‘You We’re There,’ themesongs, at Ilang kwentong pag-ibig..

You We’re There ng Southern Sons

Nung una kong marinig ang kanta na ito. Walang duda.. sabi ko sa sarili ko, ang kanta na ito ang isa sa mga kantang magpapatakbo, magpapatigil, magpapabagal, magpapabilis, o magpapa-rebolusyon ng takbo ng puso ng karamihan. Kabilang ako.. :)

—–

Ilang kasalan na rin ang nadaluhan ko. At ilang beses na ang awit na ito ang themesong ng mga kinakasal. Hindi ko alam kung ginagawa nyo yung ginagawa ko pag dumadalo ako ng kasalan, pero meron akong ginagawa na ngayon ko lang sasabihin sa kahit kanino man. ‘Inoobserbahan ko ang mga dumalo sa kasal na mag-sing-irog pa lamang, o yung mga mag-dyowa (salitang bakla), mag-Un (bisaya), yung mga mag-steady (o kahit hindi steady), o basta mga katulad nila.

Inoobserbahan ko sila, tinitingnan ko ang kislap sa mga mata nila. Lalo na ang mga kababaihan. Mayaman sa emosyon ang mga pag-uusap ng mga mata, ng mga kamay, ng mga kilos ng mga dumadalo ng kasal na mag-sing-irog. Lalo na ang mga kakabaihan.

Isa sa mga kakaibang reaksyon na napansin ko ng minsan akong dumalo ng kasal ng kaibigan ay ng inawit ang kanta na ito, ang ‘You We’re there.’ Merong mga mag-nobyo pa lamang ang malagkit na nagtinginan, merong nagpadama ng ‘excitement sa pamamagitan ng pagkapit ng mahigpit sa kamay ng katipan, merong nagsalita na ‘themesong din natin yun ah.’ Hahahaha.. Loveless pa ako noon ng dumalo ako sa kasal ng isangkaibigan, kaya hindi ako kasama sa mga ‘nag-react.’ :)

—–

Inawit din ni Regine Velasquez ang awit na ito. Maraming nagsasabing mas maganda pa rin yung orihinal na bersyon, at marami din ang nagsasabi na ‘maganda ang bersyon ni Regine Velasquez.’ Aaaminin ko na sa inyo, isa akong taga-hanga ni Regine. Bnibiro ko pa ang isang kaibigan nuong binata pa ako, pag merong pagkakataon niyaya ako ni Regine Velasquez maglakad kahit sa baywalk lang ay sasamahan ko siya. Sabi ko pa nga sa sarili ko, igagawa ko siya ng malaking saranggola at papaliparin namin sa Baywalk. Isa pang aaminin ko sa inyo, nangyari yung date na iyon, sa ‘panaginip.’ Hindi ko alam kung naibaba namin ni Regine yung saranggolang pinapalipad namin dahil nagising na ako ng may nag-away na pusa sa tapat ng bintana namin kung saan ako natutulog. Buwisit na mga pusa yan oh.. :)

Pero, mas maganda ang bersyon ni Regine para sa akin.. obvious ba.. :)

—–

Alam ni Itok (Carlito) na yung kanyang sinusuyo ay paboritong kanta ang ‘You We’re There,’ dahil doon ay nagawa nyang mag-aral mag-gitara. Nagpaturo pa siya sa isang kakilala kung ano yung mga chords at paano tugtugin sa gitara ang kanta na iyon. Madalas pa noon napapansin ko na pag magkakasama kami at nandoon din yung kanyang iniirog ay kinakanta nya yung ‘You We’re There.’ Kasabwat nya si Elmer, ay kinakanta nila yung ‘You We’re There.’

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Di ko alam kung naging batikan si Itok sa pagtugtog ng gitara. Pero ang pag-ibig ay nagbubukas ng maraming magandang bagay sa tao. Si Itok na hindi marunong mag-gitara at sintunado sa pag-awit ay nagsikap para pag-aralan awitin at tugtugin sa gitara ang ‘You We’re There.’

—–

Ikaw, ano ang themesong mo (solo)? O themesong nyo? Sigurado merong kanta o mga kanta na kada maririnig nyo ay may maalala kayong tao. Wag mong sabihing wala kang naalala kapag narinig mo yung kantang ‘Happy Birthday’ siguro naman alam mo bertdey mo, o ng nanay mo, o ng tatay mo. Mga ganung epek.

Ang walang kamatayang ‘Ikaw’ ni Ariel Rivera na inawit din ni Regine Velasquez. Ilang beses mo na kayang narinig yon sa kasalan? Ilang taona  kaya ang gumagamit na themesong ang kanta na yon. Pero, syempre mas maganda ang bersyon ni Regine. :)

Ang mga bading gustung-gusto yung kantang ‘Its raining men.’ Di naman obvious ang dahilan. Syempre, gusto nila maglaglagan na lahat ng kalalakihan sa harap nila. Kasama kaya si Piolo sa inaabangan nila o kasama siya sa pag-aabang? :)

—–

Ang mga kaibigan ko sa Saudi, sigurado tinawagan na nila yung kanilang mga katipan sa Pilpinas. Para batiin ng “Happy Valentines.”

Gaano man ka-korni. Dapat talaga na ipinag-diriwang ang araw ng mga puso. Maaring hindi mo iniisip ito, ikaw, ako, lahat tayo.. nabuo dahil sa pag-iibigan ng mga magulang natin. Na tulad ng karamihan ngayon ay ipinagdiwang ang araw ng mga puso. Gaano man ito ka-korni..

Tama rin ang pananaw na hindi lang ito dapat isang beses isang taon.

—–

Kung pag-ibig ang pag-uusapan. Walang persona ang maaring ihambing sa pagpapahayag ng tunay at wagas na pag-ibig kay Hesus. Sa kanyang pag-ibig sa tao ay kinutya siya, hinampas ng latigo, binuhat nya ang kasalanan ng lahat, inunat nya yung kanyang mga kamay, nilatag nya yung mga paa nya, ipinako siya sa krus.

Maaring maraming makamundong aspeto ang pagdiriwang ng araw ng pag-ibig kada 14 ng Pebrero. Pero ang pinagmulan pa rin ng pag-ibig ang sentro ng pag-ibig.

—–

Katulad ng karamihan paborito ko ang ‘You We’re There’.

Kunin ang kanta sa pamamagitan ng link sa baba:

http://dl.dropbox.com/u/21462156/Regine%20Velasquez%20-%20You%20Were%20There.mp3

—–

Isang mapag-palayang araw ng mga puso sa lahat. :)

10 comments

  1. ahhmmm…ang theme song namin nung first bf ko nung college yung For All Of My Life by For Real. Binigay nya casette tape pa :)

  2. Marjorie Fucanan

    hello…. Happy Valentine’s Day…. pero sana nde lang love sa boyfriend o lover o asawa ang araw na ito.. sana para rin sa iba pa nating mahal sa buhay… magulang, anak, kapatid… kahit na mga kaibigan… sana nga nde lang ito araw ng pagkakasala para sa ilan.. sana araw ng tunay na pagmamahal…. Good morning…..:)

  3. Tsinelas

    Isa sa mga follower ng blog ko si Charms.. napuna nya na mali ang sinulat kong name ng singer or artist who sung the song.. Salamt Charms.. tama ka.. ‘Southern Sons nga pala ang kumanta nito.. Stay pretty.. as always..

  4. hello, cocoy,

    “but you were there, you were everything i’d never seen, you woke me up from this long and endless sleep…”

    ‘yan naman nga ang kakayahan ng pag-ibig. at gayundin ang kakayahan ng awit na mag-evoke ng something sa atin, ‘ika nga, ahaha.

    btw, may post din akong ukol sa awit. Patuloy kitang Mamahalin ang title, ewan ko lang kung nabasa mo na… please do, pag nadaan ka uli… ^^

    kumusta po? hope you and your family are well. have a great week :)

  5. Achie Ang

    hindi ko naging themesong ang kantang ito pero na-inlove na ako sa lyrics mula marinig ko ito mga…..taon na nakakalipas! at tuwing may pagkakataong kantahin ito sa mga gathering na may karaoke, hindi mawawala ang kantang ito sa listahan ko! maraming challenges and sacrifices ang pag-ibig pero nawawala ang hirap ng mga ito para sa iniibig! let’s continue to spread love…..di lang sa gf/bf o lover/partner o asawa para rin sa anak, kapatid at mga tunay na kaibigan…higit sa lahat, pag-ibig kay Kristo! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: