Si Harold.. at ang post nya sa FB

Last Day na ni Harold bukas. Yung ICT staff sa school na ang tawag sa akin ay Kuya Cocoy. Wala akong masabi, basta nalulungkot, nanghihinayang ako kapag ang mga taong masarap kasama sa trabaho  ay umaalis.. Pero mukhang career growth yung pag-alis nya.. walang pipigil sa kanya dahil lahat tayo me kagustuhang umunlad.. kaya GO!

Minsang nag-post ng status si Harold sa FB, ang post ay teksto mula sa pelikula. Sabi ni Harold sa FB

ang sabi sah cencus mhigit 11 million ang tao sah metro manila. sah dmi ng taong yun paano muh kya mla2man kng cnu sah knila ang pra sau,. pnu kng nka salubong muh nah xia, kya lng dmu xia pnancin, pnu kng bnabasa muh nah ngaun ung pinost nya sah wall,

kya lng nag out nah xia sah fb! dumaan nah pla sah hrap muh, nung yumuko kah pra mag sintas ng spatos muh, nkatabi muh nah pla, kya lng lumingon kah pah pra mkita ung traffic light, sah dnami dmi ng tao, cnu nmn nah swerte,

nkahanap nah, my mga nag hhanap pah, ung iba sumuko nah, pro ang pinaka msaklap sah lhat ung nsau nah pnakawalan muh pah,pro pnu nga kya nuh, kng isang beses lng dumarating ang pra sau,

pala2mpasin muh pah bah? kh8 nsa hrap muh nah? svi ni john loyd ;)

Halos di ko maintindihan. para maintindihan yung post ni Harold.. Inopen ko pa yung Google, nag-search at pinag-aralan ko pa yung kung paano magsulat ang mga Mayan Civilization na nag-predict ng katapusan ng mundo sa 2012 (ayon sa Hollywood), at pati yung sulat ng Navajo Indians .. (biro lang)…

Dialogue pala ni John Loyd sa isang pelikula yung post nya.. di ko na babanggitin yung pelikula kase baka lalong yumaman ang ABS-CBN dahil baka bumili pa kayo ng DVD..

Pagkatapos kong maunawaan yung post nya.. Unang kong naisip ay bhakit khaya napakaramhing letther “h” yhung post nyahhhh.. mhasakith s bagah bhasahinh.. medyo khakhapuhsin kha ng Hiningah pagkhathapos mhong basahin yung tekstoh.. (pengeng tubig!)… isa phang napatunayan ko dahil sa pagbasa sa post ni Harold. Meron palang letter “x” at number “8” ang mga salitang tagalog.

Isa pang naisip ko ay.. ang bata pa nitong si Harold… masyadong seryoso mga post nya.. ganun na pala mga kabataan ngayon.. “masyadong expressive..”

Sinagot ko yung mga tanong nya sa post.. medyo kinulit ko lang yung kakulitan nya.. eto ang reply ko sa post nya sa FB..

una.. hatiin mo agad sa 50% (yung 11 million sa post niya) kase malamang kalahati non is lalake. unless gusto mo rin ng lalake.. haay! so down to 5.5 million ka na. Next, from the 5.5 million na babae sa metro manila, (my estimate).. 40% nun ay nasa range ng edad 20-30 ang edad.  more likely ang type mong girl would fall on that age range.. that’s 2.2 million..

then from 2.2 million (sorry ha) alam ko ito preference mo 25% lang ng 2.2 million na babae ang maganda, the rest is okay lang.  tapos yung iba panabla na.. down to 25% ka na.. that’s 550,000 ka na lang.. lapit na.

Sa post kong yon.. nag-like na agad si Achie. Si Achie yung 39’ers na intsik na kasama din namin sa trabaho. Ang totoo nyan naka-indefinite leave pa si Achie.. mukhang nag-Hongkong o kaya Singapore.. dinahilan lang na umuwi yung yaya ng kiddos nya.. (biro lang)..

Nag-reply ako sa “like” ni Achie.. sabi ko.. “Achuchay.. di pa tapos”

Tinuloy ko yung pagsagot sa post ni Harold na napakaraming letter “h.” Sabi ko…

we’re getting there. from the 550,000, ilan malamang doon nakatira within your vicinity (makati, pasay, mandaluyong, taguig.. mga ganung epek..) o kaya mga places na me contact ka. unless gusto mong gumaya sa isang tao dyan (text edited.. libellous)  dati na me naging gf sa cavite.. o kaya sa cebu.. o kaya sa bulacan.. wag mong gayahin yon.. (my estimate uli) it could be 5% lang ng 550,000 ang nasa vicinity mo.

Nag-like na naman si Achie.. siguro naka-program na siyang mag-like ng mag-like.. ganun siguro pag 39’ers na …  Pati si Harold nag-like din sa reply ko..

Tinuloy ko pa yung pag-reply ko.. Sabi ko…

5% ng 550,000 is 27,500. hihihihi.. konti na lang tol. i guess that’s a good start na.. (haay.. dapat pala naging social science teacher na lang ako).

Nag-like na naman si Achie.. naka-program na talaga siyang mag-like ng mag-like.. palagay ko kasama sa payroll ng Facebook yang si Achie.. katulad ni Ana Odin.. binabayadan siguro sila ng Facebook para maglike ng maglike para maengganyo kang gumamit ng FB.. pag naengganyo ka kase malamang lalawak ang network mo.. dahil don dadami ang advertiser ng FaceBook kase malawak ang market.. yayayaman lalo si Mark Zuckerberg.. (advertising teacher kase ko.. the multiplying effect)

Nag-retrack na ko sa pangungulit kay Harold.. Sabi ko..

joke lang tol. ang totoo nyan, maraming sitwasyon you dont have to look for the person. maraming oras, ikaw hinahanap nya. o kaya nakita ka na nya. o kaya. nasa harap mo na.

Nag-retract ako kase baka seryosohin na ni Harold yung binigay kong statistic. Baka mamaya bilangin na nya yung mga tao sa paligid nya (especially yung mga magagandang babae). Hanggang umabot siya sa 27,500. O kaya talagang umiwas siyang magka-dyowa sa cavite, sa cebu o bulacan. Isa pa baka napipikon na si Harold.

Hindi napikon si Harold. Pero mukhang sineryoso nya yung statistic ko.. at mukhang mas lalong maghahanap ng dyowa itong si Harold sa cavite, cebu at bulacan..

Eto ang reply nya sa post ko..

OkEi Lng skEn kh8 nAh mAs mtAnda uNg gUrL, prO ndi nMn uNg UbEr ahH… jEjejeje! sma nah ntEn uNg cAvitE at bULacan pWd diN nMn! hEHehehe…. sO… nsa 25M nah Or mOre dan 25M nah kUa kOy jEjeje :) pRO okEi Lng sVi Lng nMN ni jOhn LOyd Un EhH… hEhehehe

Hindi lang maraming letter “h” dumami rin yung letter “j”.

Sumakit lalo ulo ko nuong oras na yon.. palagay ko kailangan ko na rin pag-aralan yung paraan ng pagsulat ng mga Sumerians.. yung patay na sibilisasyon kung san kabilang si Conan the Barbarian… Biro lang.

isang mapagpalayang araw sa yo Harold.

Lagi itong sinasabi nung graphic artist na nagturo sa akin ng CorelDraw.. “goodluck sa career mo”

Goodspeed sa yo. All the best tol.

Isang mapagpalayang araw sa lahat..

5 comments

  1. pie

    this time natawa ako at naka relate ako sa mga sentiments mo about the “h” and the “8” and “j”

    je je je! :)

    para kay Harold, please tell him according to Pie: “malabo ang statistics ni Cocoy” :)

    and also tell him that i wish him well on his new career! Go!

  2. naniniwala ako na ang pag-ibig ay hinahanap at hindi hinihintay. dapat makipag date yang si harold e.. date lang ng date hanggang sa matapat sya kay ms.right. hehehe

  3. tim

    eh ung weee di nga!!!asar kha dun di ba… kuyakoy…regards sau… gud luck sa career mo…god bless…mwaaah tsup…

  4. Ana ipe

    hahaha.. magtatampo na sana ako, kala ko hindi ako kasama sa blog.. eh about Facebook pa naman.. di ba ako Administrator ng facebook…

  5. walastik, buti n lng di sumakit ang ulo ko sa post na to.

    pero na-gets ko naman. good luck sayo harold, whoever u are! boom!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: