Halo by Beyonce

Minsan namamangha na lang ako sa mga likhang sining sa paligid ko. Awit o maging mga biswal na likhang sining ng mga artist sa paligid natin.

Hindi lang siguro mahigit 100 beses kong sinabi sa klasroom ko na ang mga bagay-bagay na nakikita nila sa paligid nila, mga guhit sa kalye, maging mga guhit sa banyo, illustrations sa libro, mga pitsyur sa magasin, billboard, at iba pa… ang mga awit na naririnig nila sa mga MP3 player nila, awit sa jeep, ingay ng kaklase nilang makulit, mga tunog sa kalye at iba pa.. “ang gawin nila mga references” o “database ng ideya” nila.. dapat ay itinatabi nila ito sa isip nila.. i-bookmark nila sa isip nila para pag dumating yung sitwasyon na kailangan nila ng mga ideya ay hindi sila mauubusan.

Nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo ay may koleksyon ako ng mga lumang Time magasin, mga taong 1960s hanggang 90s. Ginagamit ko iyong reference ng kung anu-anong bagay..

Nabanggit ko rin sa kanila na maraming mga writer, pintor, kompositor, at iba pang mga artist.. ay madalas na bumabiyahe sakay ng mga pampublikong sasakyan. Kahit me kotse sila. Ang dahilan nila bilang mga artist ay kailangan nilang maranasan yung lipunan. Para maging mayaman sa ideya..

Ang kanta ni beyonce na Halo.. ay naka-save na sa hard-drive ng utak ko as reference.. :)
________________

Nangyayari ba sa inyo minsan, yung makakarinig ka ng isang kanta na talagang bubuhay sa dugo mo, o gigising sa medyo inaantok mong diwa. Ganun nangyari sa akin ng marinig ko yung kanta ni Beyonce Knowles na Halo. Bagamat hindi lang naman ngayon, napakinggan itong kanta na to.. Minsan ko na rin itong napakinggan..

Minsan akong nagbukas ng isang “link video” sa facebook ay hindi yung video yung nagustuhan, kundi yung background sound, Halo. Umangat yung balahibo ko. Para akong pinalibutan ng ilang espiritong pagala-gala dito sa opisina. Hindi lang dahil sa ang tema ng kanta ay tungkol sa pag-ibig. Madalas kase lagi tayong na-e-engganyo ng isang kanta dahil tinamaan tayo ng nilalaman ng mga titik nito. Bagamat kasama iyon sa napansin ko sa obrang kanta na ito ni Beyonce.

Ngunit yung buhay, boses, ritmo, at puso na binibigay ng kanta ay nag-engganyo sa akin sa kanta.

ANG GANDA NG KANTA!

Dahil doon ay walang humpay ko na namang pinakinggan ang kanta na to, paulit-ulit.. habang nagtatrabaho..

Sabi sa kanta:

Everywhere I’m looking now
I’m surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you’re my saving grace

You’re everything I need and more
It’s written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won’t fade away….
________________

Palagay ko ay tama yung teorya nung isang pilosopong Pranses na si Ferdinand de Saussure tungkol sa “Structuralism.” Na ang lipunan natin ay dinidiktahan ng mga organisadong istruktura na binubuo ng mga simbolo, lenguahe, at kultura.. kung hihimayin mo yung kanta na ito ni Beyonce ay hindi rin ito naiiba sa mga kantang naging paborito ng mga tao, komposisyon, istruktura nito ay hinubog na para mabighani ang isang nakikinig.. oops.. masakit sa ulo itong teorya na ito.. Basta.. Ang Ganda ng kanta..
________________

Pinapanalangin ko araw-araw ay huwag sanang maubusan ng ideya ang mga gumagawa ng kanta at mga pintor na lumilikha ng mahuhusay na likhang sining. Ang totoo nyan ay ang mga ganitong likha ng tao ang isa sa nagpapanatili ng katinuan ng mundo. Kung bakit may kalayaan pa tayo.. at kung bakit marami pang nangyayari na mabuti sa paligid natin.

Eto yung link ng kanta ni Beyonce sa youtube:
http://www.youtube.com/watch?v=bnVUHWCynig
________________

Isang mapagpalayang araw sa inyo!

featured image from this website: http://www.jclondon.com/blog/2009/10/stars-do-charity-celebrity-beyonce-singing-halo-to-the-kids-in-the-cancer-ward-we-love-it/)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: