Soulmate: Sya Yon!

Nag-email ng kakulitan yung isang kaibigan ko kanina. habang nahihirapan akong isipin kung paano isos0solve yung isang problema sa trabaho ko eh.. sinubukan kong kulitin din yung kakulitan nya.. ang dami nyang tanong tungkol sa soulmate.. siguro nakuha lang nya sa dialoguenng pelikula yung mga tanong nya.. ang dami ko rin namang sagot.. eto yung revised version ko sa sagot ko sa email nya. pero yung mga tanong e yun pa rin..

____________

Jepoi: Panu mo masasabing malapit mo na makita yung soulmate mo??

Franco: Sya yung soulmate mo kung kasama mo na siya. (kahit sa panaginip lang).. di mo kailangang isipin yung salitang “kailan”.. at di mo kailangang isiping malapit mo na bang makita dahil.. kasama mo na sya.. (labo yata)..

Jepoi: panu kung nasa kabilang kalye lang pala sya, dahil madaming dumadaang sasakyan di ka nakatawid.

Franco: Sya yung soulmate mo kung nakatawid ka at nakausap mo siya. Kung di ka nakatawid di sya yon.. dahil kung nagpumilit kang tumawid.. specimen ka na siguro ng mga medical students sa medical schools.. o umiinom na kami ng kape, humihigop ng sopas.. habang naglalaro ng killer at pulis..

Jepoi: panu kung nasa tabi mo lang pala sya sa kanan, dahil pumara ka ng jeep sa kaliwa di mo sya nakita.

Franco: Sya yung soulmate mo kahit nasa kanan ka at kaliwa siya.. dahil soulmate mo siya.. lilingon at lilingon ka para makita siya. Kung di ka lumingon.. di sya yon.. kase kung pinilit mong lumingon, me stiff neck ka na ngayon.. at baka isipin ng isang babae na katabi mo sinisilip mo yung boobs nya..

Jepoi: Panu kung nakabanga mo na pala sya nung umaga habang papasok ka ng opisina, dahil malalate kana di mo na nakuha pang tulungan sya sa nabagsak na gamit.

Franco: Sya yung soulmate mo kung tinulungan mo siya kahit ma-late ka pa.. di mo tinulungan ibig sabihin di sya yon.. malaki bawas sa sahod ang late.. tsaka yung performance rating apektado.. baka yung baklang patay na patay sa yo yon (nagpa sex change lang)..

Jepoi: Panu kung ang soulmate mo eh yung naaksidente, dahil nakaheadset ka di mo narinig edi sana nakilala mo na sya.

Franco: Sya yung soulmate mo kung narinig mo sya.. at dahil sya yon kahit anong sitwasyon magagawa mong mag-alis ng headset.. siguro posibleng kumati tenga mo.. nautot ka.. basta.. magtatanggal ka ng headset at maririnig mo sya.. dahil di ka nagtanggal ng headset.. di sya yon.

Jepoi: Panu kung dumaan na pala sya sa harap mo, dahil sa sobrang busy mo sa trabaho di mo na sya nakita.

Franco: Sya yung soulmate mo kung nakita mo sya sa harap mo kahit busy ka.. kahit deadline mo alas 4:00 at dumaan sya ng 3:59.. makikita mo sya.. kase sya nga ang soulmate mo.. kung di mo sya nakita.. di sya yon.. magpaka-busy ka na lang..

Panu kung nandun lang pala sya sa may tindahan malapit sa inyo at bumubili sya, dahil sa may nakalimutan ka sa bahay di mo na sya inabutan sa tindahan.

Franco: Sya ang soulmate mo kung inabutan mo pa sya.. maaring tumawag muna sya sa telepono sa tindahan.. kahit long distance pa.. o pilit nyang kinakausap yung operator na nagsasabi na “the telephone number you dial is out of coverage area..” mga ganung epek.. para lang abutan mo pa sya.. kaso di mo sya inabutan.. di sya yong soulmate mo..

Jepoi: Panu kung sya yung snatcher sa quiapo na kumuha ng bag mo, kung nahabol mo lang edi sana nakilala mo na sya.

Franco: Sya yung soulmate mo kung nahabol mo. e dahil me bali ka pa sa tuhod ng madapa sa paghabol sa isnatser kahapon.. di ka na makatakbo ngayon.. baka madapa ka uli.. kaya di sya yon.. (bakit ba lagi kang na-i-isnats)

Jepoi: Panu kung nakatabi mo na pala sya sa FX, dahil sa tulog ka di mo na sya nakita.

Franco: Sya yung soulmate mo kung nagising ka. maaring kumati ilong mo.. siniko ka ng katabi mong bakla… naamoy mo yung isa pang katabi na me baktol.. sumuka yung nasa harap mong lasing.. nagpreno yung FX driver tumama ulo mo at dumugo.. o kaya nangulangot yung isa pang nakasakay sa FX tapos pinitik sa yo tinamaan ka sa mukha.. basta magigising ka.. kase nga soulmate mo yung katabi mo.. at maaring yun na lang ang pagkakataong magkita kayo.. kung di ka nagising di sya yon..

Jepoi: Panu kung sya na pala yung nalulunod sa dagat, dahil sa di ka marunong lumangoy di mo na sya nakita.

Franco: Sya yung soulmate mo kung nailigtas mo sya kahit di ka marunong lumangoy.. me salbabida. o kaya tatawagin mo yung lifesaver.. at kung sya talaga yon, 3 months bago mangyari na malunod sya.. magagawa mong mag-aral lumangoy kase darating yung panahon na makikilala mo yung soulmate mo dahil ililigtas mo sya. Kung nalunod yung babae/lalake dahil di ka marunong lumangoy.. di sya yon.. yaan mo na.. lalago ang corals pag me nabulok na tao sa ilalim ng dagat..

Jepoi: Panu kung sya na yung tumawag sayo sa phone, dahil tinataguan mo yung sa Credit Card mo di mo na sya nakilala.

Franco: sya yung soulmate mo..  kahit 3 milyon utang mo sa credit card.. sasagutin mo pa rin yung phone mo.. kase bigla na lang iisipin mo baka si Anne Curtis yung tumatawag.. di mo naman siguro de-deadmahin pag tumawag si Anne Curtis.. kagabi nga napanaginipan ko sya.. sarap ng gising ko ngayon.. hihihi.. dahil di mo sinagot phone mo.. di sya yon.. si pokwang yung nasa kabilang line.. yaan mong sumakit ang kamay nya sa kada-dial..

Jepoi: Panu kung kasama mo eh ang alam mo soulmate mo na tapos may makikilala kang iba na nakapagpatibok ng puso mo, masasabi mo bang soulmate mo rin sya? o di naman eh masasabi mong sya ang soulmate mo at hindi yung una. o baka naman yung binilhan mo ng dyaryo sa umaga?

Franco: Sya yung soulmate mo kung pagbili mo ng dyaryo biglang sinabi ng kasama mong babae na break na kayo kase mamatay na sya mamayang tanghali.. at sasabihin mo sa kasama mong babae na sige ipalilibing kita.. kaso kung di kayo nag-break ng kasama mong babae at di pa siya mamamatay mamaya.. di mo soulmate yung tindera ng dyaryo.. nahihilo ka lang.. kumain ka muna gutom lang yan..

7 comments

  1. hehe nice, usapang soulmate! :)

  2. Marjorie Fucanan

    meron nga bang soul mates?
    nde ba sa mga multo lang un :))

    nde cguro masasabi mong soul mate mo ang isang tao pag pinagtatagpo lagi kayo ng tadhana na kahit anong iwas mo eh siya nang siya ang makikita at makikita mo…. at pag nangyari un ibig sabihin me purpose un…. me dahilan kung bakit siya … at hindi iba……

    kaya be observant na lang para nde siya makalagpas s u hehehehe…….

  3. ..hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa uasapan nyo..pero..natawa talaga ako.
    ..enjoy magbasa ng mag blogs mo..

  4. panu kung all signs leading to 1 direction na kahit anong iwas mo mukhang ‘soulmate’ mo na nga siya …. pero yun pala malalaman mo, mukhang iba naman ang nasa isip niya na ‘soulmate’ niya para sa kanya?!

    hehe nangungulit lang…naisip ko lang panu kung ganito nga sitwasiyon diba?

    isep-isep…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: