25 Aktibidad na maari mong gawin kasama ang mga tsikiting

Alam kong lahat tayo na magulang aynagnanais magkaroon ng ‘bonding’ time sa mga tsikiting natin. Karaniwan iniisip natin, kailangan yung bigtime outing o bigtime na get together, pero ang totoo nyan.. kahit gaano kasimple yung gagawin nyo, ang importante ay yung kasama ka nila, o kasama mo sila..

Ilan lang ito sa mga  maari nating gawin kasama sila: :)

  1. Patayin ang TV at makinig ng kanta na gusto nila.
  2. Ayusin ang kwarto kasama ang mga bata pagkagising sa umaga
  3. Magdilig ng halaman.
  4. Magpakain ng isda sa aquarium.
  5. Bumili ng pandesal sa panderya.
  6. Bumili ng mantikilya sa panaderya.
  7. Magbisikleta sa paligid ng bahay.
  8. Tulungang mag-drawing ang mga bata, magsalit-salitan kayo sa pagkumpleto sa isang drawing. Ikaw ang magdrawing ng araw (kayang-kaya mo yon, bilog lang yon na me sinag).. sa kanila ang drawing ng bahay.. mga ganung epek..
  9. Tulungang lagyan ng kolor ang na-drawing. Ikaw ang magkulay sa araw (yellow lang yon. madali lang, kahit wala kang aral sa color harmony kaya mo yon), sa kanila yung kolor ng bahay.. mga ganung epek..
  10. Buuin ang puzzle na hindi mo mabuo simula noong 10 taon ka pa lang :)
  11. Magbasketball kalaban ang mga bata.
  12. Pag-usapan nyo ang mga bagay na paborito nila.
  13. Pag-usapan nyo ang mga bagay na paborito mo.
  14. Pag-usapan nyo ang lahat ng pwede nyong pag-usapan.
  15. Kung talagang gusto nilang manood ng TV ay makinood ka kasama nila.
  16. Pag-usapan nyo kung ano ang susunod sa Shake, Rattle and Roll 13 (14?)
  17. Pag-usapan nyo kung anong istorya ang pwede sa Shake, Rattle and Roll 38.
  18. Bulabugin nyo ang nanay nila hanggang sa mainis. Medyo ingat lang kase baka mawalan kayo ng meryenda.
  19. Magpalipad ng saranggola.
  20. Paliguan ang aso, o pusa (?). Pag walang alagang pusa o aso, yung manok. Basta paliguan yung pet.
  21. Magtimpla ng juice at sabay-sabay uminom. Wag uubusan ang nanay.
  22. Gumawa ng sandwich na ang palaman ay Coco Jam.
  23. Gumawa ng sandwich na ang palaman ay peanut butter.
  24. Gumawa ng sandwich na ang palaman ay mantikilya.
  25. Gumawa ng laruang papel at makipaglaro sa mga bata.

Medyo kinulit ko na lang yung ibang detalye. Pero ang importante ay gawin mo yung mga bagay na pwede mong gawin kasama ang yung mga tsikiting. Pag-laki nila.. hindi nila malilimutan ang mga ito.

Isang mapagpalayang araw sa inyo.

nakuha ko yung ideya ng post na ito sa post na nasa wikang ingles.. iniba ko yung ibang detalye para i-aplay sa ating Pinoy.

(feature image from this website :http://www.webstockpro.com/Stock-Photos-of-father+son+flying+kite/)

14 comments

  1. Marjorie Fucanan

    korek! dami naman talaga pwedeng gawin kasama ang mga kids….. kaso dito sa Saudi pag weekend lang pwede at sa gabi kc sa umaga hiwa-hiwalay lahat….. kanya-kanyang destinasyon… sa office, sa school, sa sitter….

    pero magkaganun man, kahit konting panahon nagkakasama-sama… ang importante, nagkakaroon ng time para magkausap at magkulitan…. ok na un…. :)

  2. Achie Ang

    korek ilan lang ito na ‘bonding time’ Mr. Tsinelas! =)

    At korek din na hindi kailangan yung bigtime, kahit simple lang o ‘corny’ man ang activity, ang importante ay yung magkakasama kayong nagkukulitan, nagtatawanan….

    Salamat sa post na ito….naalala ko tuloy na kailangan nang sundan yung ‘kite flying’ namin…..sana maganda ang panahon sa linggo! =D

  3. Edelyn Da Silva

    Pagkatapos magsimba, namamalengke kaming mag-iina at pag-uwi tulong-tulong kaming magluto at maghanda ng aming pananghalian. Tiyak walang mamimintas at mas ganado pa kaming kumain. :-)

  4. Nice one! Gusto ko palaman Reno Liver Spread.

  5. tim

    Wala nako magawa…Paliguan ko nalang ang isda na nasa aquarium matapos pakainin…

  6. hello, cocoy,

    like ko ‘to. korek ka. ang mga bata, maski marami nang technologies, gadgets-gadget, gusto pa rin nila ang real and live interactions. gusto pa rin nila ang binibigyan sila ng atensyon at importansya.

    btw, gusto ko yong bibili ng pandesal, ginagawa ko rin yon, ahaha. saka ‘yong i-engage sila sa pagpapaligo ng pets. (btw, wala me na anak, ha. pamangkins. ^^)

    gandang gabi sa ‘yow! :)

    • Tsinelas

      salamat.. maraming salamat..
      totoo na ang gusto ng mga bata ay importansya at atensyon.. nakaraaang linggo napgapalipad kami ng saranggola ng 5 years old kong baby.. at yung pinsan nya..
      nung napapalipad na nila yung saranggola.. di mo mailarawan yung saya sa mukha nila..

      isang mapagpalayang araw din sa yo.. :)

  7. Gusto ko ang sarangola na bahagi.. madalas nakakapanghinayang kapag nalalagot ang tali nito at tinatangay ng hangin patungo sa kawalan. Nais ko sanang habulin… ngunit may bahagi sa diwa ko na nagsasabing “baka makapagpasaya pa ng iba.”
    kagaya din sa pag-ibig <3

    Maligayang araw ng mga Puso sa iyo at sa iyong mga mambabasa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: