Meltdown.. intensity at magnitude..

Meltdown.. intensity at magnitude..

Eto yung mga salita ngayon, na madalas mong mabasa, marinig, pag-usapan, pag-ubusan ng oras sa mga palabas sa tv o programa sa mga istasyon ng radyo. Marami sa atin ang meron ng ideya o malaki na ang kaalaman tungkol sa lindol. Kaya yung mga salitang intensity at magnitude ay meron ng pakahulugan sa atin kahit paano. Bagamat me konting kalituhan tungkol sa ibig sabihin ng dalawng salitang ito.

Para madaling maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng magnitude at intensity ay ihambing natin ito sa boksing, kay Manny Pacquiao..

Ang intensity 7.9 ng lindol na tumama sa Sendai, Japan nakaraang Viernes ay ikupara natin sa lakas ng suntok ni Manny Pacquiao. Sa lakas ng mga lindol, ang intensidad na 7.9 ay isang napakalakas na lindol. May nabasa akong isang artikulo noong nasa kolehiyo pa ko, na kapag umabot na ang isang lindol sa intensity na 8.0+ ay gigibain na nito ang lahat ng istruktura na nakatayo sa ibabaw ng lupa kung saan ang sentro ng lindol. Ang sentro (epicentre) ng  nangyaring lindol nakaraan sa Japan ay sa dagat at hindi sa kalupaan ng siyudad ng Sendai. Dahil sa dagat ang sentro nito ay kitang kita mo naman ang ginawang lakas ng agos ng tubig nito. Hindi gumiba yung mga istruktura sa lindol dahil sa dagat ang sentro nito, ngutnit yung tubig na itinulak nito papunta sa kalupaan ang sumira, nagpatumba ng halos lahat ng madaanan nito. Yung intensity 7.9 (halos 8.0 na) na napakalakas ng lindol ay hindi lang nag-alog sa kalupaan na malapit sa dagat, inilipat pa nito ang lakas nito sa tubig na ubos lakas na dumaloy sa kalupaan.

Ano naman yung magnitude 8.9. Sa boksing, kung ang 7.9 ay yung suntok ni Manny Pacquaio, ang magnitude na 8.9 ay yung pinsala (damage) ng inaabot o nangyayari sa taong tumanggap ng suntok ni Manny Pacquaio na 7.9 ang lakas. Kung pag-aaralan natin kung ang suntok ni Manny Pacquiao na 7.9 ay tumama sa mukha o katawan ng isang ordinaryong tao lamang, yung hindi propesyonal na boksingero, isipin nyo yung pinsala na maaring mangyari sa tao na tinamaan noon. Hindi lang matutulog yung tao na tinamaan ng suntok ni Manny, maaring ikamatay niya iyon. Ngunit sa mga propesyonal na boksingero, na nakakasanayan ng tumanggap ng suntok, ang pinsala na maaring abutin nila ay maaring tumumba sila, o matulog sandali ngunit mas maliit ang tsansa na ikamatay nila iyon. Isipin nyo yung ginawang damage ng lindol na 7.9 sa Sendai Japan.. 8.9.. sa isang international news company na binasa ko.. maaring lampas pa daw ng 9.0 ang magnitude.. understatement pa yung 8.9..

_________________

Ano naman yung meltdown..

Ang bansang hapon ay may mahigit na 50 planta ng Nuclear na nagbibigay ng enerhiya para sa kanilang elektrisidad. Ang mahigit 50 planta nukleyar na to ang pangunahing pinagmumulan nila ng kuryente. At ang mga planta nuleyar na ito ay pinatatakbo ng isang chemical na proseso na tinatawag na “Fission” o ang pag-hihiwalay, pagbibiyak ng Atom ng isang radioactive na elemento (Uranium, Plutonium, etc..). Ang “Fission” ng mga unstable na elemento ay nagpapakawala ng napalakas na enerhiya na ginagamit naman para makagawa ng kuryente. Para biyakin ang isang elemento at pakawalan ang unstable na parte nito a kinakailangan ng isang napakatinding init, at ito ay ginagawa sa isang “Nuclear Reactor.” Ang init sa loob ng reactor ay umaabot ng 2,000 °C, sa sobrang init nito, ang tao pag nasunog dito ay baka pati kaluluwa pag humarap sa Diyos ay maitim na rin. Pag nagkataon.. tama ang sabi ng mga aprikano, lahat daw ng tao ay maitim. Ok lang ba sa inyo na eternally kakulay mo si Chris Bosh.. o si Blak Dyak..

Sa tindi ng init nito ay hindi maaring makawala ang mga materyal sa loob ng isang Nuclear reactor, dahil ito ay highly radioactive, at labis na nakakapinsala sa tao.

Ang isang nuclear reactor ay mayroong mga materyal na kayang ikulong ang init na 2000 °C para ito manatiling ligtas sa mga taong nagpapatakbo nito. Minsang narinig ko sa isang siyentipiko na merong material na aluminium sa loob nito na kayang ikulong ang init na lumalagpas sa 1800 °C, at ilan pang patong ng material na tumutulong para ikulong ang init.

Hindi lang iyon, merong ding “cooling system” ang isang planta Nukleyar. Kung saan ang mga maiinit na materyal dito ay pinalalamig sa pamamagitan ng tubig. Ito ang nasira sa planta Nukleyar sa Japan dahilsa lindol, na kinatatakutan ng marami na maari daw maging sanhi ng “meltdown.” Dahil sa sobrang init ng mga elementong radioactive, at nasira yung cooling system na nagpapalamig sa mga materyal na lumalaban at nagkukulong sa init nito at wala ng laban pa ang isang reactor kundi masira ng napakainit na elementong radioactive. At yung elementong iyon na napakainit ay makakawala sa kapaligiran, sa hangin at tubig.. Iyon ang tinatawag na meltdown. Ang pagkalat ng elementong radioactive na labis na nakapi-pinsala sa tao.

Mabuting balita.. Noong Viernes pa ay ginagawan na ng paraan ng mga matatalinong tao na huwag matuloy yung meltdown. Nasabi rin sa balita na kapag ang isang cooling system ng isang plantang nukleyar ay nasira hindi aabot ng tatlong araw ay mayroon ng meltdown kundi ito mapipigilan. Lampas na ang 3 araw, yung elementong napakainit ay maaring nagawa ng palamigin ng mga pamamaraan ng mga inhinyerong hapon, australyano at amerikano..

Isa pang mabuting balita para sa Pilipinas.. kung magkaraaon man ng meltdown.. ay hindi aabot sa Pilipinas yung mapanirang elemetong radioactive, dahil ang direksyon ng hangin sa ganitong panahon (hanggang Mayo) ay pa-Silangan..at papuntang Pacific Ocean. Dahil ddon ay kahit dala ng hangin yung mga mapanirang elemento ay hindi ito makakarating sa Pilipinas.. malilgaw sila sa Guam, sa Hawaii, o sa ibang parte ng mundo.

_________________

Isang malungkot na lipunan meron tayo ngayon.. maraming nangyayaring malayong malayo sa pinagmamalaki ng tao minsan, na control niya ang kanyang kapalaran. Ngunit sa lahat ng nangyayari sa paligid natin, wala tayong kontrol..

Ganunpaman.. isang mapagpalayang araw pa rin..

5 comments

  1. Marjorie Fucanan

    salamat po sa impormasyon…. sa panahon ngayon dapat talaga meron tayong kaalaman sa mga nangyayari.. o mga pwedeng mangyari… nakakalungkot talaga ang sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari…. sa lahat ng ito, isa lang ang dapat natin gawin ang magdasal at humingi ng gabay na sana patuloy tayong protektahan, ang ating mga pamilya at ang ating buong bansa… gayun din lahat ng mga Pilipino saan man sila naroroon….

  2. grabe, yan ang artikulo. salamat sa info!

  3. dahil sayo nag karoon ako ng idea sa report ko..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: