Dalawang round lang mula kay Nonito Donaire..

Sigurado huli na tong blog ko tungkol kay Nonito Donaire..  ang bago nating kampyon sa mundo ng boksing. Di ako mag-papaka-plastik. Sa round 1, medyo nagdu-duda ko sa laro ni Nonito, nagdu-duda ko na kaya nyang pabagsakin si Montiel. Bagamat hindi ako nagdu-duda na maari nyang talunin yung kalaban. Lalo nung simula ng 2nd round. Halos di sumusuntok si Nonito, pa-jab-jab lang sya na medyo salto pa.

Pero nag-iba yung iniisip ko ng umabot na sa 1 minuto at kalhati ng 2nd round round yung laban. Nabanggit ko sa kasama kong nanonood na:

“Kaliwa na naman” ang gagamitin ni Donaire dito.. at wala pang 20 segundo akong nagsalita ay inabutan na si Montiel ng kaliwa ni Nonito. Natapos ang laban.. kaagad!

Matalino at malakas… yun lang ang tingin ko kay Nonito ngayon. Walang labis, walang kulang..

Matalino dahil nagagawa nyang ipaisip sa mga nanonood at kalaban na kanan ang mas malakas nyang kamay. Dahil ang ginagamit nyang “pang-jab” ay yung kaliwa nya. Naka-reserba yung kanan. Pero sa huling tatlong laro na napanood ko kay Nonito ay pinabagsak nya yung tatlo nyang nakalaban sa pamamagitan ng “Kaliwa” nya. Hindi kanan.

Hindi naman lingid sa kalaban nya na.. ambidextrous[i] si Donaire.. yung kapasidad ng kaliwang kamay nya ay parehas ng sa kanang kamay. Pero sa porma nya ay iisipin mong yung kanan ang may knock-out punch.

Matalinong bata…

Hindi lang yon, habang engage siya sa laban ay malilinlang ang kalaban nya sa pag-aakalang pupunta sya sa kanan, o sa kaliwa dahil nakakalito yung kilos ng mga paa niya. Maaring, sinasadya nyang malito yung kalaban sa kilos ng paa nya.. bagamat nakaumang sa kaliwa ang kilos nya ay kaya nyang pumihit at ibaling sa kanan ang buo nyang kilos at lakas. Kahit sinong kalaban na hindi pinag-aralan ang “foot work” ni Donaire ay babagsak at babagsak..

Sa susunod na laban ni Nonito. Tingnan nyo yung kilos ng paa nya, pero obserbahan din ninyo ang kilos ng balikat nya. Dahil doon mo makikita kung saan talaga siya papunta.

Malakas dahil kahit sa pamamaraan nyang bilis ng kilos ng paglipat ng porma at pwersa ng katawan sa kanan o kaliwa ay hindi nakokompromiso yung lakas ng suntok nya. Sabi nga ng isang doctor na espesyalita sa internal na parte ng tao, at isang eksperto sa medisinang pampalakasan.. kapag napatumaba ka ng suntok sa panga ay para kang tumanggap ng suntok na katulad ng lakas ng “sipa ng kabayo.” Walang taong gustong tumanggap ng suntok na katulad ng lakas ng sipa ng kabayo.. Ayon sa mga balita kahapon, hanggang ngayon daw ay iniinda pa ni Montiel yung tama nya sa panga/sintindo  na nagpabagsak sa kanya. Palagay ko ay matagal nyang iindahin yon dahil dalawang belt ang nawala sa kanya.

Malakas na bata…

Kitang-kita naman sa itsura ni Montiel nung bumagsak siya. Me mga “involuntary movements” sya dahil sa suntok na tumama sa kanya. Ang sabi ko nga sa kausap ko kahapon, dapat hindi na pinayagan ng referee na ituloy pa yung laban pagkatapos tumayo ni Montiel, dahil yung itsura ni Montiel ay parang wala sa sarili. Pero, judgement ng isang professional referee yon. At hindi naman nagtagal, pinahinto na yung laban.

Sigurado, yung mga nakapilang makakalaban ni Nonito ay maagang nagdadasal ngayon. Me panahon pa sila, pero sigurado me mga nagdadasal din para kay Nonito. Malaki ang epekto ng panalangin.. pero yung talino at lakas ng isang boksingero ang nananaig pag nasa loob na sila ng boxing ring..

_____________________

Sigurado rin na yung mga nag-iinuman habang nanonood ng laban nya ay medyo nabuwisit. Tapos agad.. nabawasan yung topic nila ng kuwentuhan. At nabawasan din yung dahilan nila para mag-inuman. Yung iba eh baka sunduin na ng misis nila.. dahil tapos na yung boksing.. maririning mo na yung sigaw sa kalye na “hoyy berto, tapos na yung boksing… umuwi ka na!!” :)

_____________________

Mabuhay ang mga boksingerong Pilipino. Napakalaking bagay sa mga Pilipino ang binibigay nilang karangalan sa Pilipinas. Yung mga ginagawa nila ang nagpapatunay na kapag may disiplina, sipag, tiyaga, at pananampalataya sa Diyos.. laging me ibubungang maayos ang lahat ng ginagawa mo..

Isang mapagpalayang araw sa lahat ng boksingerong Pilipino, at sa lahat ng Pilipinong naniniwala sa kakayanan nila..


[i] Equally expert with each hand.

 

(featured image from this website: http://ringtalk.com/signorella-hbo-julio-cesar-chavez-nonito-donaire-hbo-boxing)

3 comments

  1. Marjorie Fucanan

    hindi lang un mga na-iinuman ang nanghinyanag.. pati un nagsubscribe sa PPV… kc po nde
    nasulit and binayaran nila….. :)

    pero hats off kay Donaire…. sana sha na ang sumunod sa yapak ni Pacman kac #3 na sha top pound for pound boxers ng Ring Magazine…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: