Saranggola

Dahil siguro mother’s day nakaraan ay napaniginipan ko ang Nanay nung isang gabi. Ang eksena sa panaginip ko kung tama ang naalala ko ay nasa isang bukid daw ako. Makulimlim, at maganda ang hampas ng hangin dahil sa isang direksyon lang ang takbo nya. At si Cocoy iyon nung mga 11 years old pa lang sya. Nagpapalipad ng saranggola . Payat, maliit, soot ang butas na tsinelas at masaya dahil me saranggola na pinapalipad.

Colored ang panaginip ko. At meron ding audio, dahil nagawa naming mag-usap ng nanay. (Detalyado ang pagkaka-alala ko). Bagamat 11 years old ang karakter ko sa panaginip ko ay buo ang diwa ko sa kung ano at sino si Cocoy sa edad na 36, yung Cocoy ngayon.

Si Nanay ang unang nagsalita. Sabi nya. Kamusta ka Coy.. Ganda ng saranggola mo kahit sa dyaryo lang gawa. Siguro gamit mo na naman yung sinulid na ginagamit ko sa pananahi. (Madalas kaseng biktima yung supplies ni Nanay ng sinulid sa pananahi dahil sa pagpapalipad ko ng saranggola). Matibay kase yung mga sinulid na ginagamit ni nanay, kesa don sa maliit na spool ng sinulid nabibili sa tindahan ni aling flora (gawang Tsina yata yung kila aling Flora).

Sabi uli ni Nanay. Sigurado bawas na naman yun walis tingting sa bahay nyan. Katulad ng supplies ng sinulid ni Nanay, biktima rin ng saranggola ko yung walis tingting nya.

(Di natin napapansin, pero ganun kadetalye ang mga nanay sa bahay. Alam nila ang nangyayari. Hindi lang literal minsan na mas malaki ang tenga nila, talagang malakas ang pakiramdam nila sa bahay).

Si Nanay uli ang nagsalita. Hayaan mong umalagwa siya (saranggola), basta ayusin mo yung hawak sa tali mo. Baka kumawala. Kamusta ka nga pala. Parang masyado kang pagod ng mga nakaraang araw, dami mong ginagawa. Pansin ko laging gabi ka na umuuwi, walang pang araw minsan umaalis ka na ng bahay, tapos lubog na rin ang araw pag-uwi mo. Umaalis ka tulog pa mga anak mo, pag-uwi mo minsan tulog na rin sila. Me trabaho ka pa ng sabado. Tapos iniisip mo pa magpatuloy mag-aral. Masyado kang maraming pinagkakaabalahan. Hindi lahat yan pakikinabangan pagdating ng araw. Magpahinga ka naman.

Inulit nya yung sinabi nya nung una.. Hayaan mong umalagwa siya (saranggola), basta ayusin mo yung hawak sa tali mo. Baka kumawala.

Ang kausap ni nanay ng oras na yon ay hindi yung 11 years old na Cocoy. Kundi yung 36 years old na Cocoy.

Si nanay lang ang nagsasalita sa panaginip ko. Si nanay lang ang kayang magsalita sa akin ng ganon.

—–

Dahil patay na ang nanay ay lagi kong iniisip na sana mapanaginipan ko sya. Kabaligtaran ng nangyayari. Bihira ko syang mapanaginipan.

Sana araw-araw eh mother’s day. Hindi sa konsepto ng mga malls na kailangan mo silang bilihan ng regalo lagi. Makita nilang maayos ang anak nila at di nawawala yung respeto ay masaya na sila.

Isang mapagpalayang araw sa inyo.

5 comments

  1. nice…touching…..para sa akin, isa yan sa nagpapalakas sa iyo harapain ang makulay na agos ng buhay…butas man o bago ang gamit mong tsinelas, tuloy lang sa paglakad dala-dala ang kanyang (nanay mo) ala-ala…keep the memories alive in your heart!

    ang suwerte mo may ganyang kang memories with your mum…=)

  2. Marjorie

    Sana hindi lang isang araw ang Mother’s Day… dapat araw-araw…. mahirap ang responsibilidad ng isang ina…. nde lang sa bahay… kc kelangan din niya magtrabaho para matugunan ang pangangailangan ng pamilya…. Sabi nga ng Parish Priest namin nong isang beses na nagmisa para sa mga ina…. “Aminin na natin mga Tatay, mas importante ang mga Nanay”…. totoo naman d b?
    Maraming mga bagay na nde kayang gawin ng mga tatay ang kayang gawin ng mga Nanay…. no offense meant sa mga tatay…. lalo na paggdating sa mga gawaing bahay….Kaya gawin natin na araw-araw magpasalamat sa ating mga Nanay…. Isa lang siya kaya dapat natin bigyang halaga. Magandang araw po…..

  3. sasaliwngawit

    hello, cocoy,

    ako man, ganyan din. hiling ko ay mapanaginipan ko ng madalas ang ina naming wala na. pero sa kung ilang taon, apat o limang beses pa lang nangyayari. sana kasi, magkaroon ako ng tsansang mayakap sya – kahit sa panaginip lang…

    nakikiraan lang. regards sa ‘yo at sa yong pamilya. ^^

  4. Hello, Kokoy,

    Nakakailang-balik na ako rito, madalang ang post. Magsulat ka, kapatid… Kumusta? ;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: