Exit Visa..

Ang ibig sabihin ng Exit Visa sa mga OFW sa Saudi ay uwian na. Wala ng balikan. Maaring “for good” na yon. O maaring temporary lang. For good kase wala ng intensyon bumalik sa Saudi o sa kumpanya na pinagtrabahuhan.Temporary dahil maaring di ka na babalik sa kumpanya na inalisan mo, pero maaring bumalik ka pa sa Saudi ngunit sa ibang kumpanya. Minsan akong naging OFW at hindi ko makakalimutan yung pakiramdam ng makita ko yung passport ko na me nakatatak na EXIT VISA .

Nakatago yung passport kong luma, pag-laki ng mga anak ko ipapakita ko sa kanila yung EXIT VISA.

Nakaraan lang, isang matandang babae ang nakauwi mula sa Saudi dahil daw na-isyuhan na sya ng exit VISA. Ang edad ng babae ay 75 na.

TANG-INA, PUTANG-INA! Isang sitenta-i-singkong anyos na BABAE nasa SAUDI para maging OFW. Hindi lang yon, si lola ay ilang dekada na palang pabalik-balik sa ibang bansa para magtrabaho.

Hindi lang yon. Sa edad ni lola na 65 (2001), tumakas siya sa employer nya dahil di siya pinapasahod. simula noon ay naging TNT na sya. Nakaraan lang nagtungo sya sa Bahay Kalinga dahil di na sya nakakatrabaho ng maayos dahil sa kalusugan. Kaya sa loob ng ilang buwan ay sa Philippine Embassy siya nanunuluyan. Habang inaayos ang kaso niya. Habang ikinukuha siya ng PUTANG-INANG EXIT VISA..

Sa Saudi, ang pagtakas sa employer ay isang krimen. Hindi ka mabibigyan ng EXIT VISA para makauwi sa bansa mo.

Nakaraan lang nakauwi na sya. Dahil me EXIT VISA na sya. Hindi ko alam kung nararamdaman nyo yun nararamdaman ko. Grabe yung ginawang tulong nakaraan ng gobyerno natin sa mga “kargador ng illegal na droga” na binitay sa Tsina. Pero, MARAMING kababayan natin ang masama ang kundisyon sa ibang bansa hindi dahil sa meron silang ginawang krimen. Maraming nakakulong sa kanila sa dahilang hindi nila kagagawan. Ilang kababayan natin ang napunta sa mga “dimonyong” employer dahil ang mga ahensya na nangalap ng tao sa Pinas ay insensitibo sa pagpapadala ng Pinoy sa mga DIMONYONG arabo.

Hindi nyo naririnig ito sa balita. At di rin nyo nababasa. MARAMING PILIPINO, MGA KABABAYAN NATIN ANG NAABUSO SA IBANG BANSA. AT DAHIL SA PAGTATANGGOL NILA SA SARILI NILA KAYA SILA MINSAN NAKAKULONG.

Tanong ko lang.. Bumale-balentong ba tayo at nagpa-ikot ikot sa pagtulong sa mga mabubuti nating kababayan na nasa ganung kondisyon? PUTANG-INA..

Nagkaroon ba tayo ng “Prayer Vigil?” PUTANG-INA..

Yung matandang babae, si lola. Kailan lang siya napansin. Kung hindi pa natutukan ng media. Kung hindi pa binatikos ng Migrante ang gobyerno. Dati ba.. minumura ba natin ang gobyerno dahil sa pagpapabayasa mga OFW? PUTANG-INA..

Yun bang mga kababayan nating nakulong ng walang kasalanan sa ibagn bansa, naging iskolar ba ang mga anak nila? PUTANG-INA..

Yun bang mga kababayan nating nakulong dahil nagtanggol sa sarili nila, naging iskolar ba ang mga anak? PUTANG-INA..

Merong isang OFW noon na binitay sa Singapore, dahil sa pagpatay sa kababayan niya. Ginawang iskolar ang mga anak. Saan na kaya yung mga anak niya? Hindi ba’t nakakulong yung 2 lalakeng anak dahil sa droga.

Sabi ng isang na-interbyu sa TV nakaraan. Hindi rin daw maaring ihanay sa OFW yung mga binitay sa Tsina nakaraan dahil ang Visa nila papasok ng bansng Tsina ay turista. Hindi sila OFW. Wala silang kontrata papasok ng Tsina. Aminado sila, kargador sila ng droga. Meron tayong kababayan na lumalabas ng bansa para maghanap-buhay kahit walang kontrata, ngunit hindi para magdala ng droga. Turista, ngunit pagdating ng ibang bansa ay naghahanap sila ng mapapasukan at nakakakuha sila ng working permit.

Hindi man ako naniniwala sa parusang bitay. Pero huwag nating pababain yung moralidad ng mga kababayan nating maayos nagtatrabaho sa ibang bansa dahil tinatawag ng ilan na OFW yung mga kargador ng droga. Kahit kaunti wala silang pagkakatulad.

isang mapagpalyang-araw sa inyo.

One comment

  1. tama! kung hindi pa na media, hindi pa bibigyan pansin ng gobyerno. walang hiya!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: