Si Dolphy..

Minsang nanonood ako ng pelikulang Tagalog sa TV ay napanood ko si Dolphy, ang pelikula ay Home Along the River. Tawa ko ng tawa. Kahit sa ilang sandali lang na pinapanood ko si Dolphy at ang kanyang mga sidekick na komedyante rin.

Me mga balita na medyo mahina na raw si Dolphy.. ang ating pambansang komedyante. Minsan nga me nagpakalat ng mensahe sa text na namatay na raw siya.

WAG NAMAN!

Alam natin na lahat tayo ay papunta doon. Lahat tayo mamatay at haharap sa Diyos. Pero sana huwag muna si Dolphy. Kung talagang kukunin na siya ng ating Panginoon, ay wala tayong magagawa. Ngunit di tama na me nagpapakalat sa text na namatay na sya.

Hindi ako masugid na tagahanga, ngunit hinahangaan ko siya sa pagpapatawa niya sa Pilipino, ganun din kay  Chiquito, Palito, Babalu at iba pang komedyante. Hindi ko kilala ang personal nilang pagkatao, at kung anong tao sila sa labas ng frame ng kamera pero madalas pinapatawa nila tayo. Sapat na sa akin yon. Lahat tayo ay me tinatagong “bag of bones” o maitim na sarili sa isang yugto o parte ng buhay natin. Kaya maari lang nating husgahan ang tao sa ilang parte ng buhay niya na naapektuhan niya tayo ng lubusan.

Kaunti na lang sa kanila ang tunay na nakapagpa-patawa sa Pilipino. Isa na doon si Dolphy. Huwag muna si Dolphy.  Dahil doon, di ko maiisip kung anong merong katinuan yung tao na nagpapakalat na namatay na si Dolphy.  Konti na lang ang dahilan kung bakit masayahin pa ang Pilipino, isa doon si Dolphy.  Siguradong labis na ikalulungkot ng Pilipino kung bigla siyang mawawala. Gaya ng pagkamatay ng pambansang hari ng pelikulang Pilino na si Fernando Poe Jr.  Labis na lungkot ang dinanas ng Pilipino noon. Ilang tao lang sa Pilipinas na ang kanyang pagkamatay at paghatid sa libing ay dinaluhan ng napakaraming tao. Mabibilang mo sa daliri. Isa doon si FPJ.

Mahirap magpatawa ng tao. Mahirap pasayahin ang tao. At ilan lang silang totoo sa ginagawa nila. Maaring di natin napapansin. Halos wala ng komedi’ng pelikula na ginagawa sa atin ngayon, dahil halos wala ng sumunod sa yapak nila Dolphy at Chiquito. Merong ilang palabas na medyo komedi ang tema ngunit parang walang saysay..

Ipanalangin natin na lumakas uli siya. Makakabawi si Dolphy. Magpapatawa at magpapasaya pa uli siya ng Pilipino. Kundi man bumalik ang dati nyang lakas para makapagpatawa ay masaya na ang Pilipino na kapiling pa siya nito.

 

(feature image from this website: http://photos.lucywho.com/dolphy-photo-gallery-c16249702.html)

2 comments

  1. Naalala ko nung bata ako.. Lagi kong inaabangan ang home along da riles tuwing huwebes ng alas-siyete ng gabi ata yun.. Kung minsan mga sidekick niya ang nagdadala sa kanya.. lalo na si babalu na nagpapawala noon ng lungkot pag napapalo sa puwit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: