Ano’ng Oras na ba..

Kagabi, nanonood si Kumander ng pelikula habang ako naman eh nasa tapat ng bahay kakuwentuhan ang mga kaibigan sa lugar namin.

Ang palabas na pinanonood ni kumander eh yung In Time ni Justin Timberlake at Amanda Seyfried.

Napaka – Surreal ng pelikula.. ang buhay ng tao, ang kanyang kayamanan ayon sa pelikula ay nakabase sa panahon na itatagal pa nya sa mundo.. sa Oras na meron pa sya..

Sa pelikula, ang unibersal na anyo ng kayamanan ay ang pagkakaroon ng maraming oras. Ano nga kaya at mangyari na ganoon ang basehan ng buhay ng tao sa darating na panahon.

Ang totoo nyan.. parang ganon na nga ang nangyayari sa totoong buhay.

Sa kasalukuyan.. marami kang pera.. mayaman ka.. mas malaki ang tsansa na mabuhay ka ng mahaba. Ang pera ay ang oras.

Bagamat maraming mga pagkakataon na nasa kabataan pa lang ang isang tao eh nagkakasakit na ito, naaksidente at binabawian na ng buhay.

Napakalaki pa rin ng impluwensya ng kayaman sa itatagal ng buhay ng tao.

Sa pelikula, ang oras ay makikita sa kamay/braso ng tao.

Itama nyo na lang ako, dahil hindi ko napanood ang pelikula ay iyon lang ang pagkakaunawa ko sa kuwento ng pelikula..

Minabuti ko kaseng makipag-kuwentuhan sa mga kakilala ko.. na pambihira ng nangyayari sa akin..

Kanina naman ay nakatanggap ako ng isang forwarded email message

Sa buwan ng Disyembre ngayong taon, ay mayroong Limang Sabado, Limang Linggo, at Limang Linggo.

Isang pambihirang kaganapan sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Sabi sa forwarded email, nangyayari lang daw ito isang beses lang sa loob ng 824 years.

At ayon sa forwarded email eh maswerte daw ang buwan na ito, at kung gusto ko raw ay ipadala ko rin sa ibang tao upang dapuan ako ng swerte.

Pagkatapos kong mabasa yung email nya ay naalala ko yung pelikula kagabi sa HBO/Star Movies ni Justin Timberlake.

Lumikot na naman ang isip ko.

Sinagot ko yung forwarded email message ng mga magaganda kong kasama sa trabaho..

Eto ang email ko sa kanila.. medyo mali-mali pa yata ang grammar ko.. o yung facts ko about the universe.. pero ito ang eksaktong pinadala ko sa kanila

“Ana at April (kayo yung nag-forward nito sa akin).

Mas importante kayo Ana at April.. kesa sa kahit anong Chinese predictions..

This kind of event happens only once every 824 years..

Ikaw.. Si Ana Odin at April Pichel only happen once in an eternity.. and that is what 1,000,000,0000,0000,0000,000…………. years.. :)

Kung naalala mo sa High School Physics nyo nung 4th year ka.. ang buong Universe daw eh 4.6 Billions na.. up to today..

Biruin mo Inabot ng 4.6 Billions years bago tayo lumbas at nabuhay sa mundo.. and then when we consumed our existence at yumao na tayo.. it will never happen again.

Sabi nga ni Achilles sa Troy movie (Brad Pitt),

The gods envy us. They envy us because we’re mortal, because any moment might be our last. Everything is more beautiful because we’re doomed. You will never be lovelier than you are now, and we will never be here again.”

You only happen once in an eternity.. kaya we are making it COUNT..

Magandang umaga sa inyo..”

Gaano nga ba itatagal ko, natin sa mundo.

Walang nakakaalam. Maaring mamaya, bukas, o sa isang araw.. “our existence, our biological clock, or the journey shows the red light..” then it is over.

Once and for All..

Of course, merong kabilang buhay. Ngunit walang tunay na nakakalalam sa kalagayan natin doon. Kasama natin ang espiritu ng Diyos. Isa na rin tayong espiritu. Isang enerhiya sa napakalawak na kalawakan ng kapangyarihan n gating Amang Diyos.

Isang mapagpalayang araw sa inyo.

3 comments

  1. Marjorie Fucanan

    kaya nga we should be ready anytime….. because nobody knows what will happen even after this very minute…. Only God knows what is in store for us after we depart from this world.. But surely, if we were able to live our lives in accordance with God’s will, then we can be awarded an everlasting happiness and peace in our new life…… after death.

  2. nainspire ako dito. pramis. Masaya akong napadaan sa iyong blog. Patambay na din ah :)

    Godbless.

  3. Tsinelas

    Salamat Marj at Bagotilyo sa pagdaan at pagtambay sa blogsite ko..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: