25 bagay na dapat nating malaman tungkol sa mga Tatay

Ilang lang ito sa mga bagay, ugali na karaniwan ay meron ang mga Tatay natin. Ilan dito ay suhestyon mula sa mga kaibigang proud sa mga Tatay nila. :)

• mababaw sila, itimpla mo lang siya ng kape masaya na sila, ibli mo sila ng medyas, sigurado ang tuwa nila.

• malaking bagay din yung pagdating nya ng bahay eh iaabot mo yung sinelas nya at itatabi yung sapatos nya sa lagayan ng mga sapatos.

• hindi lahat ng tatay eh marunong magbasketball, pero marami sa kanila eh naglalaro ng basketball para maipakita sa mga anak nila na masarap maglaro at makisalamuha.

• madalas isip bata rin sila katulad ng mga anak nila. Hindi ko alam kung nabasa nyo na to pero ang mga lalake daw stays a ‘boy’ all his life, even when he becomes a father already. Parang totoo sa akin ito..

• ayaw nila ng paulit-ulit, kase minsan ka lang humiling sa kanila tinatandaan nila yon. At kung hindi man nila agad maibigay yung hinihiling mo, dahil  me tamang dahilan.

• maraming tatay, loner ang style nila.. mas gusto nila na hinahayaan lang sila na gumawa at kumilos sa bahay ng hindi pinapansin. sabi nga nila, ang hilig nilang magbutingting nga kung anu-ano.

• ang haba ng pasensya nila. pero kapag naman naubos ito. LAGOT! hihihihi.

• marami sa kanila hindi lang nagsasabi ng opinyon nila sa maraming bagay na nangyayari sa paligid nila, pero mayaman sila sa opinyon. At kadalasan yung opinyon nila eh maraming matutunang tama ang mga makakarinig. Tahimik pero malalim sa karanasan.

• madalas, sa mga suhestyon kung ano ang dapat ibigay sa tatay sa araw niya eh makikita mo ang ‘necktie.’ Pero di naman lahat sila eh nakakapag-soot noon. Pero lahat sila nagsi-sinelas sa bahay.

• minsan nung kabataan nila ay napa-away o me nakasuntukan sila, dahil don sigurado umuwi sila minsan ng putok ang kilay o me black-eye. Ipakuwento mo yon sa erpat mo, sigurado masayang kwentuhan yon..

• meron din silang crush nung second year high school sila na hindi nila malilimutan. Isa pang masayang tema sa kwentuhan..

• magaling sila sa mga teknikal na bagay katulad ng pagme-mekaniko, electronics, pagpipintura. Sabi nga ng isang kaibigan, ang erpat nya nagawa ng bumuo ng owner-type na jeep sa edad na 22, at nagawa na ring magmaneho ng delivery truck sa edad na 13. Galing!

• sa Pilipinas ang akala natin si Tatay ang madalas nasusunod sa bahay. Pero marami sa mga desisyon niya, ang nagpasimuno si Nanay.

• marami sa kanila eh naging working student. Me kilala nga ako naging construction worker, factory worker, basurero at taga kolekta ng kanin-baboy para ibenta sa mga nag-aalaga ng baboy. Ito yung mga erpat na bata pa lang eh gusto ng tumayo sa sariling kayod. Hindi para magmalaki, ngunit para maranasan sa sarili nya ang responsibilidad.

• marami sa kanila eh nangangarap na maging madre ang anak nilang babae, para di makapag-asawa. Pero marami sa kanila eh bigo. Hihihi..

• marami sa kanila ang tagahanga ng Ginebra.. katulad ko.. hahahahaha! Jaworski, Jaworski!

• marami sa kanila madalas sabihin na magda-diet na ko. pero ang tunay na kapasidad nila eh apat na rice, dalawang ulam me kasama pang minatamis pwera pa yung isang banana-cue… oops yung storck candy wag kalimutan.

• mas enjoy sila sa hardware, as-in kahit ilang oras sila don. Habang bored na bored naman ang kasama nila.

• madalas din silang magdasal, o manalangin. Hinid lang nila pinapakita. Katulad nila ang tawag nila sa Diyos ay Ama.

• huwag kayong maingay.. atin-atin lang to.. Feeling nila gwapo sila pag naka-soot sila ng shades lalo na pag Rayban.

• groovy din sila, at marami sa kanila ang sumusunod sa uso. sabi nga ng isang kaibigan ‘Hanapin mo sa Pilipino dictionary ang salitang “Tatay” at makikita mo yung litrato niya dun nan aka Rayban’s, polyester fitted bell-bottom pants, silk long-sleeved polo dancing to “Disco Inferno.”

• di rin nila sinasabi sa atin na kapag napapagalitan nila tayo at minsanang napapalo, pagkatapos no’n ay malungkot sila. Kase di nila gusto yon, pero dapat gawin kase malaki ang kinalaman ng disiplina sa tagumpay ng anak nila.

• hindi halata na minsan wala silang pera, o kaunti na lang ang pera sa sira-sirang wallet niya. Pero madalas butas bulsa nila, dahil sa maraming kadahilanan. Hihihihi..

• marami sa kanila ang handang magsakripisyo para sa pamilya, at karaniwan nalalaman na lamang ng mga anak nila yung ganung bagay kapag pamilyado na rin sila. Me mga kakilala ako, ilang dekada na sa Saudi, para sa pamilya nila.

• iyakin sila, di lang nila pinapakita sa inyo yon kase ‘Tatay’ nga naman sila. Siya yung ‘malakas at matipuno’ na imahe sa bahay. Pero maraming beses, pag nag-iisa umiiyak siya para sa pamilya niya.

—–

Araw ng mga tatay sa Linggo.

Sa mga taong mapapalad na buhay pa ang kanilang ama, ano yung pinakamasayang pagkakataon na meron kayo ng iyong tatay na maalala mo? Kung sa dami nito ay hindi ka makapagdesisyon, dagadagan mo para mas marami kang paghuhugutan ng lakas ng loob pagdating ng araw. Kung wala kang maalala dahil sa mga kadahilanang personal, mapalad ka kase me panahon ka pa para gumawa nito.

Sa mga kaibigan ko na yumao na ang kanilang ama, ano yung huling pagkakataon o sitwasyon na magkasama kayong mag-ama na hindi mo malilimutan?

—–

Minsang nag-usap kami ni Luisa (ang bunso kong anak na 3 taon) habang nag-da-drive ako. Kaming dalawa lang sa sasakyan. Habang pinapatakbo ko ang sasakyan ay bumuntung-hininga ako at napasabi ng ‘Ama, gabayan nyo po kami.’ (iyon ay isang paraan ko ng pananalangin para gabayan kami ng aking Amang Diyos habang bumibyahe kami). Narinig pala ako ng Luisa. Sabi niya, Tatay sino kausap mo.

Sabi ko, ‘ang Diyos. Nagpe-pray ako sa kanya para okay ang driving ni tatay.’

‘Bakit Ama ang tawag mo sa kanya?’ (tanung uli ni Luisa)

Sabi ko, ‘kase Tatay ko siya. Ibig sabihin ng Ama ay Tatay.’

Hindi ko alam ang naglalaro sa isip ng anak ko, pero ngumiti siya. :)

—–

Tatay ang tawag sa akin ng dalawa kong anak. Maski walang MD, PhD, EnP, MA, Atty, Engr, at iba pang titulo sa tabi ng pangalan ko.

Mabuhay ang mga tatay na nagtagumpay sa kanilang mithiin na hubugin ang kanilang mga anak sa tamang ugali at pananaw, at sa mga Tatay na nagsusumikap na makamit din ito para sa kanilang mga anak.

Isang mapagpalayang araw ng mga Tatay sa inyo.

14 comments

  1. Achie Ang

    Well said kaibigan….mabuhay din ang mga Tay-Nay na katulad ko sa mundo…hehe
    (Tay-Nay = Tatay na Nanay din dahil single parents)

  2. Jay-Ar Trono

    Happy Father’s Day, Franco!! Na-imagine ko ang daddy ko habang binabasa ‘tong entry mo :-) Lalo na yung

    “huwag kayong maingay.. atin-atin lang to.. Feeling nila gwapo sila pag naka-soot sila ng shades lalo na pag Rayban.” =)

  3. Elizabeth Jose

    Hi, Happy Tatay’s Day… I love You, Nanay…

  4. Napaluha ako sa post mo. Namiss ko bigla ang tatay ko…salamat sa pagbabahagi..

  5. Marjorie Fucanan

    naalala ko tuloy si Tatay…… tama po lahat ito… si Tatay tahimik lang… pero pag nagalit talagang nakakatakot… isang beses lang niya akong napalo noon. maliit pa ako pro nde na ako umulit…. wala na si Tatay pero san man sha naroroon alam kong at peace na sha….. Love you Tatay…….
    Happy Father’s Day din sa yo at sa lahat ng mga tatay sa mundo…..

  6. happy tatays day sa lahat ng tatay :)

    ganito nga ang aking tatay ..hehe

  7. Hahaha.. dami kong natutunan tungkol sa tatay ko dito.. hehe.. ang iba ay tumpak.. hehe..

  8. may isang tatay na laging busy… :) hello, kokoy!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: