Minsan Isang Sabado 2

Ang sarap maging Tatay..

—-

Nakaraang Sabado sinadya ko talagang hindi pumasok sa FEU. Me klase pa sana ko, last day na namin ng mga estudyante ko. Ang klase ko sa umaga ay isa sa mga grupo ng estudyante na talagang hindi ko malilimutan.  Ang grupo ng mga estudyante na to ang isa sa pinaka-talentadong grupo ng estudyante na nahawakan ko..

Bagamat gusto ko silang kasama sa last day ng klase namin, ay nagpaalam ako sa kanila na hindi ako makakapunta, me program kase sila Sofia sa school nila. Ng sinabi ko ang dahilan eh lahat sila nag-agree na tama lang na hindi ako pumasok sa last day namin. Siguro dahil hawak na nila ang allowance nila. :)

—-

Si Soap (Sofia) ang panganay kong anak. Limang taon na siya. Ngayong school year ay tinapos nya ang kanyang Kinder 1.

Moving-up ceremony nung Sabado sa school nila, from Kinder 1 to Kinder 2.

Nung una kong narinig na merong moving-up ceremony ay parang aksaya sa panahon at pera lang yon para sa akin. Pero di ko pinalalampas ang araw na ito. Kahit nung Nursery to Kinder 1 nya ay nandoon din ako.  Hindi kase ako nakaranas ng pre-school education nung bata ako. Diretso ako to grade 1.

Katulad ni Dr. Rizal, at ng lahat, ang una kong teacher ay ang nanay ko. Bagamat lumabis sa akin dahil di na nagawang i-enroll ako ng nanay sa Kinder.

Ngayon kase iba na ang lipunan. Masyado ng mataas ang pagkakakilala sa dapat na kakayanan ng mga bata. Bagamat hindi nagbabago ang praktikal na pagtuturo. Bagamat hindi nagbabago ang pangangailangan natin.

—-

Lumalaki si Sofia na nalilibang sa pagdo-drawing.

Ang itsura ng mga dingding sa bahay ay parang ding-ding sa templo ni Tutankhamen. Parang hieroglyphics na hindi mo maintindihan. :)

Mga tao, bahay, halaman, na puro stick drawings. At me kwento sa mga drawing nya.. pag tiningnan mo ng maigi mula sa kanan pa-kaliwa eh me kwento ang mga guhit.

Isang bagay ang nakikita ko sa drawing ni Soap.. lahat ng mga drawing nya na merong ulo o mukha, ang mga bibig ay nakangiti. Minsan nakatawa pa! maging ang mga ibon, o aso, o halaman na me mukha eh nakangiti.
Isa ito sa mga drawing ni Soap:


Sa mga child psychologist, mahalagang indikasyon yon na masaya ang bata.

Hindi ko siya pinipigilan magdrawing ng magdrawing. Kahit parang hieroglyphics pa. laigmkong sinasabi sa misis ko na hayaan mong maging bata ang mga bata.

Ninenerbiyos lang ako na kapag kulang na ang ding ding sa bahay eh baka umabot siya sa kapitabahay. Problema yon.. :)


Sa moving up ceremony niya from Kinder 1 to Kinder 2 ay merong isang parte ng programa na talagang nagsabi sa akin ng isa sa tunay na kahulugan ng isang tatay.

Sa huling parte ng programa ay kinanta nila ang isa sa pinakamagandang kanta ni Josh Groban, ang ‘You Raise Me Up.’

Yon nga pala ako para ke Soap at kay Luisa.. ang dalawa kong anak na babae.

Habang kinakanta ni Soap yung kanta kasama ang ibang mga bata ay tumahimik ang lahat ng mga magulang na nasa progama na yon.

Mukhang parehas kami ng naramdaman sa sitwasyon na yon. Sa mga bata na katulad nila na inaawit ang kanta na iyon, bagamat hindi nila masayado nauunawaan ang konteksto ng kanta ay totoong ikaw bilang Ama/Ina nila ang kanilang dahilan para maging matagumpay.

Malakas sila kapag nakikita nilang malakas ka. Kung sila ang pinanggagalingan mo ng inspirasyon at lakas para magpatuloy, kung sila ang iyong dahilan kung bakit nagpapatuloy ka pa ring magtrabaho kahit nabubuwisit ka na sa kalagayan sa trabaho mo, eh ikaw rin ang dahilan nila kaya sila lumalaki ng maayos. Kung sila ang dahilan kung bakit kahit pagod ka na sa isang linggong trabaho eh me sideline ka pa ng sabado o kahit linggo, ikaw rin ang dahilan nila para maging responsableng tao sa lipunan.

Walang halong biro yan.

—-

Isang mapagpalayang araw sa lahat ng mga magulang na naging matagumapay ang kanilang mga anak, at sa lahat ng mga magulang na nagsusumikap na maging matagumpay ang kanilang mga anak.

4 comments

  1. Marjorie Fucanan

    korek ka jn Daddy Cocoy…. ako nga nun nagmoving up si Jared naiyak ako….. ngayon graduation na naman niya ng grade 6… parang kelan lang… ang bilis ng panahon….. tama ka rin dapata pabayaan natin ang mga batang i-enjoy ang kanilang kabataan.. kasi isang beses lang naman tayong dadadaan jn eh….. ang importante, nanjn tayo lagi para gumabay sa kanila…. tulad ng ginawa ng mga magulang natin sa atin…… :)

  2. Achie Ang

    napaiyak naman ako rito coy…..mabuhay ang mga tatay na katulad mo! salamat sa pagbahagi nito para sa mga magulang na nagsusumikap na maging matagumpay ang kanilang mga anak na katulad ko….

  3. hello, manong kokoy… ang tagal mo nang walang post, naman… hey, alam mo, isa ito sa pinakanagustuhan ko sa mga nai-post mo nang entry. aliw pati, may hirit pa sa estudyanteng hawak na ang allowance at sa dingding ngkapitbahay na candidate ma-drowingan, kainaman… ^^

    hoy, mag-post ka kaya? oa na ang pagka-busy mo, kapatid, ahaha. saka pala, pag may time ka, daan ka sa site at boto ka kung aling tula ang ipa-publish, ha… thanks. hope things are doing well, kapatid na butihing tatay. swerte sina soap and luisa, as in… ;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: