Labor Day, Benepisyo, at ang Gobyerno..

Isa lang masasabi ko sa iniisip nila na benepisyo para sa mga manggagawa, mga MANG-MANG sila.  Hindi nila nauunawaan ang pangangailangan ng mga uring manggagawa. Si PNoy man o kung sinong gagong nag-suhestiyon sa kanya ng KAMANG-MANGAN.

Tanong ko lang..

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum?”

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum habang nagpapakain ka ng 3 miyembro ng pamilya?”

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum habang nagpapakain ka ng 3 miyembro ng pamilya, nagpapa-aral ka ng 2 anak?”

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum habang nagpapakain ka ng 3 miyembro ng pamilya, nagpapa-aral ka ng 2 anak, at nagbabayad ka pa ng P3,000 sa upa sa bahay?”

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum habang nagpapakain ka ng 3 miyembro ng pamilya; nagpapa-aral ka ng 2 anak; nagbabayad ka pa ng P3,000 sa upa sa bahay; at nagbabayad ka ng hindi bababa P500 sa kuryente, at P200 sa tubig?”

“Naranasan na ba nilang pasahurin ng minimum habang nagpapakain ka ng 3 miyembro ng pamilya; nagpapa-aral ka ng 2 anak; nagbabayad ka pa ng P3,000 sa upa sa bahay; nagbabayad ka ng hindi bababa P500 sa kuryente, at P200 sa tubig; at isa sa mga anak mo e merong iniinom na gamot (bilang maintenance medication)?”

Mas mahal na ang pamasahe.. mas mahal na ang pagkain.. NARANASAN NIYO BA YON? TANG-INA!

Anong gagawin ng mga manggagawang Pilipino dun sa non-cash benefit na yon.. makakain ba kaagad yon. Pede bang pambayad yon sa karinderya para sa pananghalian ng mga manggagawa? At bakit ngayon lang nila sinasabi yon.. pede namang ipatupad yon kahit hindi panahon ng Mayo 1. Merong tatlong daan at anim na put limang araw sa isang taon. Bakit ngayon lang..

At ang sitwasyon.. hindi nila madesisyonan kaagad kung magkano ang idadagdag na pasahod. Naantala ng naantala… Sa bawat araw na naantala ang anumang dagdag sahod na iniisip mo nababaon naman ang isang manggagawa sa utang..

Patawarin ako ng Diyos kung nagmumura ako..  pero parang MANHID masyado ang gobyerno.. Alam naman nilang kailangan nilang magpatupad ng pagtaas ng sahod.. BAKIT Kailangang mahuli yung desisyon ng Regional Wage Board.. di ba nila naisip na inaabangan ng mga manggagawa yon kada Mayo 1.

Isa pa.. parang tama lang sa paningin nila na nakakaraos lang ang pamilya ng mga manggagawa.. Parang ayos lang na 2 beses na lang kumakain ang marami sa mga pamilya ng uring manggagawa Pilipino. Di ba dapat 3 ang normal na kain ng tao. Naranasan na ba nila yon.

Anong silbi ng Labor Day!

Kailangan ng mga manggagawa yung dagdag sahod.. NGAYON NA!.. TANG-INA! Hindi bukas.. Hindi sa isang araw.. lalong hindi sa mas malayo pang hinaharap… NGAYON NA! PWEDE BA!

One comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: