The Young Perish, the Old Lingers..

The Young Perish, the Old Lingers..

– King Theoden, from Two Towers (Lord of the Rings part 2 by JRR Tolkien)

—-

Medyo sablay ang bumati sa unang araw ng taon sa akin..
At hanggang ngayon medyo apektado pa ko.

Isang batang babae, pitong-taon ang tinamaan ng ligaw na bala habang nanood ng mga firework display nung hating-gabi ng 31 Disyembre 2012 at 01 Enero 2013. Ulitin ko lang.. “Isang Batang Babae..”

Inosenteng Batang Babae.. Masayang nanonood ng fireworks display.

Para kong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko.. at ang nagawa ko lang ay tinakpan ko ng isang palad ko ang mga mata ko at nanalangin na sana at maign ok yung bata.

—-

Kahapon, namatay na yung bata.. Ang pangalan nung bata eh Nicole. Nakita ko yung pitsur ng bata sa TV. Isang masayang bata, isang maganda at masayang bata.

Lagi kong sinasabi sa misis ko.. Hayaan mong maging bata ang mga bata.. hayaan mong maging malikot, makulit, at madaldal ang mga bata kase.. Lilipas lahat yan.. pagdating ng  panahon na hindi na sila bata eh hahanapin mo sigurado yung ganung gawi ng mga bata, ngunit lahat yon ay lumipas na at pawang alaala na lamang.

Ngunit si Nicole eh hindi na mararanasan yung maging makulit, maging madaldal, maging masaya..

Dahil sa isang DIMONYO na nagpaputok ng baril para lang salubungin ang baong-taon.

DIMONYO.. yun lang yung pwede kong itawag sa tao na yon. Kung tao man sya. Oh siguro eh talagang DIMONYO yun at hindi tao.

Palagay ko eh nararamdaman nyo ang pang-gagalaiti ko. Ang totoo nyan nag-ngi-ngitngit ako. Dahil hindi lang ito sa uang pagkakataon na nangyari. Maraming tao na ang nabiktima ng iresponsableng pagpapaputok ng baril ng isang DIMONYO.

Nag-uusap nga kami ni misis minsan eh, nasabi ko sa kanya na hindi ko maintindihan, hindi maaraok ng isip ko kung bakit gagawin mong magpaputok ng baril sa bagong taon. O siguro bobo lang ako para hindi ko maunawaan. Aminin ko na bobo ko pero hindi ko pa rin maarok yung kaba-bawan ng isip ng tao na gumagawa nito sa gabi ng salubong nga bagong taon.

—-

Napanood ko kahapon din yung Two Towers. Ang pangalawang pelikula sa Lord of the Rings Trilogy.

Minsan nag-uusap ang hari ng Rohan na si King Theoden at ang White Wizard (Gandalf) sa harap ng puntod ng anak ni Haring Theoden. Sabin g Hari, “No Parent should have to bury their child.”

Isa sa pinakamabigat na statement na narinig ko sa kahit anong pelikula.. “No Parent should have to bury their child.”

Nung narinig ko yon.. naalala ko si Nicole, na yumao na rin.. at ililibing ng kanyang mga magulang. Hindi ko mauunawaan ang nararamdaman ng mga magulang ni Nicole, bagamat isa na rin akong magulang. Yung lungkot na nararanasan nila ay walang katumbas. Ang totoo nyan ipinapanalangin ko sila na sana ay malampasan nila yung mabigat na sitwasyon na ito sa buhay nila.

Gusto ko man maging masaya para masigla ang bagon taon. Pero naapektuhan talaga ako ng lubos sa pangyayaring ito.

—-

Rest in Peace Nicole.

Sigurado ko sa kinalalagyan mo ngayon eh wala ng bala na tatama sa yo, o sa kahit sinoman na bata na kasama mo dyan. Isa pa.. sa kinaroroonan mo na kasama na ang Diyos ay masaya ka na.

Kung makita mo pa si Dolphy, Panchito, Chiquito, at iba pang komedyante eh sigurado pasasayahin ka lalo nila..

—-

Madalang na akong magsulat sa blog ko dahil gusto kong makinig ng makinig, at magbasa ng magbasa muna.

Listen more, Read more & Posts less..

Isang mapagpalayang Bagong taon pa rin sa lahat..

3 comments

  1. I know how you feel. Hindi dapat talagang naglilibing ng anak ang magulang. Hindi ayos sa order pero nangyayari. Ate ko naglibing din ng anak. Nakatuwaan yung anak nyang lalaki ng mga lasing. Pinatay dahil napatingin lang yung pamangkin ko sa kanila. Granted 20 years old na sya pero it doesn’t make it any easier.

    Mahirap talagang intindihin ang buhay kaya magtiwala na lang tayo sa Diyos na siya ang gagawa ng husga sa mga taong ganoon.

    I know naapektohan ka ng pangyayari pero don’t dwell on it too much. Marami pa ring magagandang nagnyayari sa paligid mo at marami pa rin namang taong mababait.

  2. Marjorie Fucanan

    mahirap talaga mawalan ng anak….. kahit patay o buhay mo pang iniluwal… lalo pa at malaki na at matagal mo nang nakasama….. “no parent should have to bury his child”….. dapat kc magulang ang nauunang magpahinga sa anak.. pero nangyayari talaga ang ganitong mga bagay…. mahirap sabihin at maramdaman hangga’t hindi mo nararanasan… ako, naranasan ko na…. sobrang sakit….. pero ang iniisip ko na lang, masaya siya kung saan man siya naroroon… may anghel na nagbabantay sa aming pamilya….. gaya ni Nicole, may she rest in peace……:)

  3. Andrea Banana

    hindi ko rin matanggap na ang mababaw na tao (mababaw sa masamang paraan) ay may kapangyarihang makapatay ng mga inosenteng tao…Demonyo kung demonyo, demonyo sa pinakailaliman…Ang masakit jan, marami sila…sana, kung hindi sila magbabago, sana matapos na ang buhay nila sa mundo para mas maging ligtas tayo lalo na ang ating mga musmos na anak…Ano kayang klaseng kabataan meron sila?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: