Single Mothers Don’t Date

Nakuha ko yung title/quote na yan sa isang sikat na pelikula. Siguro napanood nyo na yung pelikulang Jerry Maguire. Yun yung pelikulang nagpasikat kay Renee Zelweger. Ang totoo nyan na-in-love ako kay Renee Zelweger sa pelikulang yan.

Sa pelikula ding iyon nanggaling yung sikat na quote na “You had me at hello,” at “show me the money.”

—–

Maaring ang maalala nyo sa pelikulang iyon ay yung kuwento ng pag-ibig, sa pagitan nila Jerry Maguire (Tom Cruise) at Dorothy Boyd (Renee Zelweger). Kikiligin ka nga naman sa kwento. Kaya hindi na makalimutan yung quote na “you had me at hello.”

Pero merong detalye sa kwento na maaring hind masyadong napansin. Ang Jerry Maguire ay isang kwento ng mga Single Mother.

—–

Namatay ang tatay ng 9 na taon pa lang ako. Bagamat nagisnan ko ang tatay ko, wala akong nakuhang mahahalagang ugali sa tatay ko. Pinalaki ako ng isang “single mother.”

Merong single mother na nawalay sa kabiyak dahil namatay na ito. Merong hiwalay sa asawa dahil sa mga bagay na hindi na maaring pagkasunduan. Iba naman ay iniwan lamang ng kanilang kabiyak.

Sabi sa pelikula, “Single mother is a sacred thing.”

Ang pagiging single mother ay hindi ordinaryong buhay. Kahit bata pa ako ay ramdam ko ay hirap ng nanay. Malaking bahagi noon ay yung pinansiyal na aspeto ng buhay. Ngunit higit sa lahat ay emosyonal na parte ng buhay. Kaya nga tinatawag na kabiyak. Pag nawala sa iyo yung naging kasama mo sa buhay ay talagang nawala ang kalahati ng buhay mo. Sa mga may asawa na, maaring nababalewala natin yung mga sandaling magkasama kayo ng minamahal mo sa kwentuhan, sa pagkain, sa pamamalengke, sa pamamasyal, sa bawat bagay. Pero ang totoo nyan yung mga ganoong detalye ng buhay ay nami-miss ng mga nawalan ng kabiyak. Alam ko dahil pinalaki ako ng isang single mother.

Mahirap punan yung kawalan ng isang ama sa bahay. Iyon ang ginagawa ng mga single mother.

—–

Kaya totoo yung title ng post ko na to.. “single mothers don’t date.”

Hindi naman talaga sila basta basta nakikipag-date lang. Marami sa kanila ay nakaranas na ng masalimuot na relasyon, maaring sa asawa nila dati o maaring sa mga naging partner nila ng mawalay na sila sa tunay nilang kabiyak.

Hindi lang sila basta nakikipag-date dahil malalim na ang alam nila sa buhay. Ang malalim na pakikisalamuha nila sa mga lalaki ay katumbas ng malalim na tiwala. Ibig sabihin higit pa sa kaibigan ang turing nila sa mga lalaking pinakikisamahan nila. Kaya ginagawa nila ang lahat para lang hindi masira ang relasyon nila sa mga nagiging partner nila. Nandyang nakokompromiso na ang mga pinahahalagahan nila sa buhay. Kase umaasa sila.

Dahil hindi lang sila basta nakikipag-date. Dapat ay tapat ang pakikisalamuha sa kanila. Hindi sila pinai-ibig dahil natuwa ka lang na makasama siya. Hindi sila pinai-ibig dahil natutuwa ka sa mga anak niya. Hindi sila pinai-ibig sa mababaw na dahilan. Parehas ang trato sa kanila.

—–

Merong pinanggagalingan kung bakit ito ang isinulat ko ngayon. Ito ang gusto kong isulat nuong mothers day. Gusto ko ring sabihin sa mga kakilala kong single mother.. “hindi nyo mahahanap sa ibang tao ang tunay na kaligayahan.. mas lalo na sa mga lalaking gusto nyong pahalagahan kayo ng tunay. Sarili nyo at ang anak ninyo ang mas importante.”

Isang mapagpalayang araw…

P.S. Maliban sa pagsulat sa blog bumalik ako sa listening mode sa buhay ko. Sa pakikinig mas maraming natututunan.

 

(feature image from this website: http://life-love-and-online-dating.com/2009/11/10/single-mothers-and-single-fathers-a-world-apart/)

11 comments

  1. Mahirap punan yung kawalan ng isang kabiyak sa bahay…
    AA: hindi mahirap……super duper mega over to the max ang hirap! madaming aspeto, mahirap i-detalye pero sa totoo lang, walang mahirap sa hindi kinakaya….

    Hindi lang sila basta nakikipag-date…
    AA: toommooooo cocoy….sa mga pinagdaanan ng isang single parent, hindi na joke joke ang buhay….may choice ang bawat tao….kung choice makipag-date, may limitasiyon. .pangkasalukuyang saya para maka-survive….sayawan lang sa musika…..ilangoy lang sa agos ng buhay…para maka-survive coy…maka-survive!

    Gusto ko ring sabihin sa mga kakilala kong single mother.. “hindi nyo mahahanap sa ibang tao ang tunay na kaligayahan.. mas lalo na sa mga lalaking gusto nyong pahalagahan kayo ng tunay. Sarili nyo at ang anak ninyo ang mas importante.”

    AA: bbbbooooooooooggggg, natumbok mo kaibigan! toommooooo ulit coy at salamat… isa akong single mum pero para sa akin, hindi dapat umikot sa nakaraan (masasakit na nakaraan) ang buhay….hindi kaya ng ‘bato’ ni darna o bilis ng ikot ni ‘wonder woman’ para dalhin lahat ng ito ….kapit sa Diyos na may paniniwala na hindi Niya ako (kami) pababayaan ang kailangan….na kailangan maging matatag, masaya pa rin at inspirasiyon sa iba , at lakas at sigla para sa mga anak…kahit na walang ‘kabiyak’ na tinatawag……isa pa, kaya nga dapat alalay lang kung sakaling may papa panda o mama panda man na nagbibigay ng panandaliang kaligayahan….hindi dapat sa kaniya iikot ang mundo (kahit na unknowingly hilo nako sa pagikot …) . ..hindi dapat mag-invest ng emosiyon (kahit na unknowingly to the Nth power na interest ng investment ko …)…hindi dapat (talking to myself here)…..hindi dapat dahil………at the end of the day o nearing teh end of my lifetime, sarili at mga anak ang mas importante pa rin ngayon at sa hinaharap….pero pero pero….hindi natin hawak ang future….things happen in a snap….na we’ll never know, may nakalaan palang ‘kabiyak’ sa buhay in the future…..in the near future….basta gawin lang ang universal laws…pananalig kay Lord at patuloy sa pagbibigay ng ‘love’…’unconditional love’ kahit pa gaano kahirap ang buhay….

    haaayyssst….apekted?!?! sobra dahil walang makakaunawa sa bigat o saya na dinadala ng isang single parent kundi sarili lang…ibang tatag ang dapat manaig para sa sarili at mga anak! MABUHAY TAYO MGA SINGLE PARENTS!

    Isang mapagpalayang araw din…

  2. Marjorie

    mahirap nga cguro mawalan ng katuwang sa buhay.. lalo kung nakasanayan mo na ang kanyang mga gawi, hilig at ang buo niyang presensya…. pero magkaganun man, kelangan tanggapin ang mga hamon ng buhay… kung nawala ang kabiyak dahil sumakabilang buhay na, mas mahirap sigurong matanggap.. malungkot isipin. Pero kung nawala dahil nangibang bahay or pugad… malaking hamon yan sa isang ina na ipakitang nakaya niyang itaguyod ang kanyang mga anak nang mag-isa…. nang walang tulong galing sa magaling na asawa… At darating ang araw, ang mga anak na itinaguyod ang magbibigay ng saya at ginhawa sa inang pumasan lahat ng hirap….. sabi nga may mga naging pag-aaral na ang mga single mothers ang siyang nagiging matagumpay sa buhay……. kaya do not lose hope….. nde kakulangan ang lalaki sa buhay para umunlad……. :)

  3. sa pagunlad siguro hnd kelangan.pro in general..single mother o single father o simpleng “single” lng.. drting at drting k sa point n mkkrmdam k ng “emptiness”. though tama nmn at totoo lhat ng sinulat mo.. ang sakin lng.. iba p rin kung my “partner”..kc..nabubuo k..

  4. Ryan Adik Nga Lambay

    My mom is single. At the age of 45, even once, she did not date somebody. Perhaps, she was hurt and decided to finally focus everything to her two children. Mabuhay ang mga single moms! :)

    I added you sa blogroll ko. E.add mo rin ako. Thanks.

  5. Cocoy

    salamat sa lahat ng comment.. all your thoughts are well taken.

    Kay Ryan.. I will add you to my blog-roll as requested. Salamat sa pag-add sa akin sa blogroll mo.

  6. Very inspiring. Buti na lang naiintindihan mo ang damdamin namin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: