Kausap ko sila..

Madalas kong kausap ang mga anak ko na si Soap at Luis. Madalas pa sa madalas. Kapag kausap ko sila ang pitumput-walong porsyento ng usapan ay sila ang nagsasalita. Hindi dahil wala akong masasabi sa mga pinag-uusapan namin, hindi rin dahil mas nangingibabaw ang mga salita nila habang nag-uusap kami, at hindi rin dahil lagi silang tama sa mga pinag-uusapan namin. Kundi madalas, yung isip at damdamin ko ay nag-uutos sa akin na, ‘hayaan mo silang magsalita ng magsalita,’ ‘gawin mo lamang magsalita kapag kinakailangan.’

Ngunit, kalian nga ba ‘kailangan’ na si Tatay ay dapat magsalita kapag kausap niya ang kanyang mga anak? Isang tanong na mahirap sagutin ngunit sa sarili ko ay ginagawa ko na lamang. Isa pang dahilan kung bakit hinahayaan ko na sila ang madalas na nagsasalita ay masaya ako na naririnig ang mga tinig nila. Dalawang batang babae na walang limitasyon sa pagtatanong ng mga bagay na madalas ay hindi pa nila naiintindihan. Halimbawa, sabi minsan ni Soap at Luis eh ‘Tatay, si Lolong ba ang pinakamalaking buwaya sa mundo, mas malaki ba siya sa Tatay niya?’ ‘Tatay, bakit si Luis eh kulot, ako diretso ang buhok ko, mana ba siya sayo kase kulot ka eh?’ ‘Tatay, bakit ang mga Koreano maputi?’ ‘Tatay, bakit ayaw mong tawaging negro yung mga maiitim na tao?’ Marami at malalalim na tanong na walang diretsong sagot para sa anim at apat na taong batang babae.

At ang pinaka-dahilan kung bakit sa mga panahon na kausap ko sila ay hinahayaan ko silang manguna sa usapan namin ay sila ang bida para sa akin. Sa mga kuwentuhan namin eh sila ang bida, at ako ang supporting actor. Kinakabisado ko ang mga tinig nila, nag-iimbak ako ng alaala sa papamagitan ng mahabang pakikinig sa mayaman nilang tinig. Dahil alam kong darating ang panahon na sila ay lalaki at magiging mga dalaga, at ang oras nila ng pakikipag-usap sa akin ay mababawasan. Isang malaking kaligayahan sa akin na alalahanin ang mga itinago kong tinig nila. Tinatago ko ang kanilang mga tinig para pagdating nga panahon ay me baon ako sa aking pagtanda.

Ngunit bakit nga ako nagba-blog? Simple lang ang dahilan, kinakausap ko si Soap at Luis. Ayaw kong idahilan na ito ay para maging makatuwiran ang mga tao na makakabasa nito, at itaguyod ang kapayapaan at magkaroon ng progresibong pag-iisip sa lipunan. Ang mga ganung sagot ay para sa mga kandidata sa Bb. Pilipinas.

Sapagkat naniniwala ako na kapag nagawa kong ipaunawa ang mga tamang prinsipyo sa buhay ng mga taong malalapit sa akin, ay magagawa ko ring ipaunawa ang katulad na pananaw sa mga makakabasa ng blog ko. Kung nagagawa kong mag-imbak ng mga alaala ng tinig nila sa puso at isip ko ay ginagawa ko namang isulat ang isip, damdamin at ilang prinsipyo sa buhay na alam ko pagdating ng araw ay babasahin nila.

Isang mapagpalaya at masayang pagba-blog sa ating lahat.

Ang post na ito ay tugon sa Hoshi’s Blog Life Contest” kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

10 comments

  1. wow ang bait at pasensyosa kang daddy. siguro kaya maraming daddy’s girl ay dahil sa mga katulad mo na iniintindi at ipinababatid sa kanyang mga anak ang halaga ng kanilang bawat tanong o pananaw.

    marahil ito rin ang pinagkaiba ng sulating blog sa ibang klase ng babasahin. yung personal mong kwento at paniniwala ay bukas mong ibinibahagi at kapupulutan naman ng aral nang mas maraming tao.

    mabuhay! hanga ako sa mga lalaking mabuting ama!

  2. Pingback: Blogging is disseminating principle | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

  3. Blogging can really help shape minds and influence others; hence blogging should be done responsibly. Kudos tatay!

  4. kumusta and regards kina Soap and Luis, pati sa misis mo, Cocoy… warm regards din sa blogger na kaytagal absent, ahaha. good luck dito sa madamdamin mong entry, kapatid. cheerio! :)

    • Tsinelas

      Madamdamin ka dyan.. hihihihi..
      ikaw naman busy-busy blogging.. sunud-sunod..

      all the best… salamat

      • haba, ay madamdamin naman nga – moving… :) ano’ng blogging busy, two weeks-old na ang entries ng lola mo sa ssa at sa english site, ahaha. at mga isang century na ring di nakakabasa ng freshly pressed, as in. pag nagbasa me siguro, bilasang FP na ang mga ‘yon, hihi. ;)

        ei, may result na ang pakontes ni hoshi. di ako nanalo, sayang. balak pa naman kitang ilibre sa manila hotel kung sakali, hakhak. biro lang… hamo, pag yumaman ako, whehe. ililibre ko kayo ng girls mo sa ling nam, lol. hello, Cocoy… :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: