Si AJ.. at ang Tsinelas

Napanood ko yung Maalaala Mo Kaya nakaraang Sabado na ang bida ay yung naaksidenteng aktor na si AJ, kasama rin nya yung isang batang aktor na nakikita ko rin sa Goin’ Bulilit ng channel 2. Magaling yung AJ sa pag-acting. Makikita mo yon sa mukha ng tao habang “umaarte.” Yung mukha pa lang niya, ay kumpleto na ang emosyon, kumpleto na yung kwento. Tama na ginawa nilang parangal sa kanya ang palabas na ito sa Maalaala Mo Kaya.

Bihirang-bihira na akong manood ng palabas sa mga lokal na TV channel dahil na din sa punto ni  Monique Wilson na binobobo ng mga palabas sa TV ang Pinoy. Madalas ko lang panoorin ay ang PBA sa channel 23, at ilang programa noon sa channel 23 na wala na katulad ng Criminal Minds.

—–

Pero iba ang Maalaala Mo Kaya. Me puso ang program na ito ng channel 2. Bagamat kasama ito sa mga programang pinagkakakitaan ng malaki ng ABS-CBN dahil maraming taga-sunod, katumbas nito ang maraming advertiser. Nawalan na kase ako ng gana sa mga palabas ng mga tabloid na lokal channel 2 at 7. Kailan lang eh tabloid na rin ang channel 5. Labis-labis kase ang komersyalismo sa mga lokal na channel na to. Over-commercialism, makes the quality of programs suffer… isa yon sa mga puntos na di ko malilimutan sa pag-aaral ko ng Production of Culture/Culture of Production.. mahaba-habang diskusyon iyon kung isasama ko sa post na to.

—–

Ang kwento ay tumakbo sa mga karanasan ng dalawang batang lalake (isa ay binata na at ang isa ay talagang totoy pa) na nagawang maglakad mula Maynila papuntang Catbalogan, Samar. Hindi ko nasimulan yung palabas dahil meron akong ginagawa nung gabi ng Sabado, nasimulan ko na ang kwento na nasa parte na sila ng Quezon naglalakad.

Malayo ang nilakad ng dalawa, ayon sa intelligence report na nasagap ko ay maaring 520 Kilometro yon  from Manila. Depende pa kung saan ka sa Manila manggagaling.  Ibawas natin yung biniyahe nila na nakasakay sila ng barko mula Matnog, Sorsogon papuntang Allen Samar. Ang layo noon ay 24 Kilometro, ayon uli sa intelligence report na nasagap ko. Kaya maaring ang nilakad ng 2 ay aabot ng 496 kilometro. ANG LAYO!

Ayon sa kwento ay inabot ng 20 araw na naglakad yung 2 bata. Ang isang wastong gulang na tao ay kayang maglakad ng 4 na kilometro sa isang oras. At iyon ay sa paraan na hindi pa nagmamadali, kundi normal na paglalakad lamang. Ngunit mga bata pa itong bida sa kwento, mas malilit ang hakbang nila ngunit maaring mas mabilis dahil mas maliksi. Kaya maaring 3.5 kilometro lamang isang oras ang kapasidad nila.

Let’s do the math..  (yan ang madalas sabihin ng guro ko sa elementary noon. Mahina ako sa math kaya iyon lang yung naalala ko sa lesson nya.. ) Hindi ko na isasama sa computation yung mga variables na katulad ng pagod, pataas yung kalye na maaring ikabagal nila.. at iba pang makakapekto sa paglalakd nila. Ayon sa distansya at sa 20 araw na nilakad nila mula Maynila hanggang Catbalogan Samar, ay naglakad ang 2 bata ng hindi bababa sa 7 oras isang araw. NAKAKAPAGOD!

Nagawa ko ring maglakad noong nag-aaral pa ako sa Kolehiyo, mula Maynila hanggang Pasig. Dahil wala na akong pamasahe. Ngunit wala pang 15 Kilometro yon. Sa nilakad ng 2 bata sa kwento, maneng-mane yon. Alikabok lang sa paa ang makukuha nila sa 15 Kilomtero.

Isa parte ng kwento na talagang umantig sa puso ko ay bahagi ng kwento na naputol yung Tsinelas ni AJ. Makikita mo yung emosyon, panghihinayang sa mukha ng mga bata, at lungkot dahil naputol yung tsinelas. Sa mga bata, IMPORTANTE ang tsinelas. Dahil sa tsinelas malayo ang narating nila. Kapag galaan noon. Khit iwan mo yung ibang dadalhin wag lang tsinelas. at kapag kailangang tanggalin ang tsinelas sa pagkakasoot at hindi mo rin ito bibitawan. Kundi isusukbit mo ito na katulad ng damit sa braso mo. Ang tsinelas ang matalik naming kaibigan..

Kaya ganun na lang ang kasiyahan ni AJ ng binigyan siya ng kapaid ng tsinelas.

—–

Ang tanong.. saan napunta yung puso ng tao sa sitwasyon nila. Ang karamihan ng PUSO sa kwento ay nasa 2 batang naglakad ng saksakan ng layo. Sila yung PUSO ng kwento, pero wala masyado sa mga tao, bayan, GOBYERNO, at iba pang tao na maaring kasama sa totoong kwento ng buhay ng tao. Maliban doon sa Ale na nagbayad ng tinapay na inumit ni AJ sa tindahan dahil nagugutom ang kapatid nyang maliit, at doon sa mga pahinente ng barko na hinayaan na lang silang maksakay ng barko.

Sinabi ko ito noon. Ang pinakamalalang sakit na maaring dumapo sa tao ay yung maging INDIFFERENT (ano ba sa tagalog yon?) ka sa kapwa mo. Yung tipong wala na tayong pakialam. Yung ok lang sa atin na naghihirap ng lubusan ang mga tao sa paligid natin habang tayo ay masagana.

Sa mga nangyayari sa paligid natin. Lahat tayo ay kone-konektado. Lahat tayo ay apektado. Maaring hindi mismo sa oras na nangyari ang isang bagay sa isang tao ngunit darating ang sitwasyon na maapektuhan ka ng mga nangyayari sa mga tao sa paligid mo. Kaya ganun na lang ang pagpupursige ng Greenpeace na ipaglaban ang kapakanan ng Kapaligiran (Environment) dahil ang ginagawa natin sa kapaligiran natin ay makakapekto sa lahat.

Hanga ako sa 2 bata.. Hanga ako sa pagsusumikap nila. Hanga ako sa pagiging magkapatid ng 2 bata. Hindi ko lilimutin yung kwento na ito. Ikukuwento ko pa ito sa mga anak ko habang lumalake sila. Ang totoo nyan, kasama ko yung 2 anak kong babae sa panonood ng palabas na ito ng Maalaala Mo Kaya. Bagamat alam kong mababaw pa ang pang-unawa nila. Yon din ang dahilan kung bakit nagawa kong panoorin at tapusin yung palabas na ito.

—–

Ang pamagat ng kwento na ito sa Maalaala Mo Kaya ay “Tsinelas.”

Bahala na kayo kung maisip nyo na parehas sila ng pamagat ng Blog ko. :)

Isang mapagpalayang araw sa lahat.

7 comments

  1. Erwin

    Sang-ayon ako sa mga sinabi mo Sir Franco…

    Ako ay likas na KAPAMILYA mula’t sapul… hindi pa uso ang ‘cable’ ay laging nakatuon anng aming telebisyon sa Ch2… dalawa pa lang ang noon, isang ‘colored’ at ang isa ay ‘b/w’. Ngunit kahit ganoon ay hindi ibig sabihin ay todo suporta ako sa mga palabas… sa pgdaan ng mga panahon nakita ko ang mga pagbabago sa kanilang mga palabas na kung minsan ay hindi maganda. Naalala ko noon, pumangalawa ang paborito kong istasyon sa Ch7. Lubos akong nalungkot… mukhang nawala sila sa ‘focus’ at naging alipin ng maling pag-iisip… buti na lang ngayon ay nakakabangon na… kaya huwag kang mawalan ng pag-asa Sir Franco, may iba pang magagandang palabas sa mga estasyon sa bansa. lalo na sa Ch2

    —————

    Mapunta naman tayo sa MMK…

    Ang naging palabas ng MMK na pinagbidahan ni AJ at Bugoy, ay talagang nakakaantig ng puso. Hindi lamang dahil pumanaw na ang bida kung hindi mas lalo kung ang pag-uusapan ay ang kabuuang konsepto ng istorya. sa katunayan, inabangan ko ang palabas bago ko pa malaman na si AJ ang bida. Isa marahil ito sa isang maliwanag na paglalarawan ng ating lipunan… mga pang-aaping nararanasan ng mga kapus-palad. Totoo na hindi lahat nga tulad nila ay dapat kahabagan ngunit sa aking paniwala, sila pa rin ay kailangan bigyang respeto.

    Ang kawalan ng pakialam sa mga tao sa ating paligid ang isa sa mga malalaking problemang dapat mabigyang solusyon ng bawat Pilipino, hindi lang ng gobyerno at simbahan. Ito kasi ang nagbibigay ng malaking moog na humahadlang sa lubusang pag-asenso ng ating bayan. Ngunit hindi naman ibig sabihin ay ito ay pangkalahatan na. May mga tao pa rin naman naglalakas loob na tumulong at makibagay sa mga nagaganap sa lipunan kahit wala ang ‘press’. Ito ay ang mga taong, sa kanilang maliit na paraan ay pilit na ginagawang makabuluhan ang kanilang buhay sa pagtulong. Hindi naman ibig sabihin ay maging tsismoso o manghimasok ng walang dahilan. Lahat naman tayo ay binigyan ng Diyos ng kakayahang magawa ito… konsiyensya.

    Sana ang mataas na ‘rating’ na nakuha ng palabas (26.8% ayon sa AGB Nielsen Mega Manila People & Household Ratings mula April 29-May 2/ 34.3% ayon sa TNS/Kantar – isa sa pinakamataas na nakuha ng MMK, pinakamataas sa taong ito) ay kumahulugan ng pagkalinaw ng ating kaisipan patungkol sa ating kapwa.

  2. Achie Ang

    galing coy! daming puntos, tooomoooo!
    galing din ng intelligence report mo…hmmmm wonder who he/she is…hehe

  3. Marjorie

    very nicely worded….
    just would like to correct – it was Catbalogan, Samar… not Sorsogon…
    My mom is from Leyte and we have experienced riding a bus from Pasay to Leyte (imagine!!!!). It is from Matnog, Sorsogon that the bus had to be lifted to a barge to get to the other side of the island…. Malayong byahe po talaga un at 3 days and 2 nights ang biyahe….. so how much more un paa lang ang gamit mo???????
    pero I admired the two boys…. the sufferings and challenges that they had to experience just to reach their destination….. really very heart breaking…… and more heartbreaking dahil ang gumanap eh wala na… huling pagganap ika nga… pero me marka at nagmarka sa lahat….

    pero mas naantig ako nun nakita ko na un mga pics ng mga tunay na bida ng kwento… at may mga edad na po sila…… nakita ko ang tunay na pagmamahal ng isang kuya sa kapatid……. sana maging ganun din ang relationship ng mga anak ko pag malalaki na sila….. nasan man ang mga magulang nila dapat maging proud sila….. bihira ang may ganitong determinasyon sa ganitong edad…..

    Salamat po……

  4. pruelpo

    Ok itong kuwento mo Igan Cocoy – nagpaalaala sa naging kahapon ko na hanggang ngayon ay aking pinaghuhugutan ng lakas. Salamat pala sa pagbisita at komento sa aking munting dampa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: