20, 2011 « Unwritten Thoughts

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: