Valentines ng Pinoy

Anu-ano ang nangyayari sa araw ng Valentines sa Pilipinas? Eto lang ang ilan sa mga nahugot ko mula sa kawalan..  mula sa suhestyon ng ilang kaibigan..

• sigurado ang reservation sa mga motel ay closed na. Dahil maraming couples ang nagpa-reserved na ilang araw pa bago ang araw na ito. Dahil dyan, karaniwan na yung mga taxi o kotse na nakaabang sa harap o entrance ng mga motel. Nag-aantay na lumabas na yung gumagamit ng kuwarto para sila naman ang next.

• puno rin ang mga restaurant, sinehan at iba pang pedeng pag-kaabalahan ng mga couples.

• maraming virgin kanina, o kahapon ang hindi na virgin mamaya dahil valentines ngayon.

• mabenta rin ang condom.

• me epek sa population boom ang valentines day (ayon sa DOH)

• mabenta ang Rosas. At maraming uri ng bulaklak.

• dahil dyan.. Traffic sa Dangwa, at sa lahat ng lugar na me mga flower shop. Kung wala kang ideya kung ano at saan yung Dangwa. Iyon yung lugar sa Maynila, malapit sa Dimasalang kung saan tabi-tabi ang tindahan ng mga bulaklak..

• isa pang sigurado, Doble ang presyo ng bulaklak ngayon.

• me mga couples na nag-away kahapon, sure bati uli ngayon dahil Valentines..

• mabenta din ang tsokolate. Dahil sangkaterba ang magreregalo ng tsokolate.

• maraming mga babae ang iniisip ngayon na sana siya ang nag-first move last week sa lalakeng crush nya. Di sana me date sya ngayon.

• marami ring magsasabing “Whatever happens to my Valentine!” me kilala kong ganyan. Di ko malimutan, first interview ko sa isang pinag-aplyan ko ng work. Yung manager na nag-interview sa akin lumapit sa isang staff nya.. sabi nya “Haay (lalim).. whatever happens to my Valentines Day!”

• mahirap sumakay ng taksi.

• puno ang mga concert ng mga sikat na singer. Ang totoo nyan si Per Sorensen (Fra Lipo Lipi) nasa Pilipinas para mag-concert.

• malaki ang kita ng Globe, Sun, Smart dahil nagbabaga ang texting ngayon.

• mabenta din ng mga beer house.. sa mga lalaking walang date..

• kahit walang delivery ng gasul o shellane, bibisita si Noy kay Inday kahit saglit..

• maiisip ng karamihan ngayon ang kanilang “lost love,” “first love, second love, 3rd love to 15th love.., eternal love, puppy  love, secret love, love na love na ng iba, Pati yung kanilang mga crush nung high school na nakita uli nila sa facebook.. na wish nila eh single pa..

• umaapoy sa love song ang mga radio stations. at di-magkamayaw ang mga greetings sa radio.

• maraming nag-research nakaraan ng mga love quote at love poem sa Internet. Suggestion ko lang sa inyo, hanapin nyo si Pablo Neruda. Siya kase ang pinakamagaling na love poet sa buong mundo.

• maraming magbubukas ng slum book nila.. (parang facebook) sisilipin nila kung sila talaga ang sinulat na crush nung klasmeyt nya nung High school..

• ang mga tsikiting, si yaya ang katabi o magpapatulog ngayong gabi dahil gagabihin si Daddy at Mommy.

• maraming pouting lips bukas..

• maraming biyudo, biyuda, o walang partner ngayon ang hahalungkatin yung mga love-letter na bigay sa kanila ng mga yumaong mahal nila. At babasahin niya yon kahit ilang libo na nilang binasa yon. At malamang binabasa nila yon kada valentines.

• mahahalungkat din ngayon yung mga lumang picture.

• maraming manonood ng mga klasik na pelikulang ang tema ay pag-ibig katulad ng “An Affair to remember,” “Sabrina,” “Brekfast at Tiffany,”  atbp..  Suggestion ko ay kung di pa ninyo napapanood yung movie na  “Forever Young” na si Mel Gibson ang artista eh panoorin nyo..

• mabenta ang banig, kumot at iba pang panglatag sa damuhan.

• buhay na naman ang mga park na katulad ng sa CCP, Luneta, PICC, mga tabing dagat.. at iba pa..

• marami ring couple ang mag-aaway bukas dahil di sila nakapag-date ng partner nya.. pero ginabi pa rin ng uwi yung isa. Sigurado lahat ng posibleng dahilan eh gagamitin na para lang makalusot na wala siyang ibang date ng lumipas na gabi.

• maraming aabsent bukas.. keso masakit ang balakang, puyat..

• maraming ang ka-date nila mamaya eh yung mga tsikiting nila (sa mga ofw ang asawa), mga kaibigan (group date ng mga walang dyowa).. mga lola o lolo nila (sa mga naglaan talaga ng panahon sa matatanda nila)..

• maraming nanliligaw ang sasagutin ngayon.. pero meron ding makakarinig ng salitang “kaibigan lang tayo” isang polite na paraan na ibig sabihin eh “busted ka”

• maraming proposal ang tatanggapin..

• mabenta ang engagement rings.. kahit plastic, tanso, o kahit tale lang basta maraming “palasing-singan” (ring finger) ang hindi mangungulila ngayon.. :)

• maraming babyahe pa ng malayo para lang makarating sa tagpuan nila ng irog niya..

Isang mapagpalayang araw ng mga puso sa inyo..

8 comments

  1. pie

    ha ha ha! nice one Cocoy! asan ang mga chocolates ko?

    happy valentine’s day!

  2. Marjorie Fucanan

    oo nga!!!! for Pie hehehehe…..
    tama ka dito sa mga posibleng mangyari ngayong araw ng mga puso…..
    well, puno rin ang mga sinehan ngayon…
    para don sa mga hindi na makapasok sa alam mo na….. kahit mga moves na hindi pasukin… cguradong dadayuhin….

    seriously, looking forward talaga lahat sa Valentine’s day….. pero sana nde lang sa mga makamundong bagay kaya tayo looking forward sa Valentine’s Day… sana we also pray for “love” and “peace” for everyone…. because God is love… and love is God… Love, love, love :)

  3. bakit pag valentine’s unang pumapasok sa isip ng Pinoy ang hotel?

    kaya maraming nag b-day ng November e. hoho

  4. Sana nabasa ko to bago magvalentine!!!!!! sayang!

  5. Sana nabasa ko to bago nagvalentine!!!!!! sayang!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: