Hele

Luma na itong post na to. Galing ito sa luma kong blog.. Inilipat ko lang para makasama na sa blog na ito

___________

Posted on http://www.sinelas.blogspot.com/24 March 2010

_______________

Iba-iba ang pinagmumulan ng kasiyahan ng tao. Isa sa mga kasiyahan ko bilang tatay ay ang pag-hele ko sa mga anak hanggang sa sila ay matulog, o kahit ang simpleng pagkanta ko sa kanila.

Ang pag-hele o “lullaby” sa isang batang gusto mong patulugin ay isa sa mga ginagawa ko bilang ama na talagang kinatutuwaan ko. Ang totoo nyan eh, minsan ay kahit di nais na matulog ng mga anak ko (isa ay 3 taon, at ang isa ay 1 taon lang) ay kakalungin ko ang isa sa kanila minsan para lang kantahahan..

Adik sa pag-Hele.

Kahit gaano ako ka-pagod galing sa trabaho o sa anumang ginawa ko, basta lumapit yung panganay ko at sinabing kantaham ko siya habang kalong ay kakantahan at kakantahan ko siya. Sasabihin pa nya minsan na tapik-tapikin ko sya sa braso o puwet habang kalong at kinakantahan.

Wala akong alam sa kasaysayan ng pag-hele, maging sa pinagmulan nito. Bagamat ilan sa mga sinulat ko dito sa blog ko ay talagang pinag-ukulan ko pa ng mahabang panahon para lang alamin ang pinagmulan, ay hindi naman iyon ang intension ko kung bakit ako sumulat ngayon.

Gusto ko lang ibahagi ang kasiyahan ng isang tatay o ama kapag kinakantahan niya ang mga anak niya.

Ang panganay ko na si Sofia ay maraming panahon na talagang naalagaan ko, dahil noong pinanganak siya ay panahon na nagtuturo pa ako ng “full-time” apat na araw lang akong nagtuturo, at ang panahon na bakasyon ang unibersidad na pinagtuturuan ko ay bakasyon din kaming mga guro. Lalo na kaming nagtuturo ng mga “major subject” sa fine arts. Dahil doon, ay talagang busog si Sofia sa Hele.

Si Luisa, ang aking bunsong anak ay dumating sa pamilya namin na nagtatrabaho na ako sa isang international school, hindi bilang guro kundi bilang kabahagi ng kanilang marketing team. Part-time na lang ako sa unibersidad bilang guro. Dahil sa dami ng trabaho at ginagawa ay madalas na umuuwi na ako ng gabi, at hindi katulad ni Sofia ay bihirang-bihira ko siyang maipag-hele.

Magkaiba ang pagtanggap ng dalawa kong anak sa pag-hele ko sa kanila.

Si Luisa, ay mahirap patulugin sa pag-hele. Maraming kanta ang inuubos ko kapag nais ko siyang patulugin. Ngunit kalian ko lang nadiskubre na bagamat 1 taon pa lamang siya ay mas gusto nya na nagha-hum lamang ako at walang salitang ginagamit sa pag-hele. Kakaiba si Luisa. Ang mga kanta na ginagamit ko kay Sofia ay hindi ko magamit sa kanya, ibang set ng kanta na magandang i-hum lamang ang kinakanta ko sa kanya.

Si Sofia na panganay na madalas kong i-hele noong sanggol pa ay may mga kanta na talagang kapag kinanta ko sa kanya ay alam kong matutulog siya. Di ko alam ang pamagat noong kanta ngunit alam ko kanta iyon ni Pabs Dadivas, eto ang ilang salita na bahagi ng awit:

Kahit ako’y di mo ngayon pinapansin,
Nakatanaw sa malayo ang paningin
Giliw huwag mong akalain,
Na aking daramdamin.
Ang Pag-ibig ko ay nililihim ko rin.

At kung tayo’y di na muli pang magkita,
Kapwa tayo malulungkot na dalawa.
At doo’y sisisihin,
Damdaming sinungaling.
Na hindi nagsabing mahal din kita.

Paborito kong awitin kay Sofia ang awit na iyon dahil narinig ko iyon sa isa sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr.

Isa pang awitin na gustong-gusto ni Sofia ay ang kanta ni Gary Granada na “Punung Mangga,”

Sa ibaba ng gulod sa itaas ng ilog may puno ng mangga
Tayo’y naglalaro ng sungka at piko noong mga bata pa
Hanggang sa tumanda ako’y nagbinata, at ika’y nagdalaga
Dooy pagsinta sa isat-isa ay unang nadama

Saksi pa ang buwan ng maging tagpuan ang puno ng mangga
Dooy natutuhan nating pagsaluhan ang lungkot at ang saya
At nangarap akong iregalo sa yo sa kasal nating dalawa
Isang dampa sa gulod, isang bangka sa ilog at isang punong mangga

Ngunit isang araw, ikay lumisan
Dagling nagunaw ang ating sumpaan
Ang balita ko minsan ikaw ay nangibang bayan
Kapalaran mo’y doon na rin natagpuan

Kung masdan mo ngayon wala ng dahon ang puno ng mangga.
Nakaukit pa rin ang pangalan natin sa isang lumang sanga
Giliw sana ngayon san ka man naroon maalwan ang buhay mo
Kung iyong kamustahin ang dating bukirin iba na ang anyo
Kung iyong kamustahin mag-aanim na rin aking mga apo.

Busog din ako ng pag-hele ng aking mga magulang noong bata pa ako. Ang tatay na maganda ang boses ay madalas kantahin ang mga kanta ni Ruben Tagalog at Rik Manrique sa amin noong mga bata pa kami. Nalaman ko ito dahil ang bunso naming magkakapatid ay walong taon ang pagitan sa akin. Walong taon na ako ay nakikita at naririnig ko ang tatay na pinaghe-hele ang aming bunso. Sabi ng nanay lahat daw kami ay pinag-hele ng tatay.

Hanggang ngayon ay hine-hele ko pa rin si Sofia kahit 3 taon na siya. Bagamat di ko siya makalong ngayon dahil nabali ang aking braso sa isang aksidente sa motor ay kinakantahan ko siya habang nakahiga. Si Luisa naman ay pinag-hele ko kanina ng magising, ang kinanta ko (hum) ay ang obra ni Lucio San Pedro na ‘sa piling ni nanay.”

Hindi ko mailarawan ang kasiyahan kapag nakikita mo na nahihimbing at natutulog ang isang bata habang kinakantahan mo siya. Hindi ko iyon maipagpapalit sa kahit anong bagay.

Isang mapagpalayang araw sa inyo

One comment

  1. hello, Cocoy… musta, abala lang ang peg? ;) isa ito sa gusto ko sa posts mo, kapatid. mahilig din meng maghele ng batits – my pamangkins and recently, apo sa pamangkin na, hehe. kung ako, naaaliw at nalulugod sa gawaing ito, what more nga siguro kung sariling anak? am sure, it brings a lot of joys na di kayang ilarawan at ipaliwanag, ahaha.

    mag-post ka na ng bago, inaagiw na rito, kinda, hihihi. pag nagawi ka pala sa english blog ng lola mo, mentioned ka rown, pasensya naman. pero di ko pa nilagyan ng link. would you mind if i do? may english post ka baga rine? better kung englishin, haha. let me know, ha…

    hope you are well., stay pretty, errr, happy pala. ;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: