Maging Bata – mas Masaya sa Pilipinas!

Minsang umaga binisita ko ang isang website na nag-iipon ng mga ‘more fun in the Philippines” images na gawa ng mga followers nito. Sari-saring picture na nilagyan ng salitang ‘more fun in the Philippines’ ang makikita mo sa website na yon.

Andyang, merong Litson baboy na nakahain – Planking, more fun in the Philippines. Meron ding mga kalalakihan na binubuhat yung bahay – Change of Address, more fun in the Philippines. isa pa ay yung dalawang lalaki na tumalon mula sa ‘talon’ o ‘falls’ – Jumpshot, more fun in the Philippines. Andoon din yung mga bata na nag-aagawang buko; Rugby – more fun in thePhilippines.

   

Pero ang talagang ang nakatawag ng pansin ko ay yung isang picture ng mga bata na nakahanay lang at may salitang; Childhood – more fun in the Philippines.

images from: http://www.itsmorefuninthephilippinespics.com/

Ang saya nga naman maging ‘bata’ sa Pilipinas. Di ko alam kung nakaka-relate kayo sa akin sa mga laro na ginagawa namin noon, pero bihira na akong makakita ng mga batang naglalaro ng mga iyon. Ilan lang ito sa laro na karaniwan ay nilalaro ng mga kabataan noon.

Tumbang preso – ang intensyon ay patumbahin yung lata (lata ng gatas, o sardinas ng walang laman) na nakatayo sa gitna ng lugar na pinaglalaruan. Merong isang bat ana nagbabantay sa lata. Siya ang taya sa larong ito. Di ko alam kung unique ang laro na ito sa ating mga Pinoy. Sigurado me bersyon nito ang mga intsik. Sabi nga ng isang quote na nabasa ko, ‘God created the world and the rest was made in China.’ Peace sa mga kaibigna kong sengwa..

Taguan – for sure merong bersyon nito ang kanluraning bansa (at ang Tsina). Hide and Seek sa wikang ingles. Kahit binatilyo na kami ay naglalaro pa rin kami nito. (sa mga binata at dalaga, medyo iba na ang kahulugan nito.. talagang nagtatago na sila at matagal na sila bago makita.. hihihihi).

Saranggola – isa sa mga laro na talagang na-enjoy ko. Ang magpalipad ng saranggola. Isang araw iniisip kong isama ang dalawa kong anak na babae sa pagpapalipad ng saranggola. Sa mga bata, ay kalayaan ang ibig sabihin nito. Isa rin itong paraan ng pagtuturo ng responsibilidad sa mga bata. Hindi madalai gumawa ng saranggola, at hindi rin madaling paliparin. At lalong hindi madali na makita mong makabalik ang saranggola mo para lumipad uli bukas. Isa itong laro ng gma kabataan sa buong mundo. Ang totoo nyan, hindi lang ang mga bata ang naglalaro nito. Sa mga hapon, isa itong importanteng parte ng kanilang kultura.

Dyolen – larong lalaki ito, na ang intensyon ang maparating mo ang dyolen mo sa isang pwesto o base (lupa na butas) at pabalik sa orihinal nya na pwesto o homebase. Iyon ay ginagawa mo kasabay ang ilang kalaro mo na walang intensyon ay ang hindi ka makaikot pabalik sa homebase. Andyang titirahin ng Dyolen nila ang dyolen mo para lumayo ao mawala sa direksyon. Ang pinakamabigat na pwedeng mangyari sa dyolen mo ay mabasag ito.

Teks o baraha – mga maliliit na palying cards ito. Na merong nakadrawing o naka-imprenta na eksens sa isang pelikula. Pinaglalabanan ang mga teks na ito ng mga bata na parang ginto. Ang mga bat ana magaling magtext noon s aamin ang sikat sa lugar namin.

Step Baro o Step No –Ang naglalaro nito ay nagpapalipat lipat sa mga pwesto sa loob ng nakalarawan na baro (dress) sa sahig (sa lugar namin sa kalsada sila naglalaro). O kaya hugis rektanggulo na may ilang dibisyon. Meron ginagamit na ‘pato’ na sinisipa-sipa nila hanggang makaikot sila sa hugis baro o rektanggulo na pinaglalaruan nila. isa itong larong pambabae. Pero me mga lalake ring naglalaro nito.

Moro-moro – ang laro ng gma mabibilis tumakbo.

Turumpo, Yoyo, atibpa.

Akyat punung-kahoy gang – bagamat hindi na ito maituturing na purong laro, ay isa ito sa mga nae-enjoy ng mga bata noon.  inabot ko pa yung panahon sa amin noon na meron pa kaming inaakyat na punung-kahoy para manguha ng bunga. Kahit bayabas lang o aratiles. Nadadayo pa kami noon sa gilid ng ilog para kulimbatin yung buko,  niyog at manga na nakatanim sa isang loteng hindi masyadogn naalagaan. Andyang napapagalitan pa kami ng me ari ng puno ng kaimito.

Me mga sitwasyon din sa mga kabataang Pilipino ang malungkot. Andyang bata ka pa lang talaga ay nagtatrabaho ka na dahil sa hirap ng buhay.  Imbes kase laro at aral ang iniintindi ng mga bata noon/ngayon ay marami sa kanila ay naghahanapbuhay na kahit paano.

Hindi ko kinahihiya na noong bata pa ako ay nangongolekta kami ng basura at binabayaran para itapon namin sa tambakan, nangongolekta ng kanin-baboy para ipagbili sa nag-aalaga ng baboy. Andyang nag-igib din ako ng tubig para sa mga nangungupahan na walang koneksyon ng tubig. Umabot din sa sitwasyon na noong high-school na ako ay naghuhugas ako ng jeep para kumita ng konting pera, hindi ko makalimutan yung jeep ni mang domeng.

Hindi naging dahilan ang pagtatrabaho ko noong bata pa ako para hindi ko ma-enjoy ang kabataan ko. Nagagawa ko pa ring maglaro.

Sa mga kaibigan kong mga magulang na. Bigyan nyo ng panahon na makapaglaro ang mga anak nyo.  Sa loob at labas ng bahay. Basta me gabay ay hindi sila mapapahamak. Hayaan nyong maging bata ang mga bata.

Paglaki nila, isa ito sa mga masasayang bagay na maalala nila na isang malaking regalo mula sa inyo.

7 comments

  1. giovee

    Very well said… Brings back memories of my childhood, recently I became 20 and I missed being a kid!

    • Tsinelas

      salamat Giovee.. ok lang paminsan-minsan to go back ang play again. kahapon, I and my kids went somewhere to fly kite. tuwang-tuwa yung gma batang kasama ko.. isang mapagpalayang araw sa yo. :)

  2. Grabe, napapangiti ako habang binabasa ko to, kasi naalala ko ang aking kabataan. Kahit medyo bata pa ako (ahem, ahem) ay masaya akong naabutan ko ang mga ganitong gimik. Natuwa nga ako nung isang araw lang, nilinis ulit yung bukid dito sa may duluhan ng mga bahayan samin dito sa probinsya. Dati kasi naiwang madumi yun, buti ngayon nilinis at nakakatuwang makita yung mga bata ngayon dito samin.

    Marami akong nalaro sa mga nabanggit sa itaas, pero paborito ko ang “Akyat punung-kahoy gang”. Eto kasi madalas naming ginagawa noon. :)

  3. Nakakamiss talaga ang maging bata! Patok na patok sa amin yung Step Baro o Step No. Piko’ ang tawag namin dun. Inaabot kami ng gabi sa paglalaro nun at kahit na sa loob ng bahay, guguhitan namin ng crayola ang sahig makapaglaro lang.

    Ang kasunod, sermon ni Nanay habang binubura namin ang crayola sa sahig. Ahaha!

    Salamat sa pagbisita sa bahay ko ha!

    • Tsinelas

      salamat din.. parehas tayo, yung kakulitan namin nung mga bata pa kami eh sermon ang kapalit minsan. hihihi..
      isang mapagpalayang araw sa yo.. minsa kaya makipaglaro ako ng piko sa nyo.. :)

  4. miss ko yung mga childhood friends ko, nag lalaro kme ng luto-lutuan :) tas mga dahon sa garden ang niluluto namin. tas may mga perang papel kami made of old newspaper :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: