Kuwentuhan sa byahe at si Apostol Pablo..

Kakuwentuhan ko nakaraan ang misis ko habang pauwi kami. Nagkukuwento siya tungkol sa pastoral message na narinig nya nakaraan ng dumalo siya sa isang simbahang Baptist sa Pasig. Hindi ko na maalala kung bakit napag-usapan namin si Apostol Pablo. Pero sa dakilang Apostol na ito umikot ang kwentuhan namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Marami kaming napapagkuwentuhan kapag magkasabay kaming umuwi. Dahil me dala akong sasakyan ay sinasadya ko minsan na magpahuli ng uwi para masundo siya sa bandang Pasig na. Ang totoo nyan maraming bagay kaming napagde-desisyunan pag nasa byahe kami. Naalala ko tuloy yung mensahe minsan ng isang pastor, na madalas ay nagagawa nilang magkaroon ng mayamang pag-uusap ng kaniyang kabiyak kapag nasa kotse sila at pauwi sa bahay nila. Dahil trapik pauwi sa bahay nila ay marami silang napapagusapan na importante sa sasakyan. Dahil doon ay nagagawa nyang pasalamatan ang Diyos dahil kahit sa ganung sitwasyon ay pinagpapala siya.

Ang napag-usapan namin ng kabiyak ko ay si Apostol Pablo. Maraming tanong ang misis ko tungkol kay Apostol Pablo. Sa ministeryo, buhay, maging ang itsura nya ay napag-usapan namin.

Si Apostol Pablo ang tinatawag na Espesyal na Apostol ng Panginoong Hesus. Isa sa mga katangian ng isang apostol ay kailangan ay nakita mo si Hesus habang nasa lupa pa siya. Ang mga spostol katulad ni Pedro ay may personal na pakikipag-usap kay Hesus, nakita nila si Hesus noong panahon na naging tao siya at bago humayo si Hesus. Kaya kahit sinung nagsasabi ngayon na sila ay apostol ni Hesus, isa lang ang dapat nating itanong.. kasama ka ba sa mga nakakita kay Hesus 2,000 taong mahigit na ang nakakaraan. Doon pa lang natatapos na ang argumento.

Espesyal si Apostol Pablo dahil hindi sya naging Apostol kasabay nila Pedro, Mateo, Andres, Santiago, Juan, Philip, at iba pang apostol. Naging apostol siya ng panahon na tapos na yung pagmi-ministro ni Hesus, tapos na yung pagpapako sa kanya sa Krus, tapos na rin yung pag-bangon ni Hesus sa libing. Si Apostol Pablo ay naging apostol sa panahong pinalalaganap na nila Apostol Pedro at iba pa ang mensahe ng kaligtasan tungkol kay Hesus.

Isa syang Pariseo na tumutuligsa sa mensahe tungkol kay Hesus. Pinapapatay niya ang mga nagpapalaganap ng mensahe tungko sa Kristo. Dahil doon ay binulag siya ng Panginoon, inutusan siyang puntahan ang isang taong makapag-babalik ng kanyan paningin (tinatawag ng mga eksperto sa Bibliya na “the Damascus Road of Aposle Paul). At ng magbalik ang kanyang paningin ay ibang tao na sya. Yung kanyang Hesus na tinutuligsa ay nagpakilala sa kanya. Nabulag sya at nakakita dahil kay HEsus.

Espesyal siya dahil di katulad nila Apostol Pedro, Juan at iba pa ay tinuruan siya ni Hesus ng walang kasama, one to one. Silang dalawa lang. Ayon sa Bibliya, binitbit siya ni Hesus sa isang lugar sa Arabia at manu-mano siyang tinuruan ng tungkol sa mensahe ng kaligtasan tungkol kay Hesus. Sila Pedro ay nakita ang kadakilaan ng Kristo habang ito ay nagmiministro pa sa mga tao, nakita ang kadakilaan nito ng siya ay napako sa krus, at muling nabuhay. Ngunit hindi si Apostol Pablo. Kay hindi mo mababasa ang pangalan ni Apostol Pablo sa apat na unang libro ng bagon tipan, sa Mateo, Markus, Lukas, at Juan. Dahil manu-mano siyang tinuruan ni Hesus, ganun na lang ang kanyang dedikasyon at galing sa mensahe ng kaligtasan. Ikaw kaya ang tutukan ng isang maestro sa paglikha ng kanta, sigurado hindi ka lang magiging marunong. Ikaw ay magiging magaling na manglilikha ng awit.

Espesyal si Apostol Pablo dahil siya lang sa mga apostol ang tinalaga ng Diyos na mag-ministro sa mga hentil. Ang tawag sa kanya sa Bibliya ay “light of the Gentiles.” Yung 12 apostol ng Diyos kabilang yung pumalit kay Hudas ay pinakalat ang ebanghelyo sa mga Israelita, sa Jerusalem, sa mga anak lamang ni Abraham.  Ngunit hindi si Pablo. Patunay dito ang mga liham nya sa taga-Corinto, sa taga-Filipos, sa mga taga-Roma, sa mga taga-Tesalonica, at sa iba pa. Ang mga lugar na iyon ay mga lugar na hindi parte ng Israel. Noong panahon na yon kung hindi ka Israelita ay isa kang Hentil. Espesyal si Apostol Pablo dahil ang totoo nyan ang mga Israelita ay hindi komportable sa piling ng mga Hentil. Minsan pang nagkaroon ng diperensya si Pedro at Pablo dahil minsang kumakain Pedro kasama ang mga hentil, ngunit ng dumating ang ibang Kristiyanong Israelita ay tumayo siya. Nagalit si Paul dahil parang ikinakahiya ni Pedro na makasama ang mga hentil sa hapag.

Espesyal siya dahil sa kanyang pisikal na katangian. Ayon sa mga pag-aaral sa kasaysayan ng Kristiyanismo at ang mga turo ni Pablo. Si Pablo ay may nag-aabot na mga mata (ibig-sabihin ay maaring duleng), kalbo, maliit, balikong ilong, maiksi ang isang paa, at mayroong karamdaman na labis nyang iniinda. May karamdaman si Pablo, at ayon sa mga eksperto sa kasaysayan ng mga simbahan, ay maaring merong malaria si Pablo. Maliit, at maiksi pa ang isang paa. Isipin natin kung anong itsura ni Apostol Pablo. Sigurado kung makita natin siyang maglakad ngayon ay sasabihin natin.. “ginagawang baku-bako ni Pablo” ang patag na daan. Yung itsura ni Apostol Pablo ay malayung-malayo sa itsura ng estatwa ni Pablo sa Pasig na nakatayo sa harap ng isang malaking eskwelahan na nakapangalan sa kanya.

Dahil sa katangian niyang iyon ay namamangha ako kung paano niya nilibot ang imperyo ng Roma para palaganapin ang mensahe ng kaligtasan na galing kay Hesus. Wala namang eroplano, o tren, o mabilis na kotse. Dahil ang pagpapalagananp ng mensahe tungkol kay Kristo noong panahon na iyon ay labag sa kagustuhan ni Emperor Nero ay sigurado ay hindi madali para kay Pablo ang magpalipat-lipat at maglakbay.

Ngunit nakarating sa napakalayong lugar ang mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Ang totoo nyan ang paniniwala natin, ang kaligtasan natin na napalaganap ng mga kanluraning bansa ay nakarating sa kanila dahil sa ministeryo ni Apostol Pablo.

Ayon sa Kasaysayan, Sa panahon ni Emperor Nero namatay si Apostol Pablo. Siya ay pinugutan ng ulo, habang si Apostol Pedro ay ipinako sa krus ng pabaligtad. Isa pang pag-aaral na nabasa ko, tungkol sa kamatayan ni Apostol Pablo ay hindi lang siya pinugutan ng ulo. Siya daw ay maaring ipinasok pa sa loob ng isang troso, at habang nasa loob siya ay nilagare ang troso. Na naging kamatayan niya.

—–

Ipagpaumanhin nyo kung hindi ko nagawang i-quote kung saang parte ng Bibliya ko nabasa ang ilang kataga na sinasabi kong galing sa Bibilya. Gusto ko lang ilagay ito sa blog ko kaagad. Maging yung ibang impormasyon na kailangan ng reference ay hindi ko na nailagay ang mga pinanggalingan. Hindi naman ito isang scholarly writing.. sabi nga ng isang quotation na labis kong pinaniniwalaan.. “Conscience rather than ideology and efficiency.”

Isang mapagpalayang araw sa inyo..

2 comments

  1. Christine

    Praise the Lord…salamat tlaga kay Apostle Pablo na naging messenger Kay Jesus Christ…Special tlaga xa at kakaiba kc xa din nagsasabi na wlang pinipili ang Diyos kng taga Asia ka man,taga Roma or from Israel…Hindi na importance kng na tuli ka ba or hindi pa..kasi sa hudeo kailangan tlaga matuli at sinusunod nila yan from old testament kay Abraham….Pero nong nabasa ko ung new testament sa corinthians,gawa,filipos,tesalonica,ung lahat ng sulat ni Apostle Pablo tlagang na enlightened ako…assurance kng baga…bsta naniwala ka lang kay Jesus Christ ksabay ng pamumuhay na naayon sa kagustuhan nya,mamuhay bilang totoong cristiyano..Maraming salamat sa pag gawa ng blog na ito…sini search ko kasi kng paano xa namatay…grabe naman pala naging kamatayan nya..kakalungkot :( pero according to him,balewala ang katawan nato kc ang importante ung spiritual na bagay ang mas dapat pag handaan…malungkot at pasakit man ang naranasan nya sa mundong ito pero may nag hihintay namang award sa kanya si God…To God be the Glory….

  2. Rogel

    kaakibat ng pananampalataya ay mabuting gawa,di lang pananampalataya gagawa ka rin basahin mo sa Santiago.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: