Ang importante ay yung byahe..

Bukas ay kaarawan ng nanay ko. Kung buhay pa siya, dapat ay 70 anyos na siya. Nami-miss ko siya ng grabe. Hindi ako mama’s child.. o yung tinatawag nilang maka-nanay. Ang alam ko nga ay ako yung least considered sa bahay namin.. pero di ko iyon iniinda. Totoo namang madalas ay masa importante yung mga ginagawa ng mga kapatid ko kesa sa akin sa mga ginagawa ko.

Bagamat hindi ako maka-nanay ay close rin kami ng nanay ko. Nasulat ko na minsan sa isang blog ko na siya ang alter ego ko.. yung pagkahilig ko sa mga lumang kanta ay nakuha ko sa kanya. yung pagkahilig ko sa libro ay nakuha ko rin sa kanya. bagamat hindi na siya masyadong nakakapag-basa (dahil malabo na ang mga mata nya) noong mga panahong nahihilig ako sa libro ay nakikita ko siyang binabasa paisa-isa yung mga libro ko. Maging ang pisikal na katangian ko ay nakuha ko kay Nanay (matangkad, mapayat, noo na walang katapusan, malalim na mga mata, maiksing baba, medyo kulot na buhok..)

Maaring iniisip nyo kung bakit nami-miss ko ang Nanay. Isa na kase akong magulang. Lahat pala ng mga sinasabi nya sa amin noon ay totoo. Napapatunayan ko na ang mga iyon. At dahil doon ay mas kailangan ko siya ngayon. Ang ginhawa siguro kung nakakausap ko siya ngayon..

Isang kataga ang sinabi nya sa akin noong bata pa ako.. “ang importante Coy ay yung byahe.. dapat ma-enjoy mo yung byahe”.. binanggit ni Nanay yon noon sa akin noong papunta kami ng Baguio ng church namin. maaring ang ibig sabihin ni Nanay noon ay yung partikular lang na byahe namin.. yung sasakyan, byahe namin papuntang Baguio.

Ngunit maari palang me laman yung sinasabi ni Nanay noon.. ang byahe ng buhay.. Ngayon na isa na kong magulang.. nalalaman ko na yung mga paghihirap niya sa sakin.

Araw-araw naiisip ko siya. nagpapasalamat ako sa tamang pagpapalaki nya sa akin. Hindi ako naging sikat na katulad ng mga artista, hindi rin ako yumaman katulad ng iba kong kakilala na nasa ibang bansa pa.. pero nagpapasalamat ako sa mga tinuro nya sa akin. Masaya ko sa byahe ng buhay ko.. dahil alam kong tama ang pagpalaki nya sa akin. Masaya ko na nagagawa kong asikasuhn ang mga anak ko sa abot ng aking makakaya.. Masaya kong meron akong asawa na mabait at matapat..

__________________

Sa mga kaibigan kong me mga nanay pa. mahalin nyo sila. Totoo yung sinasabi na wala silang kapalit..

__________________

Kay nanay.. magkikita uli tayo Nay.. Sigurado ko.. masaya kayo kung saan man kayo ngayon.. Nakikita nyo akong masaya din.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: